Kabanata 4
Nagkahiwalay
Napasapo nalang ako sa noo ko ng marinig ko ang naging sagot sa akin ni Kluney. Hindi kasi muna nagsasabi sa akin, Sana ay nakaalis na kami dito.
"Ako na ang magdadrive para makuwi na tayo." Pagpapaalam ko sa kanya at akmang bababa na para pumunta sa driver's seat ng bigla niya akong pinatigil.
"A-Ano kasi, Ano.... Wala ng Gas eh. Hindi ko napansin kanina nung umalis na tayo mula sa mall." At halos mapalo ko na ng sobra ang noo ko sa naging sagot niya. Seriously? Nakarating kami dito ng ganito ang estado niya?
"Seriously Kluney? Ano ang nangyayari sa iyo?" Hindi ganoon ka harsh ang pagkakasabi ko sa kanya dahil hindi pa naman kami ganoon ka close, baka mapintasan ako ng Feelung Close.
"Nagugutom ka na no? tara muna, Bumaba tayo dito, Maghanap tayo ng makakainan sa Airport." Pagyaya niya sa akin at bago pa ako makasagot ay binuksan na niya ang pintuan at lumabas na siya.
Bubuksan ko na rin sana ang pintuan ko para lumabas na dito at sumunod kay Kluney ng siya na mismo ang nagbukas nito para sa akin.
"Salamat.." nakangiting pagpapasalamat ko sa kanya at dahan-dahang bumaba na ng kanyang sasakyan.
Bumuntog-hininga ako habang nilaalasap ang hangin dito, Sino ba naman ang mag aakala na isang Guwapong katulad ni Kluney ay makakasama ko?
"Sorry talaga Anina ha." Walang sawang pagpapaumanhin nito sa amin habang naglalakad na kami papuntang loob ng airport.
"Ano ka ba, Okay lang naman iyon noh." Masayang sambit ko dito at akmang yuyuko na ako para iaayos ang sintas ng aking sapatos ng Siya na mism ang nagbend lower, ymuko ito at siya na ang nagtali ng sintas ng sapatos ko, Para akong nahiya sa ginagawa niya at nakaramdama ako ng pamumula ng aking pisngi.
Habang sinisintasan niya ako at habang nammua ang aking pisingi at haban kinikilig ako ay nakaramdam ako ng sunod-sunod na flash ng cameras, may mga tilian din akong naririnig na nakapaligid sa amin.
"WAAAAH! KLUNINA COUPLE!! SOBRANAG SWEET NILA!!! WAAAAAAAAAAH!! KLUNINA FOREVER! KLUNINA ROCKS!!!" Sigawan ng ilang grupo doon.
'Ganito ba talaga pag sikat? Ayoko naman ng ganito, Oo, Gusto kong Mahalin ako ng maraming tao pero ayokong dumugin ng ganitong tao.' Wika ko sa aking sarili habang pinapanood ko kung paano nila kami picturan at tilian.
"Okay ka lan--" Hindi na natuloy ni Kluney ang favorite line niya na 'Okay ka lang ba Anina?' ng bigla nalang tumili pa ng sobrang lakas ang mga tao.
Aalis at tatakbo na sana kami ni Kluney papalayo sa kanilang lahat ng bigla nalang silang tumakbo laha papuntang samin.
Naabutan kami ng mga tao, Halos madaganan na ako sa sobrang dami, Halos ma suffocate na ako, Ang daming nagpapaicture, Halos magkaroon na rin ng stampede dito.
Halos hindi na rin ako makahinga, Hinahabol ko nalang ang aking paghinga sa sobrang dami n mga tao dito.
Tinignan ko rin kung nasan si Kluney, pero nag fail ako dahil indi ko siya makita, Di ko rin maramdaman ang presensya nya sa sobrang dami ng tao ngayon na nakapaligid sa min ni Kluney na hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon.
Ilang sandali pa ay bigla nalang nag whistle ang gwardya at inawat laghat ng pagkadami daming tao kaya naman napatigil silang lahat at napalayo.
Tinuunan ko ang pansin ang gitna ulit dahil baka nandoon si Kluney pero nabigo na naman ako dahil wala na naman siya.
Hay nako, 'Una, Naligaw kami, Ngayon nawawala siya? Anong nangyayari doon? Sobra na atang minamalas?' Napafacepalm nalang ako.
Kinuha ko ang cellphone ko para subukang itext o tawagan siya pero tinignan ko ang contacts at wala pa nga pala ako ng number niya.
Napatakbo nalang kao papasok ng Airport, Pumasok na ako dito para hanapin kung nandito pa si Kluney.
Nagshades nalang ako, Itinago ng kaunti ang aking mga buhok samukha ko para hindi nila ako ganoon masyadong makilala.
Itinaas ko ng kaunti ang mukha kong nakyuko para ahanapin si Kluney pero wala siya doon, Saan na naman kaya nagsusuuot 'yung lalaking iyon?
Napatakbo nalang ako pero sa hindi inaasahang pangyayari ay may nakabangga akong lalaki at sa sobrang lakas ng impact nito ay napaupo ako sa lapag. Ang sakit ng puwet ko.
"O-Okay ka lang ba Miss?" Nag-aalalang tanong nung lalaking nakasangga sa akin at inialahy ang kamay niya para tulungan akong tumayo, Tinanggap ko nalang iyon at tumayo na ako.
Pero parang gusto ko siyang pilosopohin at sabihing "Ahm, Kuya, Okay lang po ako, Lalo na po 'yung puwet ko? Okay lang, Okay lang po na mapaupo ako." Pero kailangan ko paring alalahin na konting sambit ko lang ay kakalat na agad ito sa media.
"Okay lang naman ho kuya." Sagot ko dito kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko siyang saktan at ipatapon at ipalapa na rin.
"Naku, Sorry talaga." Pag-uulit niya dito, Mukhang namukhaan niya na ako pero hindi naman siya ganoon ka hysterical gaya nung iba.
"Oh, Ikaw si Anina diba? Hello. I'm Jasper. By the way, Are you Okay Anina?" Nag aaalalng tanong ulit nito sa akin.
May naalala tuloy ako sa kanya, Naalala ko si Kluney sa kanya sa pagsasabing "Are you okay Anina?" kaya naman parang tanga akong napapangiti dito.
"O-Oo naman." Wala sa sarili kong sagot habang nangingisi-ngisi pa. Seriously? Ganito ba kalakas ang tama at epekto ni Kluney sa aking isipan at puso? Joke lang.
"Are you okay again Anina?" At muli, Mas napangisi pa ako sa aking narinig, Ito ba talaga si Kluney? Pero siguro napansin na niya ang walang sawang pagngisi ko dito na parang may masamang plano o may pinag-papantasyahan.
"A-Ah, Oo, Just don't mind me." Nakangiting pagpapalala ko dito na paran may pinagpapantasyahan ulit ako. Pero wala po talaga.
Pinagmasdan ko ng mabuti si Jasper. May magandang mata, kissable at manipis na labi na parang mapupunit, sobrang tangos na ilong, Magandang cheekbone. Ang guwapo guwapo niya, Para rin siyang artista, Pero may gsto lang muna akong ipapalala sa inyo
MAS GUWAPO SI KLUNEY, OKAY?!
BINABASA MO ANG
Love Team
Teen FictionSimpleng pamumuhay ang natamasa ni Anina, kuntento na siya kung ano ang mayro'n siya—kaligayahan, pagmamahal at kapayapaan. Nag-ta-trabaho siya bilang isang artista, pero hindi 'yong mga artista na bu-mi-bida sa mga palabas, pero nag-bago ang lahat...