Chapter 21

12 2 0
                                    

Chapter 21

"So, anong punto ng dinner na 'to? Panonoorin namin kayong maglampungan hanggang sa maghubaran?" Prankang tanong ni Veena.

Matalim ko siyang tiningnan pero hindi natinag ito at sa halip ay humalukipkip pa siya sabay sandal sa upuan.

"Just don't mind him. Masisira lang ang gabi mo." Sabi ko kay Veena at nahuli ko pang nilingon niya si Gunner.

Abala naman ang katabi ko na pasimpleng nag-oobserba sa paligid.

"Order na kayo at ako na ang bahala." Nakangiting sabi ko.

Biglang nagliwanag ang mukha ng tatlo at dali-daling tinawag ang waiter para tingnan ang menu.

"Akala ko si Major bahala sa reservation mo?" Usisa ng kasama ko kaya itinapat ko ang aking daliri sa labi para sabihing manahimik na lang siya.

"Ito ang reservation ko. May extra lang kaya mapapasabak si Major." Napangisi ako kaya napangiwi si Gunner.

"Lagot ka na naman kay Major." Naiiling niyang sabi.

Hinayaan ko na lang ito at umorder na rin. Hindi rin naman nagtagal ay gumaya rin si Gunner kaya may maidadahilan ako kay Major.

"Kumusta ka na? Bakit mo kami nilayasan ng limang taon?" Tanong ni Daniel habang naghihiwa ng karne.

Napabuntong-hininga na lang ako. "May nag-offer kay Nanay ng magandang lupa, eh." Pag-uumpisa ko.

Kumunot ang noo ni Jan Loyd. "Wala bang magandang lupa sa lugar natin?"

"Bakit? Libre ba?"

Natigilan ito kaya nanlaki ang kaniyang mga mata habang tinititigan ako. "Seryoso ba? Ampucha, benta natin! Mahal na lupa ngayon."

"Gago ba you? May bahay na nakatayo. Send ko na lang address tapos bisitahin niyo na rin si Nanay. Sure akong miss na miss na kayo no'n."

"Kung miss pala, bakit pa kasi umalis? Hindi ka naman gano'n kaganda para habulin... Ay! mali pala." Makahulugang sabi ni Veena kaya nagtaka ako.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko.

Nakita ko pang siniko siya ng katabi niyang si Daniel kaya napaayos ito ng upo. "Charot lang. Feeling maganda, pero maganda ka naman talaga. Bakit ka nga pala nagpakulay n'yan? Balak mo bang palitan si Chucky para sa new movie niya?"

Narinig ko ang tawa ni Gunner kaya mariin kong inapakan ang paa niya sa ilalim ng mesa at napaawang ang bibig niya habang nakatingin sa'kin.

"Bakit? Papayag ka ba na maging si Annabelle?" Tanong ko.

"Tangina ba you? Baka may connect 'yon." Sarkastikong sabi niya.

"Syempre, collab tayo. Bobo ba you?" Laban ko kaya napa-tsked na lang ito.

Kumain na lang kami habang nagkukwentuhan din sina Daniel at Jan Loyd about sa schedule nila bukas. Minsan ay nakikisali rin si Gunner pero binabara agad siya ni Veena.

"Where's Zack?" I asked Veena.

Ang tatlong kaibigan ko ay napahinto at napipe na yata dahil walang nagsalita sa kanila.

"Hello? Are you with me?"

Napatikhim si Daniel. "Huwag na 'yon. Umalis din 'yon nang walang paalam, eh. Idol ka siguro." Pekeng tawa niya kaya inirapan ko siya.

"Ano nga ang nangyari?" Pagpupumilit ko hanggang si Jan Loyd na mismo ang sumagot.

"He left without informing Veena."

Natahimik ako sa sinabi niya at napatayo naman si Veena.

"Comfort room lang muna ako." Paalam niya kaya wala sa sariling napatango ako.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon