→▲☼▼←
Kabanata 39
Nahahalata
“TIGILAN MO 'KO!” naiiritang wika ko dahil sa kaniyang sinabi, ngayo’y siya naman ang humalakhak sa aking sinabi. Matagal-tagal rin kaming nagkulitan dito nang biglang bumukas ang pintuan at natunghayan kami ng ibang mga babaeng artista, naitulak ko agad si Kluney dahil sa kaba.
Mahina akong napamura, sumipol ang isa sa kanila at nakurot ko ang sarili ko…pa’no kung nakahalata sila? Ang landi naman kasi nitong si Kluney, e.
Tumakas na 'ko’t tumakbo palabas, kahit alam kong mas mahahalata nila 'yon dahil tumakas ako, ano ba namang katangahan 'tong nagawa ko?
Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sobrang lakas ng pintig nito dahil sa sobrang kaba. Mas lumakas ang pintig nito ng akbayan ako ni Kluney. “Tanggalin mo nga 'yan, hindi mo ba napapansin na baka nakakahalata na sila?” nangagalaiting tanong ko sa kaniya.
“You’re so moody, always moody. Hear me first, okay? Napapansin ko 'yon. Pero I don’t really care. Tara, sundan mo 'ko, pupunta tayo sa tagong parte nito para walang makakita sa 'kin, just trust me. I won’t let the person I love to be sad,” paliwanag niya na nagpapanatag sa 'kin.
Nang makarating kami sa sinasabi niyang lugar ay totoong tahimik at walang katao-tao rito, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang lugar na ito. Sa lugar na ‘to’y pakiramdam ko puwede kaming malaya sa aming nararamdaman.
“Now, can I do this?” tanong niya kasabay ng paghawak niya sa aking kamay. Hiniling ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. Ang sarap sa aking pakiramdam ang bagay na ito.
Umupo kami sa mga buhangin, pinapanood ang paglubog ng araw habang nakahawak pa rin siya sa aking kamay at nakahiling pa rin ako sa kaniyang braso.
“I’m crazy for you, Anina.”
→▲☼▼←
HALOS hindi ako nakatulog ng buong magdamag dahil sa nangyari kahapon, hindi pa rin maalis sa utak ko at nararamdaman ko pa rin ang bilis ng pagpintig ng aking puso. At ngayon pa lamang ay gusto ko nang muling makita si Kluney. Hindi ako nakasagot sa huli niyang sinabi. Ngayon sa isip-isipan ko’y sinasagot ko na siya, “I’m crazy for you, too, Kluney.”
“Anina!” Nagulat ako nang batiin ako ng isa sa mga kasamahan ko. Humalakhak siya. “Parang ‘di ka natulog ha?” tumawa na lang din ako at umiling ng ilang beses.
Habang muli akong nakatulala’y bigla na lamang bumukas ang pintuan – pumasok ang isa sa mga staff ng aming agency
“Ihanda niyo na 'yong mga gamit niyo’t uuwi na tayo!” pahayag niya. Kaya naman iniayos ko na ang sarili ko at inihanda ang mga gamit na dala-dala ko.
Nakita ko na rin ang paghahanda ng iba kong mga kasamahan. Malalim akong huminga at saka tumayo, lumabas na muna ako ng kuwartong iyon dahil gusto ko munang aliwin ang aking sarili sa labas.
Umupo ako sa isa sa mga benches sa tapat ng aming kuwarto. Nabalik na lamang ako sa aking wisyo nang mayroong tumikhim sa aking tabi. Tinignan ko ito’t sa inaasaha’y si Kluney ang nakita ko.
“Lalim ng iniisip, ah?” puna niya sa ‘kin. Tumango na lamang ako at ibinalik ang aking tingin sa dagat. Bahagya kong iginalaw ang aking likod dahil ito’y nangangalay na.
Inakbayan ako ni Kluney,isinandal ko na lang ang aking ulo sa kaniya. Ipinikit ko ang aking mata hinahayaan ang sariling malasap ang momentong ito.
Inalis ko agad ang pagkakaakbay niya sa 'kin nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan at nasipa kaagad si Kluney. Ito na naman, nakakahiya. . .
Halos lahat sila’y tumikhim. Sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa aking damit at hinihiling na sana’y lamunin na 'ko ng luha ngayon.
Nang makasakay na agad sila sa van ay hinarap ko agad si Kluney. “Kabwisit ka!” nangaggalaiting usal ko at tinulak siya muli.
“Gusto mo rin naman magrerekla-reklamo ka riyan.” Nanliit ang aking mata sa kaniyang sinabi at itinaas ang aking kamay akmang sasapakin ko siya ngunit hinawakan niya ito.
“May sasabihin ako,” sabi niya sa 'kin kaya naman iilapit ko ang tainga ko sa kaniya. Ngunit iba ang nangyari sa aking inaasahan, hinalikan niya 'ko sa pisngi.
“Kluney!” nakita ko na lamang siya na nagtatakbo. “Huwag kang tatabi sa akin sa van!” nabubwisit na sigaw ko sa kaniya habang humahagalpak pa rin siya sa tawa mula sa malayo. Huwag na huwag siyang lalapit sa 'kin.
Pumasok na ako sa van dala-dala ang gamit ko, hindi na man sa pagiging madamot ngunit ayokong may makatabi ako kaya ini-upo ko ang mga damit ko sa upuang nasa tabi ko.
Ngunit nainis ako nang may nag-alis ng mga gamit ko ro’n kaya natampal ko agad ang kaniyang kamay. Tumingala ako’t nakita ko ang pesteng tao na si Kluney.
“Mas espesyal ako sa kanila kaya dapat ako ang pinapaupo sa tabi mo, hindi sila,” sabi niya’t umupo na sa tabi ko. Tumango na lamang ako at tumingin na lamang sa bintana.
→▲☼▼←
ILANG ORAS na ang aming naging byahe. I just felt Kluney’s head into my shoulders. “Ang bigat mo,” bulong ko habang pinipitik siya sa noo. Pero hindi siya sumagot, mukhang tuog n talaga. Kaya hinayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa.
Tumigil na kami sa aming agency. Kung kailan nandito na tsaka ‘to matutulog. Bahagya ko siyang niyugyog at bumulong, “Nandito na tayo, Kluney!” dumilat na siya at tumayo na rin, hinihila ako.
Dumiretso kami sa kaniyang kotse at nagsimula na siyang magmaneho papunta sa aming bahay.
“Stop staring at me,” he ordered.
“So nakatingin ka rin sa 'kin kasi alam mong nakatingin ako sa 'yo?” tanong ko sa kaniya.
“Well, palagi naman akong nakatingin sa 'yo, e.”
“Ayan na pala tayo sa bahay, e. Baba na 'ko, ah?” pagpapaalam ko sa kaniya. Tumango na lamang siya.
“Sige na! See you tomorrow.”
“Wala tayong schedul—”
“Well, tayo, mayr’on,” pagutol niya sa 'kin.
Nang maka-upo ako sa loob nang aming bahay ay agad na tumawag sa 'kin si Lina.
“Hoy, babaita! Ang tagal na nating 'di nakakapag-usap! Kamusta ka na? Ano balita?” Dahil 'di ko na rin matiis ang pagtago sa aking sarili nito ay ikinuwento ko sa kaniya ang lahat.
At narinig ko na lamang ang pagtili niya.
BINABASA MO ANG
Love Team
Novela JuvenilSimpleng pamumuhay ang natamasa ni Anina, kuntento na siya kung ano ang mayro'n siya—kaligayahan, pagmamahal at kapayapaan. Nag-ta-trabaho siya bilang isang artista, pero hindi 'yong mga artista na bu-mi-bida sa mga palabas, pero nag-bago ang lahat...