Chapter 27
Lumipas ang ilang buwan na wala kaming communication ni Rhett kaya paunti-unti nang pumapasok sa utak ko na wala ng pag-asa sa'ming dalawa.
Sinabihan naman ako nila Atlas na subukan ko pero natatakot ako sa pupwede kong madatnan.
I'm afraid to see him with another girl that might be his soulmate. I'm not afraid when it comes on my missions, but to him takot na takot ako.
"Congratulations, everyone! Alam kong marami akong pagkukulang bilang Major ninyo but you know the reason why I had to do those things." Sabay tingin sa'kin kaya nginitian ko siya.
Nag-sorry naman na sa'kin si Major after he shouted at me and I really understood it.
"Huwag na magdramahan! Nandito tayo para mag-enjoy, oh!" Hirit ni Trigger kaya napairap ako at hindi rin napigilang tumawa.
Kinuha ni Gunner ang wine sabay bukas no'n at doon kami naghiyawan.
We are celebrating our recent mission and it was all about the sapphire gem. Nakuha na namin ang dalawang gem kaya nagpapasalamat kami sa grupo nila X dahil sinalo nila ako sa panahong lugmok na lugmok ako.
Napahinto kaming lahat nang biglang may nag-doorbell kaya nilingon namin ang pintuan.
"Rogue, check it." Utos ni Major kaya balik muli kami sa agenda.
Nilagyan ni Trigger ang mga baso namin sabay taas at ininom ko 'yon.
Napapikit ako dahil sa pait no'n kaya nang makita ko ang reaksyon ng iba ay natawa ako.
Halos hindi kasi maipinta ang mukha nila lalo na si Trigger.
"The fuck! Sino bumili ng wine na 'to?" Tukoy niya sa hawak nitong bote kaya tinuro nila si Rogue na kakapasok lang at may dalang kahon.
"What? Ayan lang ang available, eh." Dahilan niya.
"Ano naman 'yang dala mo?" Mataray na usisa ni Zelenia.
"Ewan ko pero nakalagay kasi rito at para kay X." Sabi niya kaya napailing na lang ako at tumayo upang buksan ang TV.
Kukuhanin ko sana ang remote nang biglang inunahan ako ni Gunner kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nauna ako." Sabi niya kaya bumalik na lang ako sa upuan ko.
Ngunit bago pa man makabalik ay narinig ko ang pangalan na matagal na naming iniiwasang banggitin.
"The heir of Celeste's Hospital was seen in a famous restaurant with the heir of their rival hospital, Ms. Ive Lace Villarreal. Everyone assumed that they were in a relationship because they had seen them several times in other places as well."
Nakatalikod ako pero ang balitang 'yon ay halos ikawasak ng aking puso.
Paano pa kaya kung makita ko ang proof na sinasabi nila?
Pinilit kong humakbang kahit nanlalata ang aking tuhod. Mabuti na lang ay nakaantabay sa'kin si Rogue at inalalayan akong makaupo.
"They were also seen kissing in a private area of Rhett's Hospital."
Iyon ang huli kong narinig bago pinatay ni Trigger ang TV.
"Fake news 'yan!" Sabi niya.
"Gaga, may fake news bang may pictures?" Sarkastikong sabi ni Viper.
"Mayroon! Malay mo hindi naman talaga siya 'yon." Laban ni Trigger.
"Ayaw mo lang kasi maniwala na puro salita lang 'yang pinsan mo. Hindi talaga sila para sa isa't-isa." Inis na sabi ni Viper.
