Chapter 7
Inaantok akong bumaba ng hagdan at nag-unat pa hanggang sa makita ko si Nanay na abala sa paghahanda ng umagahan.
"Hello, Nanay." Bati ko.
Hindi niya ako nilingon pero alam kong narinig niya 'yon.
"Bakit hindi ka pa gumagayak? Balita ko ay magkakaroon kayo ng foundation day."
Naupo ako at inabutan si Nanay ng plato para sabay kaming kumain.
"Wala pa naman pong announcement."
Tahimik kaming kumain ni Nanay kaya nang matapos ay pinagayak na niya ako. Napansin kong nasa labahan ang aking mga pants kaya wala akong choice kundi mag-skirt muna.
Bigla ko tuloy naalala 'yong nangyari nakaraan. Halos hindi ako kausapin ni Rhett hanggang sa umalis ako sa condo niya.
Naabutan pa nga kami ni Kennedy at nagtataka siya kung bakit daw 'di ako pinapansin ng pesteng kuya niya.
"Baka raw magkakuliti siya."
Kumunot ang noo ni Kennedy. "What's kuliti? Is it stye?"
"Kennedy, don't talk to me." Seryosong sabi ko para makaiwas.
Hindi ko kasi alam kung ano 'yong sinasabi niya.
Nakakahiya naman kung sasagutin ko tapos mali, 'di ba? Minus points 'yon.
"Tangina talaga, oh. Late ka na naman, Syreena." Nanggigigil na sabi ni Veena kaya inirapan ko siya.
"Sorry ka, hindi ako si Syreena." Pang-aasar ko kaya hindi tuloy maipinta ang mukha niya.
"Ikakaladkad talaga kita sa hallway. Nakakainis ka naman kasi, eh!"
Inakbayan ko siya. "Sorry na. Nasaan na 'yong dalawa na artistahin?" Tanong ko.
"Ewan ko ba sa mga 'yon. Alam mo bang may seminar mamaya?"
Nilingon ko siya. "Oh? Hindi, eh. About saan daw ba?"
"Cigarette. Pesteng buhay 'yan, nakaalis ka na lahat-lahat sa highschool, hindi pa rin nakakamove-on sa sigarilyo na 'yan." Inis na sabi ni Veena kaya tinawanan ko siya.
"Aba teh, parang hindi ka med student, ha? Sino ba magco-conduct ng seminar na 'yan?" Usisa ko at napaisip siya.
"Higher level daw, eh."
Maya-maya ay umalis na rin ito dahil pupunta na raw siya sa room niya.
Habang naglalakad, hindi ko mapigilang lingunin ang clinic para sulyapan si Rhett.
Mula sa'king kinatatayuan ay nakita ko agad siya since glass wall ang clinic ng department namin. Balak ko sanang lapitan pero napansin kong may katabi pala siya.
May binabasa si Rhett mula sa papel na hawak niya at nakitingin din doon ang katabi niya. Nagtama pa ang kanilang mga mata sabay ngiti sa isa't-isa.
Parang may kumurot sa'king puso at mukhang inaasar silang dalawa ng kanilang mga kasama. Napabuga ako sa hangin at napaiwas na lang ng tingin.
Gaga! Kapag kalokohan, ang lakas ng loob ko. Pero kapag seryosong bagay, natatameme ako.
"Uy, kanina ka pa tahimik." Mukhang napansin din ni Savannah 'yon habang bumababa kami papunta sa auditorium para sa seminar.
"Wala lang ako sa mood."
Kinapa niya ang aking noo. "Wala ka namang lagnat. Ang panget mong tabihan, Zyreena. Para kang mangangain."
Inirapan ko siya. "Excuse me, choosy ako 'no."
Natawa siya. "Wow, so sino lang ba? Mala-Rhett ba ang standard? High quality ganoon?"
