Kabanata 17

170 10 3
                                    

Kabanata 17

Park

           

            “Sigurado ka bang safe dito? Natatakot ako Kluney!” Pangangawa ko habang kaming dalawa nalang ni Kluney ang natitira dito sa van—ayoko pang bumaba dahil ang daming naka-set-up ngayon eh.

            “Oo naman, pero pag nakita ka nila? Hindi na talaga safe.” Natatawang pang-asar nito sa akin, inirapan ko nalang siya at huminga ng malalim, bababa na ako para hindi na mabuwisit sa lalaking ito.

            “Tara na nga.”

            Walang arte-arte ay sabay na kaming bumaba, okay na dito nalang ako na matakot kaysa naman manatili doon sa loob ng van na inaasar-asar lang ni Kluney.

            Ba’t gano’n? parang ang bait-bait ni Kluney dati no’ng first day ta’s anong nangyari ngayon? ‘yong kina-anghel niya noon ay siyang kina-demonyo naman niya ngayon.

            Nakakagigil!

            “Woah!” Manghang-manghang sambit ko nang mas malapitan kong napagmasdanan ang eskwelahan na pag-sho-shootingan namin, pero wait, pa’no ‘yong book review?

            “Pa’no ‘yong boo—”

            “Do’n sa office ‘yon gaganapin. Bilisan mo na, baka di mo pa ma gets ang story.” Dumiretso na siya sa isang parang office rito, umirap nalang ako at sinundan siya papuntang office.

                        Nakapasok na kami sa loob, mas namangha ako sa nakita ko, ang laki ne’to, parang ang daming mga bigatin na nagtatrabaho, kinilabutan ako, ang dami ring mga libro dito, pero parang pare-pareho lang ito, ang title ay “Run Towards Love.”

            May dalawang staffs na pumunta sa amin at binigay sa amin ang librong iyon, kung titignan sa title at over ay nakaka-akit na ito, excited na akong basahin ito kahit hindi ako ganoon mahilig magbasa ng pocket books.

            “Ba’t nandito kayong dalawa? Hindi pa ngayon ang book review! it’s a meeting for US.” Sambit ni Director Sean habang siya ay nakatingin sa amin.

            Tinignan ko ng masama ang katabi ko—Kluney.

            Hinila ko siya agad palabas dito at dumiretso agad sa van, walang hiya siya! sobrang naging excited ako tapos ganito lang ang mangyayari? Nakakainis siya! sana ay bumili nalang ako nang ganitong libro sa bookstores! nag impake pa ako ng mga gamit.

            Dumiretso agad kami sa van habang ako ay inis na inis nang dahil sa katangahang ginawa ni Kluney. Kumukulo pa ang dugo ko sa kanya, sayang ‘yong excitement ko, hindi na talaga ako maniniwala sa manlolokong Kluney na ‘to.

            “Ani—”

            “MANAHIMIK KA! Wag mo akong kausapin,” sabi ko at hinihilot pa ang sentido ko sa sobrang sakit ng ulo ko sa kanyang ginawa, sasapakin ko ‘to pag hindi ako nakapag-pigil.

            “Okay,” sagot niya, pero nakita ko siyang ngumisi, ang guwapo—nakakainis ang itsura! nakakainis!

            Inirapan ko nalang siya atsaka kinuha ang librong binigay sa min ng staff na ‘Run Towards Love’ pero natatakot akong buksan, baka malukot, pero walang mangyayari kung diko binuksan, kaya naman sinira ko ang plastic nito at inuha na ang book, natuwa ako sa title, tinignan ko muna ang teaser, mukhang maganda ah, babasahin ko talaga ‘to.

            Binuksan ko ang libro at nakita ko ang Author’s Note, ang arte naman ng author.

            (A/N: Kudos sa mga nakabasa na ng Run Towards Love, work ko po ‘yan, naka post, basahin niyo. Hahhahaha.)

            At ipinagpatuloy ko sa first chapter, sobra akong natawa, sobrang nakakatawa talaga, sino ba namana ng hindi matatawa rito?

                        RUN TOWARDS LOVE CHAPTER 1

            AKO si Vanilla Vucket Sterly, Naghihirap ako ngayon. Mahirap ang buhay ko. Punong puno ng sakripisyo ang dinanas ko, Puro paghihirap na'rin ang pinagdaanan ko pero binalewala ko lahat ng ito para lang mabuhay ako ng mapayapa, Matiwasay at Maayos.

Joke lang! Kayo naman! Nagpauto kayo sa'kin! Sa ganda kong to?! Mukha akong uto-uto?! Hindi noh! Walang sinabi ang kaitiman ni dora sa Ganda ko!

Mayaman talaga kami, pero hindi ko gusto ang buhay namin. Puro business ang inaasikaso ng mga magulang ko, kahit ang kuya ko. Parang kulang at wasak rin ang pamilya namin dahil ng sa pesteng business na 'yan. Ok lang sa'kin na mahirap na buhay basta sama-sama kami kesa naman ganito na mayaman nga magkakahiwalan naman kami.

Ang drama ko 'no?! Wag niyo kong pakeelaman! Nagsesenti ako dito eh, nag-eemo ako. Mamaya makikita niyo nalang ako na nag wawalling sa pader NIYO! Bwahahahaha. Tapos kakagatin ko kayo tapos kakainin ko kayo. Bipolar ko no? Jombagin ko kayo eh! 

1st year college na rin ako, marami akong kaibigan pero lahat sila ay FAKE. Nakakainis! Lagi tuloy ako nasa-CR nilulublob ang mukha ko sa inidoro! 

Boyfriend? Sapak gusto niyo? Wala pa eh, Naghihintay sa right person with the right time with the right chicken. Kayo, gusto niyo maging boyfriend ko? French-Fries muna! French-Fries hindi French-Kiss ha! Sisipain ko kayo sa balls niyo! 

Nag-aaral ako sa Tretish Academy. Parang baliw 'yung pangalan no? Tretish, Parang tetris. Pang-mayaman na school 'yon. Para sa'kin lang yun. Chos.

I like strawberries too. Weird ko no? Ako si Vanilla pero straberry gusto ko. Pake niyo ba?! Hagisan ko kayo ng slurpee diyan eh.

Isa't kalahating baliw rin ako, Joke lang, Pure ata 'to! Proud na proud! Halata naman diba? Pag di kayo um-oo, May suntok kayo. 

Nagtry rin ako magtrabaho ng kung-ano ano eh. Nag mascot pa nga ako na barney eh. Pinagkaguluhan ako ng bata hanggang sa nahulog ako at hinigaan pa nila ako!Ang sarap nilang patayin.. Ano lasa? 

Love? Gusto mo sipain ko kayo? Ano yang love na yan? Nakakain ba 'yan? Naiinom? Nahihigaan? Sandata pampatay kay Sadako? Pampatay sa nakakainis kong teacher? Impaktito!

Matalino ba ako? Hindi. Hahaha, Aminado ako! Kesa namang sabihin kong matalino ako pero laging 10 over 50 ang grades ko sa exams? Mataas 'yun?!

Anong talent ko? Kumain ng kumain ng kumain. Hep Hep! Walang kokontra! Papahiran ko ng kulangot lahat ng kumontra! Takot niyo nalang don. 

Hindi ko rin sineseryoso ang buhay ko. Halata naman sa Introduction ko diba?Lagi lang akong nakatawa, Nakasinghot ako ng droga ngayong araw eh.

 

            Sobra akong natawa sa nabasa ko, pero nagulat ako nang nakita ko kung nasaan na ang van..

            sa isang PARK.

           

            

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon