A/N: ‘PAG ‘DI PA KAYO NAG-COMMENT DITO HUMANDA KAYO SA ‘KIN. IMMA QUIT NA. HAHAHHAHA
Kabanata 30
A Dream?
Malakas ang pintig ng puso ko habang nag-ka-tagpo ang aming mga tingin, malalimsiyang tumingin sa ‘kin na para bang may iniibig siyang sabihin, ngunit hindi lang ‘yon, na-mangha rin ako sa kapaligiran at presensyang inihanda niya.
Nakita ko na lang ang naka-handang lamesa, dalawang upuan. At nakita ko ring sobrang mayos ito na may pantakip na kulay pula, may mga bulaklak dito at kandila. Sa kabilang banda naman ay mayroong isang parang daananan na inihanda upang maka-rating do’n, pinalilibutan ito ng maraming petals ng roses.
Nakita kong nasa kainan na si Kluney, napa-tanong ako sa sarili ko, ano bang nangyayari rito? Bakit ganito ang set-up? Mayroon ba kaming shooting ngayon ng ‘di ako nabalitaan.
Ngunit mukhang mayroon siyang ka-date, tumingin ako sa paligid dahil baka naroroon ang kaniyang kinakasama, ngunit wala namang masiyadong tao rito kaya ipinagbaliwala ko na lang ito ng isagaw niya ang pangalan ko. Napa-hiyaw ako sa ginawa niya at tumalikod uli para siya’y maharap mula sa malayuan.
“Anong kailangan mo?” Naiiritang tanong ko sa kaniya at muling tumingin sa likod na baka naman may kaparehas lang ako nang pangalan, napakamot ako sa ‘king ulo nang hindi malaman na dahilan, ano ba ang kaniyang problema? Umirap ako at tumango.
“Pumunta ka rito, aba.” Mas nainis ako sa kaniyang iniasta, siya na nga lang ang magpapaunta rito, gano’n pa siya kung mag-utos? Kahit ayokong pumunta pero gusto ko ay dahan-dahan akong naglakad do’n.
Habang naglalakad ako ay nilalasap ko na ang momentong ito, ang mahangin na atake ng hangin, ang bulaklak na nakapaligid habang ako’y naglalakad at ang mga kandilang nakasindi patungo sa gawi ni Kluney.
Pinilit ko ang sarili ko na hindi mangiti ngunit kahit ano ang gawin ko ay patuloy pa rin na umiigtig ang saya na nararamdama ko kaya parating may mga ngiting pumoporma sa ‘kin.
Kaya dahil sa kasiyahang iyon ay hindi ko napansing nasa harap ko na pala si Kluney. Mas lumakas ang pintig ng puso ko pero dahil do’n ay sobrahang pagpilit sa sarili ko na hindi na talaga ako ngumiti.
Hindi ko alam pero parang nag-iba siya ngayon, mas lumakas ang epekto niya sa ‘kin at mas lumundag ang puso ko n’ong nakita ko siya, lalo na nang makita ko ang mukha niya, para bang nakakita ako ng isang anghel…na demonyo…sobrang tamis nang kaniyang ngiti at may ibang ipinapahiwatig ang mata niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na mangiti sa mga pinaggagagawa niya ngayon.
Nang dahil ayoko nang mag-assume sa mga nangyayari ay mas inilapit ko ang mukha ko sa kaniyang tainga at bumulong, “Mayroon bang mga camera rito? Ba’t ganito ang set-up? Hindi ako informed na may shooting pala tayo, hindi ko man lang nai—” hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang kaniyang iharap ang mukha niya sa mukha ko. Kinagat niya ang labi niya at napatingin sa labi ko.
“There’s no camera here. This is real, so I can do whatever I want…” Matapos niyang sabihin ‘yon ay mas inilapit pa niya ang mukha niya ngunit itinulak ko siya ng bahagya.
“So, what’s all of this about? Are you fooling me? Or pinapaasa? If then, stop it. Curse you Cortez!” I squirmed out. Natatawa naman siyang umiling sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Love Team
Teen FictionSimpleng pamumuhay ang natamasa ni Anina, kuntento na siya kung ano ang mayro'n siya—kaligayahan, pagmamahal at kapayapaan. Nag-ta-trabaho siya bilang isang artista, pero hindi 'yong mga artista na bu-mi-bida sa mga palabas, pero nag-bago ang lahat...