Kabanata 14

167 9 2
                                    

Kabanata 14

Garden.

 

            “N-Nasaan 'yung babaeng 'yun?” I nervously mumbled to myself. Chineck ko na ang lahat ng puwedeng ma-check dito pero wala talaga siya, saan na naman nag-susuot iyon babaeng iyon?

            Sh*t, hindi kaya lumabas na 'yun ng room niya ng dahil sa sobrang bored niya dito at sa kakahintay niya sa akin?
            Agad akong napatakbo palabas ng silid na iyon ng naisip ko iyon, ang slow ko. Ba’t ngayon ko lang iyon naisip?

            Pero napahinto ako ng mayroon akong makitang nurse doon. “Hi. May nakita ho ba kayong babae na lumakad? Basta, artista rin po iyon, Anina ang pangalan.” Mukhang makilala niya iyon, sikat 'yun si Anina eh.

            “Ah, Ikaw po si Kluney diba? Oh my God! Pa picture p—”

            “Nasaan na si Anina?” Mariin na tanong ko dito, kung ano ano pa ang pinaggagawa eh. Ayaw pang sagutin ang tanong ko.

            “A-Ah, Si Anina po ba?” parang tangang tanong ni’to sa akin, Naiinis na ako dito, nginitian ko nalang siya kahit sa loob-loob ko ay ang sarap niyang itapon.

            “Oo nga!” I muttered. Mukhang nagulat namna siya, nataranta siya at agad agad na sumagot sa akin.

            “S-Sa Hospital Pefitul Garden po, nandoon siya” She nervously answered.

            Lalo akong nainis sa kanyang sinagot Tanga ka ba Miss? Alam ko ba kung saan 'yun? gustong-gustong sabihin ni Kluney 'yan sa Nurse—pinipigil lang niya ang sarili niya.

            “Ah Miss, saan po 'yung Hospital Petiful Garden?”

            “Sa tapat po ng Room 1909” Mas kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Kung ako may-ari nito matagal ko na siyang sinesante sa katangahan niya.

            “Saan 'yung Room 1909?” Mahinahon kong tanong kahit sa loob-loob ko ay kanina ko pa siya sinisigawan.

            “Katabi po ng Room 1908.” At iyan, hindi na nga ako nakapagpigil, tumingin ako sa kanya ng masama.

            “ANONG DAAN PAPUNTA DOON?!” Bulyaw ko dahil hindi ko na napigilan. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkatakot.

            One word. Nakakatawa.

            “Doon po sir, dumiretso lang po kayo, makikita niyo po dun ang Room 193, pagnakita niyo po iyon ay lumiko kayo sa kanan at liko sa kaliwa at dumiretso lang ho kayo, na—”

            Di ko na siya pinatapos at tumakbo na ako.

            Ako nalang ang maghahanap no’n, Nahihilo lang ako sa sinasabi nung babae na iyon e.

            Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit hindi ko na alam kung saan na ako napupunta ngayon. Ba’t kasi di ko pa siya pinatapos?

            “Nasaan na ba 'yun? Peste.” I mumbled to myself while looking on different directions.

            I glanced into the room beside me ‘Room 1909’

            “Sa tapat po ng Room 1909” Naalala kong wika ng nurse kanina.

            Kaya naman napatingin ako sa tapat nitong room na katabi ko, at di nga ako nagkakamali, may malaking pinto dun, transparent glass. Nakikita kong garden nga 'yun, magand ang tanawin, madaming halaman at mga bulaklak na masarap sa paningin.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon