Chapter 13
"Where's she?" Bungad ko kay Major.
"Be calm, Black. Alam ko ang balak mong gawin kaya huwag ka masyadong magpadalos-dalos." Maawtoridad na sabi nito.
Nagtagis ang aking bagang dahil sa narinig at taas-noo siyang hinarap.
"How!? Paano ako kakalma kung ibinalita ninyong patay na si Mitchel!"
"Zyreena!" Suway sa'kin ni Atlas.
"Code name only, Trigger." Paalala ni Major kaya bumuntong-hininga ito.
"Where is she?" Seryosong tanong ko.
"Second floor."
Hindi na ako nagtagal doon at kaagad pinuntahan ang bangkay ni Mitchel. Matagal na no'ng huli kong punta rito after ng mission ko.
Nakasunod sa'kin si Atlas habang naglalakad papunta roon. Naabutan ko pa ang nagbabantay doon at hindi niya ako pinigilan dahil alam niyang kami ang kasama ni Mitchel sa grupo.
Napahinto ako pagkapasok ko at nakita ang bangkay niya habang may nakatakip na puting tela. Napalunok ako at pinigilang umiyak dahil hindi gusto ni Mitchel na umiiyak kami.
Nilapitan ko 'yon sabay tanggal ng takip at bumungad sa'kin ang walang buhay na katawan ng kasamahan ko. Napatakip ako ng bibig at pinigilan ang paghagulgol nang makita ko ang maputla niyang itsura.
May tama ng bala ito sa balikat niya at suot niya ang kwintas na iniregalo sa kaniya ni Zelenia.
"Mitch," Mahinang sambit ko at kaagad siyang niyakap.
Tahimik akong humagulgol dahil ayaw kong pumasok si Atlas dito at pigilan ako. Nilingon ko muli siya sabay haplos sa kaniyang buhok.
"You're still beautiful even though you're dead." Sabi ko.
Sleep tight, Mitch. Ibibigay namin ang hustisya na para sa'yo.
Nagtagal ako roon bago pumunta muli kay Major. Naabutan ko siyang nakaupo sa swivel chair niya habang nakatalikod at nakatingin sa langit mula sa glass wall.
"What was her last mission?" Seryosong tanong ko.
"I know that you'll ask me. But sad to say, this is not the right time, Black. Alam ko na gagawa ka ng mga bagay na ikakapahamak mo."
"Why!? This is about Mitch! Hindi ako tulad ni Zelenia na iiyak lang at magkukulong sa silid niya." Iritadong sabi ko.
"Rules, Black. Rules."
Napabuntong-hininga ako. "Kailan ko malalaman ang about sa mission?"
Hindi niya ako sinagot kaya galit akong naglakad palabas ng office niya.
Naiintindihan ko naman na kapakanan lang namin ang iniisip niya, pero naisip niya ba si Mitch? Of course not.
Kaagad napatayo si Atlas nang makita niya ako. "Ang tagal mo roon."
Inirapan ko siya. "Anong oras na?"
Napatingin siya sa kaniyang relo bago ako sagutin. "Almost twelve am."
Napahinto ako at nanlaki ang aking mga mata. "Ano?! Ganoon ako katagal nawala?"
"Black, hindi sasakit ang likod ko kung saglit ka lang dito." Sarkastikong sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Let's go. Ihatid mo ako sa sasabihin kong address sa'yo."
Sumunod siya sa'kin hanggang sa makasakay kami. Pinaandar niya 'yon at tahimik lang ako buong biyahe habang pinapanood ang nasa labas.
