Kabanata 20

159 8 1
                                    

Kabanata 20

Director Sean Motivations.

            Isang araw ang nakalipas matapos ang araw na iyon, ag araw na natutto kami mula kay Therese, ang araw na natanggap namin ng buong puso si Therese at nagbago ang pakikitungo namin sa kanya, Isang araw ng simulang tapusin niya ang pagsisisi niya sa sarili niya mula sa pagkamatay ng kanyang kapatid at isang araw na rin simula ng siya ay naging mas payapa na rin.

            Pero lumipas na ang isang araw—natapos na ang lahat pero hindi pa rin natatapos ang pagbuburyot sa akin ng nanay ko, kung ano anong kawalang hiyaan ang sinasabi sa akin.

            Naiinis na ako, na-bo-bored, wala pang announcement sa shooting, si Kluney naman hindi na ako pinuntahan, na mi-miss ko na siya—konti lang! wag kayo.

            “Haaay!” Napa-buntog hininga nalang ako, napatingin ako sa paligid, dahil kung nandon si Mommy, mag tatago na ako, sasabotahe lang ako no’n eh.

            Mabuti naman at wala. Nakahinga ako g maluwag ng pinagmasdan ko na ang kabuuan ay wala talaga siya, puwede na ata akong mag pa-party ngayon at naka ligtas ako.

            Haay, maka-akyat na nga lang muna sa taas—maliligo na lang muna ako, mukhang wala naman akong schedule ngayon, i-papa-check ko sa secretary ko, joke.

           

            Matapos ang palilig at paggayak ko ay humiga nalang ako sa higaan ko—ganito naman talaga ang ginagawa ko lagi eh, kain tulog lang, wala na akong time mag social—masyado lang akong binabaha.

            Nakatingin lang ako sa kisame, nag-iisip nng kung-ano ano, na bu-bwisit, ano kayang puwede kong gawin? Ayoko namang mag shopping, hindi rin ako makakagalaw ng maayos.

            Akmang papatay na ako ng tao ng bigla nalang mag ring ang phone ko—ringtone ng text, na excicte ako na kunin agad e’to, e’to na naman ako, nag eexpect na si Kluney ‘yon.

            Pero hindi ako nagkakamali, lumiwanag ang mukha ko ng makita kong si Kluney nga ang nag text, agad kong binuksan ang kanyang message, nakaka-excite naman.

            KLUNEY: Hoy, May shooting tayo ngayon, gumayak ka na, malapit na ako diyan, bilisan mo ha? Wag mo akong pag-hintayin kung hindi masasapak kita.

            Na-excite ako nung mabasa ko sa message na may shooting na, hindi ako makapaniwala na gaganapan ko ang book na binasa ko—ang book na sobrang ganda (Weh?)

            Pero somehow, nainis rin ako in the way on how he texted me, ang bastos at napaka demanding, siya ang masasapak ko mamaya pag ako ang pinaghintay niya eh, ready na kaya ako, bihis na bihis na.

            Bumaba na ako sa garahe naman para do’n na siya hintayin, hindi na ako nagdala pa ng mga damit dahil baka niloko na naman niya ako at nag paka effort pa ako na mag dala ng gamit.

            Ang tagal niya, siya talaga ang sasapakin ko sa ginawa niyang pag hihintay sa kin. Nako! siya daw ang maghihintay? Sampalin ko ‘yon! tama! sa book, maraming beses na sinampal ni Vanilla si Jay kaya masasampal ko siya ng maraming beses.

            Haay! Pero okay na rin ‘yon, atleast, nabawasan ang boredom ko sa bahay at pangunguli ni Mommy sa bahay dahil kay Kluney kaya magpapasalamat ako—mali, sasampalin ko nga pala siya.

            May narinig na ako na busina ng van, sigurado akong sila na ‘yon, kaya naman tumakbo na ako palabas ng gate ng walang dalang kahit ano dahilbaka ‘kalokohan’ na naman niya ‘to.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon