Kabanata 24
Marimna Ratsalap na MALANDI!
Ilang araw na ang nakalipas magmula ng sabihin niya ang salitang Labyu na ‘yon, kahit alam kong biro lang ‘yon, ang hirap pa rin kaya i-alis no’n sa utak, nakaka-pollute, isa ba namang Kluney Cortez ang magsabi sa inyo no’n.
Medyo hindi na rin kami nakakapag-pansinan ni Kluney during Shootings dahil sobrang busy na ngyon, sobrang hirap na ng character and script analysis and memorizing, ang pagtanda ng mga gagawing aksyon pag nasa set na.
This is the time, nandito na kami ngayon sa set, hindi pa kami makapagsimula ng shooting dahil wala pa ‘yong gaganap na Star daw, na-e-excite na ako, sana ay dumating na siya, sana ay mas maging malapit kami sa isa’t-isa, sana hindi lang kami sa pelikula maging mag-kaibigan, sana ay sa personal ay mas maging matalaik na kaibigan pa kami kaysa sa mga nakikita sa telebisyon at malalaking panooran.
Tumingin ako kay Kluney, nakatingin lang din siya ng diretso sa pintuan pero ramdam ko na anytime ay mapipkit na siya sa sobrang antok, kahit ako. Mas malaki pa ang na-ilaki ng eyebags ko kaysa sa nailaki ng aking height.
Pinikit ko na ang mata ko, unti-unting nilalasap ang sarap ng pagkakatulog, pero habang ako’y nakapikit ay nakakarinig ako ng mga maii-ingay na pagbati.
Ang ingay naman!
Dahil sa sobrang nabugnot ako ay iminulat ko na ang mata ko, pero parang nag slow-motion ang lahat, lahat ng nangyayari diot at ang mga nakikita ko.
Nakita kong may maganda, sexy at sobrang tangkad na babaeng pumasok na dito, halata sa mukha ni Kluney na siya’y manghang-mangha, walang kaduda-duda, ang ganda ganda talaga ne’to, pero anong ginagawa niya dito? tresspasing siya!
“Siya ang magiging Star sa inyo—ang magiging kaibigan ni Vanilla na gaganapan ni Anina, Anina, she’s Marimna, Marmina she’s Anina.” Isa-isang pagpapakilala sa amin ni Director Sean.
“Hi Marimna!” Masayang pagpapaklala ko dito at akmang yayakapin ko siya ng nilagpasan niya ako at agad siyang dumiretso kay Kluney, diba dapat sakin?
“Hi Kluney!” Bati niya at niakap ng mahigpit ito, hinalikan niya pa ito sa pisngi, napakalanding nilalang! Ang sarap niyang sabunutan ng sobra sobra.
Patago akong umirap Malandi ka! Kinabog mo kalandian ni Vanilla! Akala ko pa naman magiging kaibigan kita! pero hindi! Akala ko ba nasa zoo ang mga ahas? Anyare? Field Trip niyo?
“Mamaya na ‘yan! Diba mag-sho-shooting na tayo?!” Mataray na giit ko at umirap ako kay Malanding ahas na hipon na malandi.
“Ang hard mo naman Ate Anina,” Painosenteng sambit nito at nag pout pa, hilahin ko ‘yang labi mo at ilampaso ko sa lapag eh, malandi ka talaga.
“Oo nga Anina!” pagsasang-ayon naman ni Kluney, at talagang sumama pa siya? Magsama silang dalawang malalandi sila, puro landi ang inaatupag!
“Okay, punta na ang lahat sa kani-kanilang mga set,” announce ni Director, so sumunod na kami, ako ay padabog na pumunta sa set, nag make face muna ako bago huminahon.
Malandi
Ako ay nakaupo sa isa sa mga bench dito, hinihintay na pumunta sa eksena si snaky girl na nakakainis.
“Hello, mag-isa ka lang?” Tanong niya.
“Hindi, nakikita mo isa diba? kaya siguro lima ako.” pamimilosopo ko a tsaka ko siya inirapan.
“CUT”
“Anina! hindi iyon ang magiging script mo! minemorize mo ‘yan! ulitin mo please.”
Sorry naman, nadala lang ng emosyon na nararamdaman ko na sobrang pagkainis sa walang hiyang hinayupak na lechang tae na ito.
“Lights..”
“Camera..”
“Action!!”
“Ay, Oo, um-absent kasi ako sa first class ko you know tamad problems, that is so tweetable darling.Ikaw ba? Absent ka rin?”
“Yep.. halata naman.” Pabulong niyang sinabi ‘yong huli
DI NAMAN ‘YON KASAMA SA SCRIPT AH?! BA’T AKO PINAGALITAN TA’S SIYA HINDI? BIASED ‘YON! MALANDI TALAGA! ANO ‘TO? GALAWANG MALANDI?
“Ay, puwede ba kitang maging kaibigan?” Masayang tanong ko sa knaya kahit sa loob loob ko ay sinasaksak ko na siya at pinapatay.
Pero bigla akong napaisip….. May kissing scene si Star pati si Jay ibig sabihin may kissing scene si Kluney at ‘tong malanding ‘to?!
“Oo naman! tara! Punta na tayo sa canteen!” Sabi niya at ako’y hinila, dapat hindi ganoon kalakas ang hilang gagawin niya pero dahil malandi siya, sobrang lakas nito na aabot sa point na magiging bungo na ako dahil halos matanggal na ang buto ng braso ko sa lakas ng impact ng pagkakahila niya.
Dinamay mo pa ang braso ko sa pagiging malandi mo.
Kami’y nasa canteen na ng school na ito, nakapila kami, wala kami sa pinakahulihan, wala rin kami sa unahan, so meaning nasa gitna lang kami, so ibig sabihin mga nasa 3 students left nalang na nakapila rito ay kami na.
At tapos na nga ang 3 students na ‘yon, kami na ngayon ang turn.
Akmang mag sasambit na kami ng o-orderin namin ng biglang may sumingit na lalaki sa aming pila.
agad na agaw eksana ‘tong malanding ‘to, pero syempre, hindi pa rin mawawala an pagiging malandi niya so ang pag agaw eksena siya ay sobranga rte na parang slow motion pa—she supposed to be a palaban pero iba ang dating sa kanya mahalay.
“You piece of a sh*t dumba*s racist n*mb jerk! walang hiya ka! kita mong may nakapila dito! hindi mo ba alam na pinaghirapan namin ‘to? nasa pinaka likod pa kami kanina apos ikaw sa harap agad? ano ‘to? magic? pinagloloko mo ba kami? kung sa iba puwede ‘yon, puwes, ibahin mo ako ang pangit mo kaya! bawal na bawal sa akin ang ganyang pag-u-ugali!” Sambit ne’to.
“Ikaw walang utak na hinayupak na lecheng gagong walang pinag-aralan! walang good maners and right conduct! walang mga magulang na nagpalaki sa iyo ng tama! walang magandang manners! walang utak! walang puso! tanga! gago!” sinabi niya lahat ng ito ng may accent—malandi ang accent na ‘yon na sobra kong kinainisan sa kanya, ang arte niya talaga.
Pero ay hinila ko agad siya palabas, pero tulad ng ginawa niya, sobrang sakit at sobrang lakas din ng pagkakahila ko sa kanya.
Dinadasal ko na sana ay;
Mabalian ka ng buto, sana ay mamula pati na rin mag ka pasa.
“CUT!”
“Good Job!”
“Aray! ang sakit mag hila ni Anina.” Agad na lumapit si Kluney sa kanya.
“Dahan dahan lang kasi Anina,” usal ni Kluney.
MALANDI KA TALAGA.
BINABASA MO ANG
Love Team
Teen FictionSimpleng pamumuhay ang natamasa ni Anina, kuntento na siya kung ano ang mayro'n siya—kaligayahan, pagmamahal at kapayapaan. Nag-ta-trabaho siya bilang isang artista, pero hindi 'yong mga artista na bu-mi-bida sa mga palabas, pero nag-bago ang lahat...