Kabanata 16
Van Trip.
Maaga akong gumising ngayon-para sa shooting, handa na rin lahat ng gamit ko, kagabi ko pa hinanda tulad ng sinabi ng mahangin na Kluney na 'yon.
Isang bag lang ang dinala ko, hindi naman kami mangingibang bansa diba? Kinakabahan na ako sa lagay na 'to pero at the same time ay na-e-excite rin ako dahil ito ang unang beses ko na gaganap bilang bida sa isang pelikula.
Dinala ko na ang bag ko sa baba at ako'y umupo muna sa sofa paa du'on ko nalang muna hihintayin ang service daw na sinasabi ni Kluney, talaga nga namang napaka-sosyal nung lalaki na 'yun dahil ang dami na niyang na-gaganapan na mga pelikula.
I glanced on the clock, maaga pa pala-mukhang naging mayado lang talaga akong excited, Ano kayang mangyayari mamaya? Nakaka-excite isipin.
Siguro ay napakalaki ng pagkakaiba nito sa mga shino-shoot namin dati na isang araw lang ako kasama sa shooting dahil hindi naman ako ang bida-hindi rin kontrabida.
Si mama naman, balak pa sumama ngayon pero hindi ko pinayagan, shooting lang 'to, feeling niya ata lalabas na ang pelikula namin.
Dati kasi lagi siyang sumasama sa akin pag ako'y may shooting, kahit sandalian lang ako ay sobrang supportive niya pa rin sa akin, pero ako? minsan ikinahihiya ko pa siya kaya nako-konsyensya na rin ako kahit papaano.
Di ko rin akalain na darating ako sa ganitong sitwasyon-na sobra akong magiging succesful to the point the nagkaroon na ako ng love team at nagkaroon pa ako na pagbibidahan na pelikula.
Huwaw!
Hindi nagtagal ay may narinig din akong busina sa labas, halos mapatalon ako nung narinig ko ang napakalakas na busina na iyon, sumilip ako sa bintana namin para ito'y tignan-isa itong van.
Baka ito na ang 'service' na sinasabi ni Kluney?
Lumabas na ako ng bahay dahil baka eto na nga talaga iyon.
At hindi nga ako nagkakamali, nakita ko si Kluney sa van na nangingiti-ngiti pa at kuakaway pa na parang nagsasaad ng Tara na! ano pa'ng hinihintay mo?
Pero mas ikinagulat ko ng bumaba na siya ng van, hindi ba talaga marunong maghintay 'tong bastos na lalaki na ito?
"Anon ginagawa mo rito? hindi ka pa ba makakapaghintay na pumunta ako roon? napaka mainipin mo! ako nga kanina pa naghintay para makadating kayo tapos ako pupunta lang doon?!" dire-diretsong bulyaw ko sa kanya.
Pero parang wala siyang narinig at kinuha ang bag ko at tumingin sa kin "Kukunin ko lang bag mo, ang dami mo pang sat-sat." at habang dala-dala niya ito ay dumiretso nalang din ako sa van.
Hindi rin nagatagal ay nakapasok na rin siya rito sa van, maaki itong van pero kahit ganoon ito kalaki ay sobang lamig pa rin, hindi ko alam kung nilalamig ko dahil sa excitement at kaba o dahil lang sa aircon.
Waah! Ang O.A ko.
"Baliw ka na Anina?" Tinignan ko ng masama si Kluney sa sinabi niya.
"Manahimik ka, na te-tense ako."
"Ang arte ne'to." Pangngangasar niya, ang sarap niyang sampalin ngayon.
"Palibhasa, sanay na sanay ka na kasi lagi kang nag sho-shooting! Eh di ko nga alam kung paano mag motivate si Director, kung ano ang mga ipagagawa niya, kung ga'no kah-"
"Ang ingay mo, malalaman mo rin naman 'yun mamaya kung ano-ano pa ang dina-dadakdak mo diyan!" pagrereklamo niya, kung puwede ko nga lang siya i-pa-salvage ay baka matagal na siyang nasa sementeryo.
"Okay fine." Medyo nahihilo-hilo pa kasi ako kaya hindi na muna ako nakipag-argue dito, hindi ko muna sinayang ang oras ko rito, lalo lang sa-sakit ang aking ulo.
"PMS." Natatawang sambit niya kaya napatingin ako ng matalim sa kanya.
"Ikaw?! baka gusto mong PMS-in kita?!" Naiinis na sambit ko sa kanya.
"Grabe, PMS nga." Natatwa nitong pangang-asar sa akin, nakaka-high blood 'to ah, wala nga kasi.
"Wala nga!!" Sabi ko sa tono ng pagalit.
Bwisit!
Matapos ang napakahabang oras ng pagkukulitan namin at pangangasar at pang-aabuso niya sa akin ay nakarting na rin kami sa destinasyon.
I SURVIVED!
But will I really survive?
BINABASA MO ANG
Love Team
Teen FictionSimpleng pamumuhay ang natamasa ni Anina, kuntento na siya kung ano ang mayro'n siya—kaligayahan, pagmamahal at kapayapaan. Nag-ta-trabaho siya bilang isang artista, pero hindi 'yong mga artista na bu-mi-bida sa mga palabas, pero nag-bago ang lahat...