KABANATA 41
Pagtapos ng lahat.
→▲☼▼←
KINUHA ko ang kutsilyong nakita ko at wala sa sariling itinapat ito sa aking leeg.
Naguguluhan na 'ko sa lahat, ayoko na, gusto kong matapos na ang lahat para matapos na rin ang sakit. Huling sakit na ito. . . huli na.
Itutuloy ko na sana ang paggawa ro'n ngunit nabitawan ko ito dahil sa gulat sa sumigaw mula roon sa labas at agad na tumakbo papuntang direksyon ko.
Hinawakan ni Kluney ang akig pulso sa paraan na marahan. "Ano bang ginagawa mo?!" sigaw niya. Bakas ang galit dito. Ngunit wala akong nararamdmaan. Nakatulala lamang ako.
Mas mabuti pang mamatay ako.
"A-Anina. . . kung may problema ka, h-huwag mo namang paabutin dito." humina ang boses niya at halatang naiiyak na siya. Haharapin ko na sana siya ngunit niyakap niya kaagad ako mula sa likod.
"Anina..." naramdaman ko ang pagkabasa ng aking balikat, dahil siguro sa kaniyang luha. Halos mabasag ang aking puso ng marinig ko ang kaniyang tinig.
"Mahal na mahal kita..." bulong niya sa 'kin. Kaya naman mas dumami ang luhang namuo sa aking mata. At doo'y naramdaman ko na rin ang pagkahina ng aking tuhod, at unti-unting nahulog sa kaniyang bisig.
Sana mamatay na lamang ako dahil sa susunod na aking sasabihin.
Pinilit kong tumayo kahit sobrang nanghihina na 'ko at tinignan siya ng masama. Pinilit kong maglagay ng galit sa aking mata.
"Tumigil ka na...ngayong nangyayari ang mga bagay na 'to, tsaka ko nalaman ang mga bagay, nalaman ko na...hindi kita mahal."
"Anina naman, huwag ngayon, tara na, dadalhin na kita sa bahay," pilit na masayang pagaaya niya sa 'kin at kinuha ang aking kamay ngunit marahan ko itong binawa at sinampal siya.
"Ayan. Sinampal na kita, natauhan ka na ba? Gumising ka na!" maidiin kong sigaw sa kaniya.
Ngunit nagulat ako nang makita kong lumuhod siya sa harapan ko ngayon at yumuko habang sabay-sabay na tumulo ang ang luha sa kaniya. Sobra siyang nagmamakaawa, sobra sobra na gusto ko nang mamatay.
"Nakakatawa ka," pagtawa ko. "Kahit kaila'y narinig mo ba sa 'kin na sinabi kong minahal kita? Hindi, diba? Kasi hindi kita mahal!"
Iyon ang huling salitang sinabi ko dahil sobra na siyang umiyak at paulit-ulit na binigkas ang aking pangalan, hirap na hirap na siya, sobrang hirap. Ramdam ko ang hirap niya.
Ayoko nang maramdaman ang hirap niya kaya agad na akong tumakbo palabas ng bahay, sa paglabas kong iyo'y tinalikuran ko na rin ang lahat.
Sana namatay na lamang ako.
→▲☼▼←
MULI akong nagising na nakahiga sa isang impyerno – ang ospital. Siguro'y nawalan na naman ako ng malay habang tumatakbo sa kawalan sa kanina.
Nahihirapan na 'ko. Gusto ko nang matapos 'to, pero sana'y walang magtatapos na buhay. Dahil sa wala ako sa sarili'y ngayon ko lamang napansin na nandito si Lina.
"Hoy! Umayos ka nga riyan! Huwag kang mag-inarte. Magiging ayos ang lahat. Matutunghayan natin ang milagro. Dadalhin kita sa isang lugar kung saan may taong makikinig sa iyo," pagaaya niya sa 'kin at hinila ako palabas.
Dinala niya 'ko sa mini-chapel dito sa ospital at pinaluhod sa luhuran ro'n, gumaan ng kaunti ang aking damdamin ko nang kami'y pumasok dito.
Ako'y nagsign of the cross at nagsimulang makipag-usap sa Panginoon.
Panginoon,
Sunod-sunod na ang problemang tinatamas ko sa mga araw na ito, pero ako'y nagtitiwala na hindi niyo ako papabayaan at ibibigay niyo sa 'kin kung ano ang nararapat,naniniwala akong papagaanin niyo ang aking loob, iyon ay dahil nagtitiwala ako sa inyo.
Gusto ko rin pong humingi ng tawad dahil ngayo'y naghihingi ako sa inyo ng kaunting lakas ngunit nakagawa ng kasalanan sa taong minahal ko, sinaktan ko po siya ng sobra, at sana po'y maging maayos na po kaagad ang kaniyang kalagayan, sana po'y mapanatag na po ang kaniyang loob. Alam ko pong hindi niyo ito basta-basta ginawa lamang kundi'y may mga aral na hindi pa lamang namin natutuklasan at ako'y naghahangad upang iyon ay madiskubre.
Bigyan niyo po ng sapat na lakas si nanay upang makita ko uli ang ngiti sa kaniyang labi, upang marinig ko uli ang pang-aasar niya sa 'kin at para muling ibulong sa 'kin na mahal niya ako. Sana'y matamas ko na po ang mga bagay na iyan. Simpleng tao lamang po ako ngunit ako po'y sumasandal na sa inyo.
Marami pong Salamat, Amen.
Nang idilat ko ang aking mata ay nakakita ako ng liwanag – liwanag ng pag-asa. At masaya ako rito, na kakaunting segundo pa lamang ngunit binigyan na niya kaagad ako ng sagot.
Tatanggapin ko ang kahit anong maging sagot, hindi ko man maing gusto ito sa una'y kapag nalaman ko ang rason kung bakit ito nangyari'y baka ako na mismo ang yumakap sa katotohanan na bumabalot sa akin ngayon.
Lumabas na kami at kami'y pumunta na sa kuwarto ni nanay.
Masakit, sobra. Pero kailangang tanggapin.
→▲☼▼←
BINABASA MO ANG
Love Team
Teen FictionSimpleng pamumuhay ang natamasa ni Anina, kuntento na siya kung ano ang mayro'n siya—kaligayahan, pagmamahal at kapayapaan. Nag-ta-trabaho siya bilang isang artista, pero hindi 'yong mga artista na bu-mi-bida sa mga palabas, pero nag-bago ang lahat...