KABANATA 18
Exclusively for them.
“Anong ginagawa natin dito?” Pambungad na tanong ko sa kanya nang tumigil na ang van sa park, walang tao, mayroon pala, ‘yong mga naglilinis, nag bebenta at guard lang, anong mayron? baka bawal dito? bakit dinala niya ako rito? lolokohin na naman niya ba ako?
“Ah, matutulog?” Pamimilosopo ne’to.
“Kinakausap kita ng maayos kaya sumagot ka nang maayos!” Kungwari’y seryoso kong sinabi ko sa kanya, at para mas u-m-effective ay mas sineryoso ko pa ang mukha ko.
Effective na sana ang pagiging serious ko ng tinaasaan ako ni Kluney ng kilay—para siyang bakla, at dahil do’n, hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa nang pagkalakas lakas, ang epic ng mukha niya? Ba’t ang babaw ko na? Dahil ba sa nabasa ko ‘yong Run Towards Love? Di ko pa naman tapos ‘yon ah?
“Mukha kang tanga, seryoso ka ta’s tatawa ka? pa’no mo magagawa nang maayos ang act? comedy pa naman ‘yon at may medyo drama sa huli baka tumawa ka lang.”
“Hindi ‘yan, kaya ko ‘yan, pero seryoso, ba’t tayo nandito? Bawal ata tayo, tignan mo walang katao-tao rito bukod sa mga nagtatrabaho! Bakit?! Ni-rap—”
“Manahimik ka nga, nandito tayo para mamasyal, para makapag-relax ka. Kaya naman walang tao ay, baka magkagulo lang.”
Yabang.
“Ah, okay, ang gala mo talaga, hindi ko pa nga natatapos ‘tong Run Towards Love eh.” pangangatwiran ko, ganito pala talaga ‘yon noh? Pag nagbasa ka nang libro ayaw mo na itong alisan sa sobrang excitement kung ano ang mangyayari sa susunod.
“Mamaya na ‘yan, mamasyal muna tayo rito,” sagot naman niya, tumango nalang ako dahil wala rin naman akong magagawa, O-oo rin ako ako dahil pipilitin niya lang ako.
Hihiga nalang sana ako sa isa sa mga upuan rito sa van ng bigl nalang niya akong kargahin—‘yung ulo ko nasa likod niya, para akong sako, walang hiya talaga ‘to.
“Waaah! Ibaba mo ako!” Sigaw ko habang pinagpapalo ang likod niya, kasi ganito naman talaga dapat diba? ‘yong pakipot muna?
Nang makapasok na kami ng tuluyan sa gate ng park ay binaba na niya ako.
Pinasadahan ko muna siya ng masamang tingin at naunang maglakad sa kanya, okay rin pala ang pumunta rito, ang tahimik ng lugar, malinis, at ang ganda ng view, ang dami ring rides.
“Ano? Aayaw ka pa? Ang arte mo rin eh no?” He immused. Hindi ko na lang muna siya pinansin, ayoko namang masira ang maganda kong araw dito dahil lang sa kanya kahit sa isip isip ko ay sinasakal at pinapatay ko na siya
Naupo muna ako sa isa sa mga bench do’n—hindi ko alam kung sumunod ba sa akin si Kluney, at wala na akong pakeelam kung sumunod ba siya o hindi.
Napansin kong nasa tabi ko na rin pala si Kluney, but I don’t care, sabi nga niya, mag “relax,” daw, pa’no ako makakapag relax kung laging siya ang pinapansin ko?
“Haaay!” Akmang hihiga na ako sa bench ng hilahin ako patayo ni Kluney, naaka-bad-trip talaga ‘to, mag relax daw, tapos ayaw akong pahigain?!
“Kung hihiga ka lang diyan, sana ay nagdala nalang ako ng kabaong dito para do’n ka humiga,” singhal niya.
“Eh ano na naman bang gagawin natin dito?” Walang kabuhay buhy na tanong ko, babasahin ko pa kasi ‘yong Run Towards Love eh e’tong lalaking ‘to, napaka epal sa pagbabasa ko, ang sarap niyang patayin.
“Mamasyal, sasakay ng rides and some stuff.” Ang arte, may ‘some stuff,’ pang nalalaman, ang arte talaga ne’to, siguro bakla talaga ‘to? Ayun! Sayang!
“Ang arte! Mas maganda kung basahin ko nalang ‘yong Run Towards Love kaysa sa mga walang kuwentang pakulo mong ‘yan, pinapagod mo lang sarili mo,” walang emosyong sinabi ko.
Parang wala s’yang narinig sa mga sinabi ko dahil patuloy siya sa paghila sa akin si Kluney, hanggang sa nakarating kami sa isang ferris wheel, anong gagawin namin dito?
“Sasakay po kayo?” Tanong no’ng nag o-operate ng ferris wheel, napasapo ako sa noo sa naging tanong niya, s’yempre, sasakay kami, ano p bang gagawin?
“Opo.” Himala? Sumagot ata ng maayos si Kluney? Anong mayroon? Baka may sakit? masapak nga.
Ayun, sumakay na kami, sobrang laki ne’tong ferris wheel, makikita mo buong city, kami lang ang tao rito kaya pinaandar na rin ito, pero mabagal itong pinaandar kaya nababagot na ako.
“Ang tagal namang mapunta ne’to sa taas!” Pagrereklamo ko nang mapansin kong wala pa kami sa gitna kaya wala pa akong masyadong makitang view dito.
Pero itong katabi ko, parang walang naririnig, enjoy na enjoy ang pagtingin sa labas, ang arte ne’to, ang daming pakulong alam, pektusan ko ‘to eh.
Iniripan-irapan ko nalang siya at pinagdidilaan, ito na ang moment ko, hindi naman siya nakatingin eh.
Pero habang ginagawa ko ang mga makababoy na gawain ay napansin kong nasa gitna na kami, sobra akong namngha sa nakita ko, napakaganda ng pananaw dito kahit kami’y wala pa sa pinakatuktok, kaya naman pinokus ko nalang ang paningin ko s alabas at hindi na pinansin si Kluney dahil sa ganda rito, buti nalang talaga ay dinala ako ni Kluney dito, shiz, ang ganda talaga, hindi ko mapigilang mamangha. Alam mo Kluney, minsan may tama ka rin. gusto kong sabibhin sa kanya ‘yan nang natatawa pero no thanks nalang.
“‘Yan! Sabi ko na eh, mamaya mangangawa ka rin sa akin sa sobrang pagpapasalamat,” pagmamayabang niya, mayabang nga, hindi ko na talaga sasabihin sa kaniya ‘yon, baka mas lumaki ang mahangin niyang ulo.
Ako naman ang hindi pumansin sa kanya ngayon at pinkuaw ang atensyon ko sa labas, konting kembot nalang ay nasa taas na kami, ewan ko, pero may kakaiaba akong nararamdaman—excitement.
Patagal nang patagal ay hindi ko napansin na nasa tuktok na kami.
At hindi nga kami nagkakamali, napaka ganda ng view, ‘yong tipong puwede ka nang mamatay ngayon, sobrang ganda talaga, ang sarap lumipad.
Pero ang mas ikinaganda ngayon ay nung may mga fireworks na pumutok, pareho kaming napatingin ni Kluney sa taas, mukhang totoo nga ang sinabi ni Kluney na mangagawa ako sa harap niya nang dahil sa pasasalamatan, haaay, ba’t kailangan mong maging ganito Kluney?
Pero may mas ikinagulat pa ako, nang makita kong nagtipon tipon ang mga tao sa aba at sabay-sabay kaming pinicturan ni Kluney, what the hell?!
Pero hindi ko sisirain araw ko nang dahil lang sa mga stalkers namin na ‘yan, iba ibang grupo ang nakikita ko eh, at ayaw ko nang isa-isahin pa ang lahat nang iyon.
Masaya akong nakauwi sa bahay, hinatid ako ni kluney at kasalukuyan aalis na siya pero pinigilan ko muna siya para ako’y makapagpasalamat muna.
“Salamat Kluney.” Then I gave him a peck on the cheeks.
at sinimulan ko nang basahin uli ang Run Towards Love.
BINABASA MO ANG
Love Team
Teen FictionSimpleng pamumuhay ang natamasa ni Anina, kuntento na siya kung ano ang mayro'n siya—kaligayahan, pagmamahal at kapayapaan. Nag-ta-trabaho siya bilang isang artista, pero hindi 'yong mga artista na bu-mi-bida sa mga palabas, pero nag-bago ang lahat...