→▲☼▼←
Kabanata 42
Huling yakap.
GABING-GABI na ngunit mulat na mulat pa rin ang aking mata at mukhang walang balak na patulugin ako sapagkat maraming mga bagay ang pilit na bumabagabag sa aking isipan. Buong araw na 'kong nakatulala pero punong-puno ng masasakit na bagay ang bumabalot sa 'king pagkatao.
Umuwi na rin si Lina pagkatapos na pagkatapos ng pagpunta namin doon sa simbahan. Ako'y naliwanagan ngunit hindi pa rin mawawala ang katotohanang nasasaktan ako.
Gusto na ayaw kong iwanan ako ni Kluney. Ayaw kong iwanan niya 'ko dahil mahal ko pa rin siya ngunit gusto ngunit nakataya ang buhay ni nanay rito.
Nakuha ko na rin ang aking sweldo, at alam kong sapat na ito upang ipaopera si nanay. At hinahangad kong magiging maayos na muli ang lahat pagkatapos ng operasyon. Pero may isang bagay ang 'di maibabalik sa dati – kami. Kami ni Kluney.
Ang paglipas ng oras ay ang paglipas na rin ng kasiyahan na natitira sa 'kin, paglipas ng pag-asa.
Pinagmasdan ko ng mabuti si inay at niyakap siya ng mahigpit. Wala nang mas ikakapatanag ang aking damdamin tuwing yakap ko si nanay – ang taong naging ilaw ng aking buhay.
"'Ma, ano po ba dapat ang aking gawin? Nahihirapan na po ako, kayo po ba? Please, just hold-on. Huwag po kayong bibitaw. Hawakan niyo lang ang kamay ko, gaya ng ginawa niyong paghawak sa kamay ko tuwing ako'y nahihirapan," bulong ko sa kaniya habang niyakakap pa rin siya.
→▲☼▼←
SINAG ng araw ang gumising sa akin, ngunit mas hinahangad ko na magising sa sinag ng aking inay. Mag gusto kong magising sa pamamagitan ng pang-aasar at pangangaladkad niya sa 'kin, kahit iyan ang mga nirereklamo ko noon, iyon rin pala ang hahanap-hanapin ko sa ngayon.
Piphitin ko na sana ang doorknob ngunit ito'y bumukas na at pumasok dito ang taong gusto kong layuan na 'ko. Halata sa kaniyang mukha na hindi siya natulog, matamlay at nanghihina na siya.
Ngunit nang makita niya ang kalagayan ni inay ay mas nagula siya at hindi siya makapaniwala. May namumuong luha sa kaniyang mata ngunit pinipigil na tumulo ito.
"Sana pala. . . sana pala inalam ko muna ang rason bago ako nagalit, Anina. Patawad, Anina... patawad," pagmamakaawa na niya muli at hindi na kayang pigilan pa ang pagtulo ng mga luha.
Umiling ako at hinawakan siya sa braso, na ako naman ngayong punong-puno ng luha ang pisngi. "Hindi. Ako dapat ang humingi ng tawad. Pasensiya na." Pinilit kong maging diretso ang pagsasalita ko kahit ilang beses akong nauutal dahil sa sunod-sunod na paghikbing pinakakawalan ko.
"Pero, b-bakit mo 'ko hiniwalayan?" tanong niya habang nakapikit na nang tuluyan, gustong mabulag sa katotohanan kahit ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya mula rito.
"Alam mo naman na nasa patakaran iyon diba? At hindi nila ibibigay ang kabuuan ng suweldo sa 'kin kapag hindi kita hiniwalayan," pagpapaliwanag ko at ako naman ngayon ang pumikit, ayoko nang makita ang mga nangyayari, baka sakaling mawalan na rin ng paningin ang aking damdamin.
"Maari naman kitang bigyan ng pera upang makatulong," pagmamakawa niyang muli.
"Ayokong umasa sa tulong ng iba. Ayokong tumanaw ng utang na loob. Please, intindihin mo 'ko, Kluney..." pakikiusap ko sa mahinang tono.
Ang akala ko'y kukulitin niya pa 'ko ngunit niyakap na niya 'ko at doon ko na narinig ang sunod-sunod niyang paghikbi.
"Naiintindihan kita. Papakawalan muna kita. Pero babawiin uli kita...maging malakas ka, ha? Kahit anong mangyari, nandito ako sa tabi mo, isinisigaw ang pangalan mo. Kaya mo 'yan...kaya mo 'yan," sabi niya at napapaos na ang kaniyang boses.
"Maraming salamat."
At binigyan niya 'ko ng halik sa noo.
Pinakawalan ko na ang yakap, kasabay na nang pagpapakawala namin sa isa't-isa.
→▲☼▼←
"KAILAN po ba magaganap ang nasabing operasyon?" tanong ko sa doktor.
"Sa susunod na linggo," sagot naman niya.
"Pero, kapag natapos na po ang operasyo'y babalik na po uli sa lahat ang dati, 'di po ba? Magiginga ayos na po uli ang kalagayan ni inay, 'di ba?" masayang tanong ko sa kaniya.
"Wala tayong kasiguraduhan diyan. Ang operasyong ito'y delikado. Maaring mawala na lamang ang pasyente pagkatapos ng operasyon. Pero gagawin namin ang aming makakaya para siya'y maligtas," huling pagpapaliwanag niya at saka umalis.
Akala ko, ayos na ang lahat. Pero sigurado akong hindi magiging miserable ang kalalabasan. . . sigurado ako.
Nakakapagod na rin pa lang pilit kumuha ng positibong atake kung alam mong walang magbibigay sa 'yo nito.
Nakakapagod na.
"Diba sinabi ko naman sa 'yo na lagi akong nasa tabi mo? Kaya mo 'yan!"
BINABASA MO ANG
Love Team
Teen FictionSimpleng pamumuhay ang natamasa ni Anina, kuntento na siya kung ano ang mayro'n siya—kaligayahan, pagmamahal at kapayapaan. Nag-ta-trabaho siya bilang isang artista, pero hindi 'yong mga artista na bu-mi-bida sa mga palabas, pero nag-bago ang lahat...