Chapter 23
"Nababaliw ka na ba? Akala ko ba ayaw mo ng ma-involve sa pamilya niya?" Tanong ni X habang nasa combat training hall kami.
Mabuti na lang ay nakalabas na ako ng hospital at pinayagan na ni Rhett na ma-discharged.
"Iyon nga rin ang akala ko, eh. Kahit anong gawin ko ay involve pa rin ako. Sina Atlas at Tristan palang, they're his cousins." Sagot ko.
Napahiga si X sa sahig bago ako kausapin muli.
"Malaki ang possibility na mapahamak siya dahil sa trabaho na mayroon tayo."
Napabuntong-hininga ako. "Alam ko. Parang nagdadalawang-isip na nga ako, eh."
Napaismid si X sa sinabi ko. "Panindigan mo ang sinabi mo, Black. Mahal mo pa rin ba?" Usisa niya.
Hindi ako nakasagot kaya napa-tsked siya. "No need to ask you. Mukha mo palang ay ebidensya na."
Napasimangot ako kaya natawa siya hanggang sa tawagin kami muli ni Major.
"Magkasama muli tayo sa mission?" Kuryosong tanong ni X habang naglalakad kami papunta sa room ni Major.
"I don't know."
Nang makapasok ay bumungad sa'min si Major na halatang namomoblema.
"Major?" Tawag ko.
Humarap siya. "Where are the others? This is an emergency!" Sigaw niya na nagpagulat sa'min ni X.
Ngayon lang muli itong sumigaw nang gano'n at sa pagkakaalala ko ay huli niyang ginawa 'yon ay muntikan nang mamatay ang grupo nina Dark.
Narinig namin ang ilang ingay na tila ba'y nagmamadali hanggang sa bumukas ang pinto ang iniluwa no'n ang mga kagrupo namin.
"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Dark.
"Where's Viper?" Tanong ni Major at nilingon niya ako.
"She's at home."
Napahilamos ito sa'king sinabi. "Nandito kayo pero hindi niyo inalam o minanmanan 'yong kagrupo ninyo!"
Napalunok ako dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Why? What she did this time?" Seryosong tanong ni Trigger.
"She found them but she failed! Hawak siya ngayon ng grupo na pumatay kay Mitchel." Nanggigil na sabi niya.
"What!?" Sabi ni Gunner.
"Save her! As soon as possible before something might happen to her."
Ngunit bago pa man kami kumilos ay biglang bumukas ang pinto. Lahat kami ay napalingon sa may pasimuno no'n.
Bumungad sa'min ang isang matangkad at makisig na lalaki. Itsura palang nito ay pang-bad boy ang datingan.
"I want to help. I know where she is right now." Malalim 'yon kaya kuryosong pinagmasdan ko siya magmula ulo hanggang paa.
"At sino ka naman? Paano ka nakapasok dito?" Taas-noong tanong ni Trigger.
Tinitigan siya no'ng lalaki bago sagutin 'yon. "So, you're that man?" Walang emosyong tanong niya.
Kumunot ang noo namin sa sinabi niya. "What do you mean?"
Sa halip na sagutin ay binalingan niya si Major. "I'm Devious Brylle Belmonte, an ex-navy seal."
Umawang ang aking labi nang marinig 'yon.
Anong ginagawa niya rito?
"I know you. Why are you here?" Usisa ni Major.
![](https://img.wattpad.com/cover/319125833-288-k276110.jpg)