Prologue

19 2 0
                                    

Prologue

Pinaglalaruan ko ang kutsilyo na hawak ko habang pinapaikot ito sa aking daliri.

"Black, you should be more careful next time. Muntik ka nang mahati sa dalawa ang katawan mo kung hindi ka lang nahila agad ni Dark." Sermon ni X kaya napanguso ako.

"It's not my fault." Laban ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Then who? Our enemy?" Sarkastikong tanong niya kaya tumango agad ako.

"Sino pa ba? Hindi naman ako mapupunta roon kung hindi lang nahila ang buhok ko."

Napabuntong-hininga na lang si X kaya nag-peace sign ako dahil alam ko naman na kaunti na lang ay matatamaan na ako sa kaniya.

Matured na talaga 'tong kaibigan ko.

"Hey, Black. Major wants to meet you." Bungad ni Gunner nang makapasok sa combat training hall.

"Bakit daw?" Napahinto ako sa'king paglalaro at ibinaon ang kutsilyo sa kahoy na lamesa.

Napakibit-balikat siya. "I don't know. Pinatawag din sina Trigger at Viper, eh."

Tumayo ako at inayos ang suot kong leather jacket sabay tingin kay X na abala sa paglilinis ng favorite toy niya.

"I have to go, X. See you again if I'm still alive." Biro ko kaya hindi na ako nagulat nang batuhin niya ako ng bala.

Mabuti na lang ay mabilis akong kumilos kaya nakaiwas agad ako.

"Bumalik ka ng buhay." Sabi niya kaya napangiti ako.

Naglakad na ako palabas para pumunta sa top floor since naroon naka-locate ang aming headquarter and office ni Major.

"Pinatawag niyo raw po ako, Major."

Naabutan kong nakaupo sina Trigger at Viper sa couch kaya sumiksik ako sa gitna nila na ikinareklamo ni Viper.

"Seriously? Wala ka bang mata, Black." Inirapan niya ako kaya natawa ako.

"Sorry, hindi kasi kita napansin. At saka mahirap na at baka matuklaw mo pa 'tong si Trigger." Kinindatan ko pa katabi kong lalaki at nagpipigil pa ng tawa.

"That's my code name, for pete's sake!"

"That's my code name, for viper's sake." Panggagaya ko kaya mas lalong nainis ito.

"Itigil niyo na nga 'yan. Para kayong mga bata kung mag-away." Suway ni Major sa'min kaya napatikom ako ng bibig.

Naramdaman ko na lang ang nalilisik na tingin ni Viper pero hindi ko na lang pinansin at baka lumaki pa lalo ang pagkairita niya sa'kin.

"Why did you want to meet us? What's the agenda?" Trigger asked.

May edad na si Major pero hindi naman maipagkakaila na nananatili pa rin ang kagwapuhan niya. Kaso nga lang, wala na siyang asawa't anak.

May kinuha siya sa drawer sabay lapag sa lamesa.

Viper took the folders and gave it to us. Binuksan ko 'yon at nakita ang bagong mission namin.

Woman trafficking?

Pagkatapos sa bata, ngayon naman ay sa kababaihan? Really? Anong trip nila sa buhay at bakit kailangan may madamay na inosente.

"It was an auction where in they sold the abducted women. Kadalasan ng mga naroon ay puro bigatin at may mga ginagawa rin na labag sa batas. But for now, your mission is to save all the women. When I say all, it means lahat." Maawtoridad niyang sabi sabay tayo at tumalikod para panoorin ang city lights dahil gabi na rin.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon