Chapter 30

10 1 0
                                    

Chapter 30

"Gising na anak ko, maraming naghihintay sa'yo."

Iyon ang huli kong narinig bago ko maimulat ang aking mga mata. Natulala ako dahil alam kong si Tatay 'yon.

Ilang minuto akong ganoon nang igala ko ang paningin sa buong silid. Natigilan ako nang makita kong halos lahat sila ay narito at mga tulog.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sobrang swerte ko at mayroon ako katulad nila sa buhay ko.

Sinubukan kong tumayo at medyo kinaya naman kaya tahimik akong naglakad dala-dala ang stand na may IV bag.

Balak kong hanapin si Rhett dahil hindi ko siya makita sa loob. Huling alaala ko pa naman sa kaniya ay nadali ang kaniyang kamay. Nag-aalala ako na baka hindi na niya 'yon magamit.

Tahimik ang buong hallway kaya naghanap ako ng wall clock at hindi naman ako nabigo nang makakita ako.

It's almost 3 AM.

Kaya pala ganito katahimik at mga tulog pa sila. Wala akong phone kaya hindi ko matatawagan si Rhett.

I tried to search for him in his office pero nakasarado. Babalik na sana ako nang magkasalubong kami ni Tita Felicia.

Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa'kin kaya mas lalo akong nagulat nang marahan niya akong yakapin.

"Thank you! Thank you for coming back, Zyreena. Thank you very much." Pagpapasalamat niya kaya napangiti ako.

"I think I know who did my operation." Hinuha ko kaya natatawa siyang humiwalay sa'kin.

Kaso nagtaka ako nang makita kong umiiyak ito.

"Hala po, bakit ka po umiiyak?"

Napailing siya. "Tears of joy. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya. At siguro kukuhanin ko na rin 'tong oras na 'to para humingi ng tawad sa lahat."

"T-Tita..."

Hinawakan niya ang isa kong kamay. "I'm really sorry for everything, Zyreena. Ina lang din ako na ang nais ay magkaroon ng magandang buhay ang anak ko. Pasensya na kung may nasabi man ako o nagawa na ikinasakit mo. Huli ko na na-realized ang lahat nang makita ko kung paano masira ang buhay ng anak ko dahil sa ginawa ko. Kaya simula no'n, pinagsisihan ko lahat. Sana mapatawad mo pa ako."

Hindi ko alam kung anong ir-react ko dahil hindi ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon.

"T-Tita, naiintindihan naman po kita. Mas nanaig lang ang pagmamahal mo kay Rhett kaya hindi mo na po naisip 'yong mga bagay na ikakasakit niya. But at least, you still do your best in the end. And I already forgave you, Tita. Even before pa."

Napangiti siya. "At last, tama ako ng napili para sa anak ko. When I saw him smiling like an idiot, I knew that time that he's in love. Hindi ko aakalain na darating sa punto na dahil sa pag-ibig mo sa kaniya at pag-ibig niya sa'yo, magiging mature siya sa lahat nh bagay. That's why I'm forever grateful that he met you. It might be a wrong time before, but this time I promise that I won't meddle anymore. This time, it's your time to have the best happy ending. Make my son happiest in his lifetime."

"Kahit hindi niyo po sabihin, gagawin ko pa rin po Tita. Anyway, where's Rhett po ba?" Tanong ko.

"Samahan na kita sa kaniya."

Inalalayan ako ni Tita pababa papunta sa garden dahil sabi niya ay ilang beses nang pumupunta roon si Rhett.

"Ilang linggo na po ba akong tulog?" Tanong ko na ikinahinto niya.

"It's not week, Zyreena. It's been a month since you had your operation." Sabi niya na ikinagulat ko.

"Really? Oh god, malamang ay isang drum na ang iniluha ni Rhett." Biro ko pero masyadong seryoso si Tita.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon