Kabanata 35

66 4 0
                                    

→▲☼▼←

Kabanata 35

Double Celebration

            NAKARAMDAM ako ng hiya ng tawagan ako ni Kluney, pinabayaan ko lang ito mag ring at nagwala rito sa kuwarto ko. Nang buksan ko ang facebook ko’y nakita ko ang pangfoflood sa ‘kin ni Kluney ng “Kluney poked you.” Binuksan ko ang messages namin at nagulat ako sa nilalaman nito.

            Hey, drunky head! Get-up and answer my phone!

            Hey! Answer it, or just answer this, don’t snob me because I’m not your fan. You’re my fan.

            At punong-puno ng pagmamayabang niya na hindi ko pa ninanais na tignan. Nang dahil sa sobrang pagkainis ay agad ko na siyang nireplayan.

            ?

            Isang tipid na question mark ang nireply ko sa kaniya. Hayaan niyo siya magdusa ro’n.

            What the hell is that reply? Question mark lang? Anina! Please. I already missed you. Answer me properly, please!

            Halos ibato ko ‘tong cellphone ko sa pinagsasabi niya. Dalawang rason, inis at kilig. Kung ano-ano ba naman daw ang sabihin? Sa mga panahon na ‘to, ang kailangan ko’y pairalin muna ang no-to-landi-zone

            K

            Tinamad pa ‘ko niya’t hindi ko na nilagyan ng period. Pero ang loko, dinagdagan pa ng mas nakakainis na reply.

            L M N O P – Hanggang sa’n pa ‘yan, I’ll always admire you ‘til the end, princess.

                        Seen 10:20 AM

            Ipinikit ko muna ang mata ko, nadagdagan na naman ang sakit ng ulo ko, hang-over? Hinding hindi na ulit ako iinom. Pero, I should, I think? Ang tanda ko na, daig pa ‘ko ng mga teen-agers.

            →▲☼▼←

NAGISING na lamang ako na nasa isa na ‘kong kotse. Nagulat ako sa nakita ko kaya naman tumingin ako sa gilid ko, nakita ko ro’n si Kluney na nakangiti. Halos saksakin ko sa siya ng makita ko ang ngiting ‘yon, para bang inaasar ako.

            “Ba’t mo ‘ko dinala rito, Kluney Cortez?”

            “Ba’t ‘di mo sinasagot ang tawag ko, Afammela Jenina Klonita?” tanong niya habang itinataas pa ang kilay, ang sungit naman nito.

            “Ayoko, e. Ipapaalala mo na naman ‘yong nangyari kagabi sa bar, na nalasing ako. Hoy! Common lang ‘yon para sa ‘kin, ‘no,” litanya ko habang dinuduro ko pa siya sa mukha niya.

            Hinawakan niya ang kamay kong ipinanduduro ko sa kaniya at piningot ako, “Why would I do that? I’m here to comfort you, not to tease. . .” tumigil siya, “but to tease, too.”

            “You’re crazy! Paulit-ulit lang ang cycle natin! Nagsasawa na ‘ko! P’wede iba naman? Pakatino ka naman kahit isang araw lang, Kluney. Please naman,” natatawang pahayag ko.

            This time, Kluney held my other hand, too. So he’s now holding both my hands. “We’re not teen-agers, mean, I can do whatever I wanted to do, just like this.” bum’welo muna siya sa mukha ko at mariin niyang isiniil ang labi niya sa ‘kin. Itutulak ko sana siya kaya lang hinawakan niya ‘ko sa ulo ko.

            Naputol na lang ito ng magbreak ang nagdadrive ng van na ‘to. Halata sa mukha ni Kluney ang pagkainis, at wala pang ilang segundo’y sumigaw na siya. “Kuya! Dahan-dahan naman!” sobrang diin at buo ng pagkakasigaw niya no’n kaya kahit ako’y natakot. Ang sama nitong malanding ‘to.

            “I’ll do what you said. .. .” bigla’ng sabi niya. Tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay, nagtatanong kung ano na naman ba ang kaniyang sinasabi.

            “That we’ll change our life-cycle.”

            O-‘kay?

            →▲☼▼←

MAY tumapik sa ‘kin habang ako’y nasa kalagitnaan ng pagtulog. Nakita ko ang pagtapik sa ‘kin ni Kluney, nandito na kami sa office ngayon, hindi man lang ako inform na mayroon pala kaming appointment-kuno.

            Naunang bumaba si Kluney sa ‘kin, as expected, isa siyang bastos – ‘yon ang akala ko, pero nang makababa na siya’y inalalayan niya ‘ko sa pagbaba, n’ong una’y ‘di ako sigurado kung para sa ‘kin ba ‘yon, I thought Kluney will cuss and shout at me but he didn’t, he nodded and smiled. Ang sarap niyang kurutin at yakapin, he’s so cute. . . and handsome. . . and hot . . . and cool.

            Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami papaloob, tumanggi ako but he said that this is love team, hindi gagawa ng malisya ang boss namin. As the wind brushed through Kluney’s hair, hinawi niya ‘to and that makes him more even cuter.

            Nakarating na kami sa taas and that’s the time when Kluney let go of my hand. Pinaupo agad kami ni Director do’n sa upuan na para bang may importanteng sasabihin.

            Hindi kaya nalaman niyang kami na ni Kluney? No . . .

            “We just want to say that the trailer of the movie will be aired at bawal niyo pa makita. Be surprised, you really did a good job in your first leading movie, Anina, of course, Kluney!” Director complimented. Pareho kaming tumango.

            “And, we’ll have a celebration for that, pupunta tayo sa Subic to have some fun! The cast and staffs will be there, and also Marimna will be there.” Parang  nahulugan ako ng bahay ng marinig kong kasama pala si Marimna.

            “The ticket will be shipped in your houses, okay? You may now go, Klunina love team. And don’t forget the last rule okay?” at bahagya pa siyang tumawa, I guess ‘di pa niya alam. . . at sana’y ‘di na niya malaman.

            “Kluney, can I pinch your cheeks?” I cheerfully asked. Ngitian niya ko’t tumango. Lumuhod siya ng konti para maabot ko siya. Saka ko ito pinisil, medyo nadudulas pa ito sa kinis ng balat niya. Pinaggigilan ko ito and I giggled.

            “You can do it anytime as long as that will make you happy and as long as you’ll let me do what I want to do in your cheeks, too.” tumango ako sa kaniya.

            Inihahanda ko nang mapisil ang pisngi ko. Pero imbis na pagpisil ang maramdaman ko’y nakaramdam ako ng malambot na pagdami ng kaniyang labi. Sinamaan ko siya ng tingin.

            “I thought you’ll pinch –”

            “I didn’t say that.”

            “Last favor please!” I insisted. And then, tumango uli siya.

            “Payakap.”

            I hugged him at pinaggigilan ko uli siya. Kahit matigas ang katawan niya’y pinaggigilan ko ito. Ang cute niya talaga.

            Why did I like cute stuff? Nah, just because Kluney is there.

            →▲☼▼←

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon