Kabanata 21

136 8 1
                                    

Kabanata 21

'The kiss'

            Mas nanlaki ang mata ni Director at literal na nahulog ang panga niya sa narinig kay Kluney, hindi lang siya dahil ako rin ay nagulat rin sa ginawang pagsagot ni Kluney, bukod pala sa katangahan niya ay may katalinuhan rin siyang sinosolo.

            “What the? Good and impressive words Kluney and Anina! Wala pang shooting mayroon na agad kayong natututunan! ang galing niyo! may pinatutunayan na,” nagagalak na wika ni Director Sean.

            “So, ganito muna, magtatanggal at mag dadagdag tayo ng mga scenes like, mag-a-add tayo ng shirtless scene, sayang naman ang katawan ni Kluney kung walang gano’n.”

            “At, madami pang more challenging scenes ang idagdag that you never did in your whole industry life, so kailangan niyong maghanda, sa napakagandang words na sinabi niyo, ngayon na mismo tayo mag sho-shooting, pumunta kayo sa dressing room, aayusan na kayo.”

            Tumayo na kami ni Kluney mula sa pagkakaupo at pumunta na sa Dressing Room na sinasabi, and what the hell?! Magkapareho kami ng dressing room? walang privacy? baka manyakin ako ne’to.

            “Don’t worry, di kita mamanyakin, baka ikaw pa magganun,” sabi niya at tuuyan na ngang pumasok, mas naasar ako sa sinabi niya at sinundan siya sa loob, sasabnutan ko sana siya ng makita ko ang ganda ng dressing room.

            Ang daming iba’t-ibang kalse nang mga make-up na kailangan dito, ang dami ring mga make-up artist, babae sila lahat at mukhang mga profesionals na rin sila.

            “Miss Anina, do’n po kayo uupo para maayusan na kayo,” pagalalay sa kin nung isa sa mga staffs do’n, sumunod nalang ako at umupo na sa sinasabi niyang uupuan ko.

            Na-curious ako—ano kaya ang mangyayari sa itsura ko? ano kaya ang magiging itsura ng real to life Vanilla na kakabasa ko palang na sobra kong hinagaan kahit ganoon ang pag-uuagali niya?

            Nagsimula nang mag make up at mag ayos ng buhok ko ang mga staffs at make-up, hindi ko alam kung anongkalalabasan, ang alam ko nalang ngayon ay na-e-excite ako.

            At hindi rin naman ganoon katagal kahit sobrang tagal ay natapos na rin, pinikit ko muna ang mata ko para may ‘intense’ na kung tawagin pag iminulat ko ang ang aking mga mata.

            At natapos na an intense, dahil binuksan ko na ang aking mata, namangha ako sa nakita ko sa salamin at napatanong, ‘Ako ba ‘to?’ Ganito pala kaganada si Vanilla? Parang hindi naman sa book? o sadyang maganda lang silang lahat do’n.

            Tumayo na ako mula sa pakakaupo ko para tignan si Kluney, at parang sa’ken, namangha rin ako kahit halos walang pinagbago, gano’n pa rin ang buhok niya, laging nakataas.

            “Ganda mo Anina ah,” he complimented and winked, ang landi naman ne’to, ngayon palang kinikilig na ako, pa’no pa pag nag shooting kami? Nako, malandi nga naman pala si Vanilla.

            “Alam ko na ‘yan,” syempre, kailangan ko ng gayahain ang pag-uugali ni Vanilla, ngayon palang, si Kluney, mukhang kailangan alisin ang pagiging mayabang niya, hindi naman mayabang si Jay diba?

            “Tara na nga,baka kung ano pang kayabanagan ang masabi mo.”

            Tumayo na rin siya at sabay kaming lumabas ng dressing room, pupunta na kami sa shooting place… ata?

            “Sa’n tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya habang kami ay naglalakad papuntang van, napansin kong wala na rin si Director mula sa office na sobrang pina-intense kami kanina.

            “Sa shooting place—do’n muna tayo sa first office, mag ba-baliw introduction ka pa sa white background,” siguro ‘yong sinasabi niyang magpapakilala ay ‘yong first chapter? Talaga nga namang nakaka excite.

            “Ahh~ Okay,” sagot ko at mabilis na pumuntang van, excited na ako sa gagawing introduction, ang hirap i-dialogue no’n, ang hirap i-act, pa’no maging baliw?

            Nang nasa van na ako ay may kababalaghan na ginawa si Kluney—hinalikan niya ako sa gilid ng labi, Oh my gosh! mababaliw na talaga ako sa ginawa niya.

            “May sobrang lipstick sa gilid,” pinangunahan na niya ako—eh ba’t kailangan niyang halikan pa? Manyak!

            “Manyak ka! Manyak! walang hiya kang hinayupak ka,” akusa ko sa kanya at pinagpapalo siya sa braso.

            “Huh?Anong manyak do’n? eh wala namang sigurong kamanyakan kung ginusto mo naman diba? at ginusto mo ‘yon, so walang manyak,” walang hiya talaga ‘to, ang sarap patayin.

            “Hindi ko ‘yon gusto!” malakas na depensa ko at sinipa siya sa kung saan.

            “Oh? Sige, wag kang defensive baka makahalata.”

            Nakakainis talaga siya, ewan ko. baka magkapatid sila ni mommy? lagi nila ako binuburyot!  nakakainis na, ang sarap ng mamatay, mga buwisit sila.

            Pero ewan ko, ma-mi-miss ko talaga ‘yong pang-aasar niya sa’ken, ewan ko talaga, siguro.. kaibigan ko na talaga siya? ewan ko! ang gulo na talaga! hindi por que sinabi ko rati na ‘I like him’ mahal ko na? Utut.

            Hay, mas mabuti pang matulog na lang ako—pero wait, may scene sa Run Towards Love na kumanta si Jay diba? ibig sabihin kakanta rin si Kluney! marirnig ko uli ‘yong napakaganda niyang boses.

            “Ako na naman iniisip mo, mamaya mo na ako isipin, baka masyado kang kiligin,” dinala niya uli ang kahanginan niya rito sa van, sasampalin ko na ‘to.

            Pa’no ako makakatulog ne’to kung may kasama akong putak ng ptak at ang nakakainis pa—puro kayabangan ang pinuputak, kaya nakakainis eh, kung mga iba lang kaming kasama, baka mahiya ‘to. (kahit wala naman siyang hiya.)

            An kayan kalalabasan ng magiging shooting mamaya?

            “May sobrang lipstick sa gilid,”

            “May sobrang lipstick sa gilid,”

            “May sobrang lipstick sa gilid,”

            Ba’t paulit ulit na nag-fa-flash basck sa utak ko ‘yon?

            Kahit ‘yong ginawa niyang paghalik sa gilifd ng labi ko ay paulit ulit na nag fa-flash back. titigil rin ‘to. tiwala lang.

            Para akong timang ngayon na nakahawak sa gilid ng labi ko—sa exact part kung saan niya ako—alam niyo na.

            “Oh, naalala mo na naman ‘yon? gusto mong ulitin?”

            ANG YABANG! Gusto ko ‘yan isigaw pero baka mabunggo kami kasi magulat ang driver.

            Vanilla and Jay? Sobrang layo sa mga ugali namin, magkakapalit kami, si Jay hindi mayabang, si Kluney mayabang, ako hindi mayabang si Vanilla mayabang.

            What the hell is happenin’?

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon