Chapter 3

15 2 0
                                    

Chapter 3

Maginhawa ngunit sa kaloob-looban ko ay nagtatampo ako sa kaniya. Hindi na kasi nagpakita pa sa'kin si Rhett at lumipat na ata ng ibang department kaya wala akong ka-date.

Mabuti na lang ay nagkayayaan kaming magtotropa at isinama ko na rin si Savannah since friends na kami pati sa facebook.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Savannah.

"Maliligo tayo sa falls!" Excited na sabi ni Veena kaya napangiti ang kasama namin pero nagbago rin kaagad.

"Bakit?" Tanong ni Jan Loyd.

"Wala akong dalang extra na damit."

"Sus, 'yon lang ba? Marami akong dala!" Maganang sabi ni Veena kaya hindi na kami nag-aksaya ng oras at pinuntahan ang falls para maligo.

"Bakit ang sad mo?" Pansin ni Daniel habang nauunang naglalakad ang tatlo.

"Tsk, hindi ako sinipot no'ng ka-date ko." Reklamo ko kaya natawa siya.

"Bakit? Crush mo?" Usisa niya.

"Ano siya, Gold? Kapal naman ng face niya tapos sinayang niya lang ako." Singhal ko kaya inakbayan ako ni Daniel.

"Lalaki lang ba? Ilalakad kita sa kakilala ko. Mabait 'yon at saka med student din." Nginisihan niya ako kaya siniko ko siya.

"Bakit puro med? Wala na bang ibang choices?"

"Gaga, dapat nga may kakilala kang taga BA, eh."

Napaungol na lang ako sa inis at kinalimutan ang walang hiyang Rhett na 'yon.

"Come to me, baby!" Hiyaw ko sabay hubad ng damit at naiwan ang aking bikini.

Tumalon ako at sumalubong sa'kin ang malamig na tubig.

"Potek, ang lamig naman ng tubig." Nanginginig na sabi ni Savannah kaya natawa ako.

"Mamaya iinit 'yan." Makahulugang sabi ko.

Halos masuka tuloy si Savannah. "Hoy! Walang iihi, ha!" Banta niya sa'min kaya tuwang-tuwa ako habang inaasar siya.

"Pagbigyan niyo na 'yan. Hindi kasi sinipot no'ng date niya." Ako tuloy ang pinagkaisahan.

Nakabusangot ako hanggang sa pag-uwi at naabutan ko si Nanay na abala sa pagkukwenta ng gastusin sa bahay.

"Anak, bili mo nga ako gamot sa tiyan. Humihilab kasi, eh." Sabay haplos pa roon kaya tinanguan ko siya.

"Kung anu-ano na naman kasi ang kinakain mo, eh."

Inabutan niya ako ng pera at nagpalit muna ng damit bago pumunta sa malapit na botika. Pagkarating ko ay sarado sila kaya no choice ako at pumunta sa kilalang drug store rito sa'min.

Mahal kasi mga gamot nila kaya hindi ako bumibili sa kanila.

"Pabili! Pabili! Pabili nga kasi!" Sunod-sunod kong sigaw kaya nang lumitaw ang magbebenta sa'kin ay halos umawang ang aking labi.

"Gago! Anong ginagawa mo r'yan?" Tanong ko.

"Pagbebentahan ka?" Sarkastikong sabi niya kaya napalitan ng inis at galit ang nararamdaman ko sa kaniya.

Hindi mo ako sinipot, ha.

"Ang kapal ng face mo para magpakita pa sa'kin! Hindi mo ako sinipot sa date natin, ha." Dinuro ko siya kaya natatarantang pinapatigil niya ako.

"Can you please stop and lower your voice!?" Halos pabulong na 'yon pero napailing ako.

"Heh! Ayaw ko nga. Scammer ka. Matapos pumayag, hindi naman sumipot."

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon