Kabanata 37

110 6 0
                                    

→▲☼▼←

Kabanata 37

Masakit…

            NANG kami’y makababa at makadiretso na sa loob ay talagang namangha ako sa ‘king nakita. Nakita ko ang mga artista na nagtitipon-tipon do’n. Nakita ko rin do’n ang mga artisang gumanap sa mga paborito kong palabas at pelikula. Kulang na lang ay lumapit ako palapit sa kanila upang kumuha ng litrato kasama sila ngunit pinigilan ako ni Kluney sa pamamagitan ng paghila niya sa braso ko, “Have a pride, Anina. You’re an actress, too,” bulong niya.

            “Who cares about your freakin’ pride, Kluney Corte—” Hindi ko na naituloy ang nais kong sabihin ng biglang mahigpit akong inakbayan ni Kluney.

            “Just listen to me, Anina. Okay?” Then, he kissed me in my forehead. “That’s for not listenting at me.” Pagkatapos ay ang ilong ko naman ang kaniyang hinalikan. “That’s for arguing.” At akmang hahalikan na niya ang labi ko ng piigilan ko siya at akmang hinampas ang kan’yang ulo.

            “At para naman saan ang huli, Cortez?”  naiinis na tanong ko at nanlilisik na tinignan siya, ngunit imbis na siya’y matakot – ngiti ang isinukli niya sa ‘kin.

            “For being there.”

            “So what if I’m here?”

            “Don’t play dumb, Anina. I knew that you know it. But I’ll not be tired of saying it to you. For being there – being my inspirasion, love and everything that will help me live in this world.” Kahit sa loob looban ko’y tumatalon na ‘ko’y diretso akong tumayo.

            “Ang korni mo,” untas ko at binigyan siya ng nandidiring tingin. Nang mapukaw namin ang atensyon ng iba’y nagalak na ngiti at nasasabik na mukha ang ibinungad nila sa amin. Kasiyahan ang na-idulot nito sa ‘min. Knowing that they can appreciate me.

            “KluNina Couple!” masayang sigaw nila habang tumakbo sila papunta sa ‘min.

            Nakaramdam ako ng mga matatamis na yakap, nanliit ako sa kanila. Walang-wala ang ganda ko kung ito’y ikukumpaa sa kanila. Nakipagkamay ako sa kanila. N’ong una’y

nahiya pa ‘ko dahil ang kinis ng kamay nila, pero sino ba ‘ko para mag-inarte?

            Akala ko’y tutunghay lang ako rito buong araw ngunit mukhang hindi naman pala, sa nakikita ko na ‘to? It looks like sadness is purely prohibited here – with these cheerful people?

            “Unbelievable!” pagsasatinig ko.

→▲☼▼←

            NAKAKUNYAPITakong nagtatago sa kama ko rito, iisa lang ang kuwarto ng mga babae na hiwalay naman sa lalaki, hanggang dito’y dinig na dinig ko ang malakas na halakhakan nila, minsan pa’y may mga sumisigaw sa kanila na akmang susugurin naman ng iba kong mga kasama rito. Kahit sila’y nagtipon sa isang kama at nagkuk’wentuhan, ipinagdadasal ko na sana’y hindi nila mapansin na wala ako ro’n.

            Narinig kong nagbilang si Jella kung ilan ang mga taong nasa kama. At nang mapansin nilang wala ako ro’y sabay-sabay nilang isinigaw ang pangalan ko. Napakagat ako sa labi ko at napapikit ng mata habang nakatalukbong ako sa kumot na ito.

            “Ang galing ko! Nahinuha kong si Anina ang nawawala!” natatawang pagbibiro ni Hanna na nauunlinigan ko hanggang dito. Inulit nila ang pagtawag sa pangalan ko kaya wala na ‘kong nagawa kung ‘di umibis dito sa kama at nakayuko’t dahan-dahan akong naglakad sa kamang iyon.

            “Tara, k’wentuhan tayo!” pagyaya nila. Nakangiti akong tumango at bumalik na sila sa masaya nilang pag-u-usapan. Tumatango na lang ako sa bawat sinasabi nila upang matapos na ito dahil sobrang kahihiyan na ang nararamdaman ko sa buong pagkatao ko sa mga oras na ito.

            “Oh, baka naman mayroon na sa inyong lumabag sa huling patakaran?” nangingising tanong ni Relyina. Ang kahihiyan na naramdaman ko kanina ay mas dumomble at halos saklubin ako ng buong universe sa nararamdaman ko ngayon.

            Nang dahil sa kahihiya’y hindi ko napansin dahan-dahan akong napa-atras at nahulog na nga ako sa kama. Napatingin silang lahat sa ‘kin at napahiyaw sa pangalan ko – mas nakakahiya ‘to – mas makakahalata! Isang malaking kahihiyan ‘to!

            Nagtulong-tulungan sila upang ako’y mabuhat, n’ong una’y halos mahulog pa ‘ko at napuno na naman ng tilian pero nang huli’y nagawa rin naman nilang i-akyat ako sa kama. Bumalik na sila sa sari-sarili nilang mga kama habang tinatanong kung ayos lang ba ako, syempre ako, laging um-o-oo.

            Ilang saglit pa lamang ay pumasok na si Marimna sa loob at napuno ng bulungan ang silid. Nakita ko ang pag-i-irapan ng ibang artista. Mukhang naiinis din sila rito, ah?

            “Ito ‘yong sumisipsip sa ka-love-team ko.” naririnig ko na bulong ng ibang artista… somethings fishy.

→▲☼▼←

            NAPAIGTAD ako nang naulinigan ko ang tili ng mga babaeng artista na ito. Nang ibukas ko ang mata ko’y nakita ko ang pagtalon-talon nila sa kanilang mga kama. Mukhang sobra silang nasasabik sa mangyayari. Because of curiousity, I walked towards them.

            “What’s up?”

            “Anina! Magaganap na ang paboritong pangyayari ngayon!”

            “And what’s that?”

            “SPORTS FEST!”

→▲☼▼←

            NAIILANG akong ngumiti ng suot-suot ko na ang sports-wear na ipinahiram sa aming lahat. Maikli lang ang suot ko sa itaas kaya kita ang aking tiyan, kahit ang short ko’y maikli lang na halos takpan ko na ito. Ang unang laro ay volleyball at mayroon na kaming mga kakampi. Mabuti na nga lang at hindi ko naging kakampi si Marimna (Malandi).

            Pum’westo na ka’gad kami sa laruan ng maayos na ang lahat. Kami ang service at sa ‘di inaasahang pangyayari ay ako ang unang magseserve. Napamulagat ako ng marinig ko ‘yon ngunit inunahan na ‘ko ng hiya upang tumanggi sa kanilang sinasabi na gawin ko.

            Inayos ko ang pagtayo ko sa dulo ng linya. Huminga ako ng malalim at iniayos ang bola kung saan sigurado akon tatama ito kay Marimna. Huling paghinga ng malalim ay pinalo ko na ito.

            Naghanda na ang lahat upang mag receive ngunit tinignan ko lang ang patutunguan ng bola. Nakita kong direkta itong tumama sa ulo ni Marimna at pakunwaring hinimatay. Tumakbo si Kluney papunta sa kaniya at binuhat ito. “Dadalhin ko lang siya sa infirmary.”

            Malandi ‘yan! Sana’y umilag siya dahil malayo pa lang, alam na niyang tatamaan siya dahil nakatingin na siya ro’n! Bakit kailangan pa niyang gamitin ‘yon para landiin si Kluney? Nakita ko ang pagkakainis sa mukha ng mga artista at sabay-sabay na sumigaw ng “Malandi!”

            Gaganti ako… hindi lang sa ‘yo Marimna, sa ‘yo rin Kluney.

            Masakit ba, Marimna ang pagkakatama ng bola? Kung gano’n, mas masakit ‘yong nararamdaman ko.

→▲☼▼←

            

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon