Chapter 24
Inabot kami ng umaga bago matapos ang mission namin.
Ang walang hiyang Devious na 'yon ay itinakas si Viper kaya galit na galit si Major.
But it's good to be back because we know that Viper was out of danger.
She got minor injuries but it can heal any time if she will treat it immediately.
Nag-unat muna ako dahil sobrang sakit ng katawan ko matapos tumakbo nang tumakbo at nakipagsuntukan pa.
Kaso ang iniisip ko ngayon ay ang kapalpakan na ginawa ko.
What if Rhett finds out the real who I am? It's going to be a huge problem.
Mukhang mali ata na nagpakarupok ako. I should have considered my field of work before involving myself with him again.
"Black, tawag ka ni Major." Sabi ni Trigger.
Napabuntong-hinga ako bago tumayo. "Bakit daw?"
Napakibit-balikat ito. "Hindi ko alam, eh. May usapan ba kayo ni Major?" Usisa niya at doon pumasok sa utak ko ang napag-usapan namin.
Sa halip na sagutin ay nilagpasan ko na lang siya at narinig ko pa ang huling sinabi niya.
"Meet me later at the parking lot. We're going to see Rhett."
Pinaalala niya pa sa'kin kaya pakiramdam ko'y mas lalo lang nadagdagan ang aking problema.
Pagkapasok ko sa office ni Major ay may inilapag ito na folder na lamesa.
Kumunot ang aking noo roon. "Ano po 'yan?"
"Your team will be going to get the next gem. It's sapphire so your team should be ready once I wave my go signal."
Nakatalikod ito ngayon sa'kin habang nakahalukipkip at pinagmamasdan ang view mula sa labas.
"Pero katatapos lang po n—"
"That's my order, Black. You didn't do your job perfectly. You have to finish it while the others do it as well on the other gems." Maawtoridad niyang sabi.
Na-guilty naman ako kasi tama naman talaga si Major. Masyado akong naging abala para pagtuunan ng pansin si Viper.
"May I ask you, Major?" Usisa ko kaya nagtataka niya akong nilingon.
"What is it?" Seryosong sabi niya.
Matagal ko na itong naiisip kasi sobra ang pag-aalala niya every time Viper was involved.
Ayaw ko mag-assume pero 'yon talaga ang kinahahantungan ng mga napapansin ko.
"What's your agenda with Viper? Bakit gano'n ka na lang po ka-strict kapag siya na ang pinag-uusapan?"
Kitang-kita ko kung paano ito matigilan at lumambot ang paraan ng pagtingin niya sa'kin bago ako talikuran.
"I have to do my job too." Iyon lang ang sinabi niya pero mukhang may mas malalim pa na dahilan doon.
Natagpuan ko si Trigger na hinihintay ako habang may kausap sa phone at kung ngumiti ay parang wala nang bukas.
"Is that Viper's sister?" Bungad ko kaya napaigtad ito sa gulat.
"Goodness, Black! Huwag ka ngang manggulat nang gano'n!" Reklamo niya kaya mahina akong natawa.
"What's more pa kung malaman ni Viper ang tungkol d'yan?" Nakangising sabi ko.
Napalunok siya kaya tinapik ko ang kaniyang balikat.
"Nakakainis ka naman, Black."
Inirapan ko siya bago sumakay sa kotse niya. Habang nasa gitna ng biyahe ay kinausap ko siya.