Chapter 2

14 2 0
                                    

Chapter 2

Tamad akong nakaupo ngayon sa clinic habang hinihintay na dumating ang maggagamot sa'kin.

Balak pa sana akong ipadala sa guidance office nang ipagtanggol ako no'ng babaeng niligtas ko.

Nanliit tuloy ang mata no'ng lalaki sa'kin at parang ayaw pa maniwala kaya sumang-ayon kaagad ako.

Mabuti na lang ay first warning lang ang natanggap ko kaya hindi ako makakatanggap ng punishment.

"Hello, what's your name?" Tanong sa'kin ng kakapasok lang na nurse.

"Zyreena po." Sabi ko.

"Hmm, ako pala si Nurse Lucky." Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya.

"May salamin po kayo sa mukha?"

Nagtaka siya pero nang makita ang mukha ko ay kaagad siyang tumayo at kinuha ang salamin niya.

Pagkaabot niya ay agad kong tinignan ang aking sarili at halos mamutla ako dahil sa'king nakikita. "Pakshet! Lagot ako kay Nanay nito."

"Nagkaroon ka ng black eye since nasapak ka pala ng isa sa kanila. May mga kalmot ka rin na natamo at kaunting gasgas. So far, wala ka namang naging problema at minor injury lang. Pasain ka ba?" Tanong niya kaya tumango ako.

"May ganoon po ba talaga?" Usisa ko.

"Yes, minor lang naman ang nakuha mo kaya it will heal in a few days. Don't worry."

Para akong maiiyak kada dampi ng bulak na may kasamang alcohol dahil sa hapdi no'n. Napapapikit na lang ako at hinigpitan ang hawak sa kama para tiisin ang sakit no'n.

"Ang lakas makipag-away, duwag naman kapag gamot na ang kalaban."

Hinanap ko kaagad kung sino 'yon at sinamaan siya ng tingin.

"Palunukin kita ng iba't-ibang gamot, tignan natin kung 'di ka mamatay. Matapang 'yarn." Pang-aasar ko kaya napasimangot siya.

Huwag kasi ako ang kinakalaban mo.

"I almost forgot to tell you that Dean needs you at his office, Nuse Lucky." He said.

Nakasandal ito sa pintuan at nakahalukipkip kaya kitang-kita ko ang biceps niya.

Yummy na sana kaso panget ugali, hmp.

"Then, please continue what I'm doing here. Treat her, okay." Sabi ni Nurse Lucky kaya napatayo rin ako at balak sumunod sa kaniya nang humarang 'yong epal na lalaki sa harapan ko.

"Sino ka ba?" Inis kong tanong.

Kunwari naiinis ako pero gusto ko lang din malaman ang name niya hihi. Ganoon ang galawan ko.

"Rhett Bryce Celeste, your temporary nurse." Sabay ngisi kaya kinabahan tuloy ako.

Padabog akong naupo sa kama at sumunod siya sa'kin. Alam ko naman na wala akong magagawa kung subukan ko pang tumakas.

Duh, ang laking tao niya kaya.

"Sit properly para magamot ko rin nang maayos." Maawtoridad niyang sabi kaya napanguso akong sinunod siya.

"Betadine lang, sapat na." Mahinang sabi ko at nagbabakasakaling marinig niya.

Napansin kong umangat ang gilid ng kaniyang labi at napailing habang ginagamot ang aking gasgas at kalmot.

Halos limang minuto kaming ganoon nang magulat ako sa sinabi niya.

"Take off your uniform." Utos niya.

Napayakap kaagad ako sa katawan ko kaya napasapo siya sa kaniyang noo.

"I said, take off your uniform. I saw earlier that you have scratches. Hindi naman kita pagsasamantalahan, hindi pasok sa standard ko." Dahilan niya at nilait pa ako pero wala rin naman akong nagawa kung hindi sundin ang utos niya.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon