Kabanata 23

125 8 1
                                    

Kabanata 23

The shooting continues…

            Nagpatu-patuloy lang ang daloy ng aming shooting, naging masaya at matagumpay pa rin naman ito, pero wala pa kami sa kalahati, sa dami ng araw namin ay wala pa daw sa ¼ ‘yong scenes na nagagawa namin na mula sa book, ang hirap pala talaga mag shooting, wala pa kami sa part na Star, na-e-xcite na nga ako kung sino ang gaganap na star at magiging new friend ko.

            “Anina!” Nagulat ako at nabalik ang wisyo ko ng sumigaw si Kluney, ganito ang eksana namin lagi.

            “Oh?” Walang buhay na tanong ko sa kanya, kasi, as usual na bo-bored uli ako dito na hintayin ang lahat simula palang sa pag-se-set dahil sa pag-a-ayos palang samin ay sobra-sobra na akong na-bored.

            “W-Wala naman..” Ganyan lagi ang nagiging eksena niya rin, sobra niyang weird, na parang may gusto siyang sabihin sakin pero bigla niyang i-wa-‘wala’.

            Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at hinarap siya, “Tapatin mo nga ako! Ano ‘yong gusto mong sabihin?” At mas parang naging tensionado siya, halata palang ito pag ttignan mo siya, hindi siya makatitig ng diretso at maayos sa’yo at pinagpapawisan an rin siya ng konti, malamig naman dito.

            “Wala ng—”

            “Guys! Punta na sa set! ready na ang lahat, gawin niyo ‘yan ng maayos ha, napakahaba ng magiging dialogue diyan kaya wag kayong masyadong bumulol.”

            Mabilis na tumakbo kami ni Kluney sa set pero binigyan ko siya ng ‘Di-pa-tayo-tapos-hinayupak-ka’ look.

            Ito na ‘yong scene na ako’y madadapa dito sa walang hiyang bato na ‘to.

            “Lights..”

            “Camera..”

            “Action!”

            Ako’y dahan dahang naglakad dito sa daanan, hindi pinapansin ang lahat, na para bang wala akong nakikitang set, director o kahit na ano.

            At ako’y nagpadahan dahan na paghulog, oo dahan dahan, sila na ang bahalang i-pa-slow-mo effect pa ‘to.

            Biglang may nag voice-in dito, “Ayan na, may sasalo na sakin.”

            Pero ako’y nahulog, nasubsob.

            “Help?” Tumingala ako at nakita ko si Kluney, kinuha ko ang kamay niya at tumayo, tumalikod siya saglit a habang nakatalikod siya ay nagtatalon ako—sa sobrang kilig at nagsisigaw pa ako—voice in, nang siyay humarap ay back to normal na uli.

            “Upo muna tayo,” Aniya at kami’y umupo sa bench do’n.

            pero ako’y tumingin sa kanya, guawa si Kluney ng malungkot sa ekspresyon, “Ba’t ka nalulungkot?” Lumingon siya sa akin.

            “May naalala lang ako…”

            “Puwede mo bang i-kuwento?”

            Hindi ko i-n-expect ang mga susunod na sinabi niya, nag tuloy tuloy siya.

            “Mahal na mahal talaga nila iyon, Lagi siya ang napapansin. Parang wala nalang ako sa'kanila. Naluungkot ako lagi nun, pag mag kasabay ang family day namin, Laging sa'kanya sumasama. pag may mga laruan akong gusto, Hindi nila binibii pero pag yung maliit na kapatid ko ang humiling ay bibilhin nila, Pero mabait 'yung kapatid ko noon, Masyado akong nagselos sa'kanya. Galit ako sa'kanya dahil siya nalang ang laging napapansin, May mga araw na inaaway ko pa siya, Sinasaktan ko pa siya, Minsan naman pag di ko sinasadya, Sobra-sobrang nagagalit ang mga magulang ko sa'kin. Feeling ko hindi nila ako mahal. Feeling ko wala silang maasakit sa'kin. Feeling ko wala akong halaga sa'kanila.”

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon