Chapter 19

25 2 0
                                        

Chapter 19

"Black, do you hear me?" Tanong ni Trigger kaya napairap ako.

"Gago! Naririnig kita. Tanungin mo kung malinaw ba o hindi." Singhal ko kaya natawa ito.

"Init kaya rito. Kung ikaw sana pumasok sa lintik na air ventilator na 'to."

"Relax. Highblood ka na naman sa'kin, eh." Pang-aasar niya kaya inis kong ibinaba ang tawag.

Pinilit kong gumapang kahit init na init na ako rito. Hinanap ko ang daan palabas sa building na 'to matapos makuha ang kailangan ko.

Mabuti na lang ay matalas ang memorya ko kaya madali lang sa'kin ang umalis dito since kabisado ko ang daan.

Ang mahirap lang ay ang tagaktak na pawis dahil sa sikip at halos wala ng hangin na pumapasok.

"She's almost there." Rinig kong sabi ni Viper.

Binilisan ko ang paggapang ko nang biglang nag-ingay kaya ipinagpatuloy ko lang.

"They noticed us! Red alert!" Trigger said.

"Kaunti na lang." Mahinang sabi ko.

Nang makita ang lagusan ay kaagad kong sinipa ang lock no'n hanggang sa bumukas at nagmamadaling lumabas. Bumungad sa'kin ang exit kung saan may tatlong lalaki na nakatayo at nakabantay doon.

Nang mapansin ako ng isa ay kaagad niya akong sinugod. Umilag ako at sinalubong ng kamao ang isa niyang masama sabay sipa sa unang sumugod sa'kin.

Hinila ko ang nahihilong lalaki para ihagis sa natitira pang isa. Parehas silang bumagsak kaya hindi na ako nagtagal doon at lumabas na.

Habang naglalakad ay hinuhubad ko ang suot kong black suit at itinali ang buhok. Nang makalapit sa basurahan ay may kinuha akong bag roon at isinabit ko sa'king balikat.

"Tangina." Mura ko nang mapansing dumarami ang tauhan nila sa baba.

Nang matapos hubarin ay itinapon ko ito sa kasunod na basurahan at inilagay ko sa nabubulok. Kinuha ko ang salamin mula sa bag sabay suot no'n.

Doble ang suot ko at isang fitted dress 'yon na talagang lumabas ang korte ng aking katawan. Taas-noo akong naglakad at tinanggal ang aking wig sabay tago no'n sa dala kong bag.

Medyo itinaas ko ang suot kong boots hanggang sa lumitaw ang takong no'n. Ganoon din ang ginawa ko sa kabila at ibang-iba na ang itsura ko nang pasukin ang establishment na ito kanina.

Nang malapit na ako makalabas ay bigla namang may huminto sa'king harapan.

"Excuse me, Miss. Did you saw a suspicious man?" He asked.

Kunwaring napaisip ako. "Hindi pa naman. Pero may nakasalubong ako banda roon sa itaas. Pumasok sa isang room and he looked suspicious to me."

Kaagad nitong inilabas ang walkie talkie niya. "Nasa itaas daw. Move faster!"

Nagpasalamat siya kaya yumuko ako nang bahagya at nginitian ito. Sa wakas ay nakalabas na rin ako at tinungo nang matiwasay ang kotse na dinala ni Dark.

Nang makapasok ay kaagad kong pinaandar 'yon.

"Mission succesful." Sabi ko habang may ngiting tagumpay sa'king labi.

"Nice one, Black." Puri ni Trigger kaya napairap ako kahit hindi niya 'yon nakikita.

Tinungo ko ang daan papuntang headquarters since nasa loob ito ng subdivision. Kaagad akong pinapasok ng guard nang makita niya ang aking mukha.

Mabilis kong pinaandar 'yon papunta sa pinakadulo hanggang sa may madadaanan na tunnel at bubungad sa'kin ang dead end na road.

Tumapat ako sa hidden scanner at nagsalita. "Black."

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon