Chapter 6

14 2 0
                                        

Chapter 6

Nakaupo ako ngayon sa couch ng condo ni Rhett habang nasa itaas ang aking paningin.

Paano ba naman kasi! Kung makatitig 'tong kapatid niya ay parang mangangain.

"What's your name? Saan ka nag-aaral at anong course and year level mo? Ano work ng parents mo? May business ba family ninyo?" Sunod-sunod na tanong niya.

Parang gusto ko na lang pumunta sa moon at magpakalutang-lutang doon dahil sa pagiging curious niya sa'kin.

"A-Ah, ano.. sino ka nga uli?" Nahihiyang tanong ko at natawa siya.

"Well, pinakamagandang kapatid ni Mr. Rhett Bryce Celeste, Kennedy Lou." Abot tainga ang kaniyang ngiti.

Sino ba naman ako para pawiin 'yon 'di ba?

"Ah, okay. Zyreena Claire Chaves, freshie and BA ang course ko."

Napatango siya. "Nice, how about your parents' job?"

"Cashier sa supermarket si Nanay." Sagot ko.

"Your father?"

Lintik, tanong naman 'to nang tanong.

"Tegi na, eh."

"Ow, I'm sorry." Napapahiyang sabi niya kaya nginitian ko siya.

"Naku, wala 'yon. Sanay naman na ako."

Napatango siya sabay nagdekwatro at tinitigan ako. "Boyfriend mo ba si kuya? Do you have plans to take the course na katulad sa kaniya?" Tanong niya na naman.

Hindi ba 'to nauubusan ng bala? Cardo dalisay lang?

"Date ko 'yang si Rhett." Sabay halakhak. "At saka wala akong balak mag doktor 'no! Baka at least na makabuhay ako, mapatay ko pa. Hindi ko rin naman gusto 'yon." Naiiling kong sabi at nanahimik siya.

"Yeah, mas maganda kung gusto mo ang ginagawa mo." Makahulugang sabi niya kaya napatitig ako sa kaniya.

Kumunot ang aking noo at balak sanang tanungin siya nang dumating si Rhett dala ang niluto niya.

"Dito ka na kumain, Kennedy. And you, change your oufit. Masyado mong kina-career 'yang bathrobe." Nakangisi niyang sabi kaya inirapan ko siya.

"Heh! Pasalamat ka at medyo masama pa ang pakiramdam ko. Or baka naman naaakit ka sa'kin at nahihiya ka lang magsabi kasi nandito kapatid mo?" Umangat ang gilid ng aking labi.

Umawang ang bibig ng kapatid niya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Habang si Rhett naman ay tumalim ang tingin sa'kin na para bang gusto niya akong busalan sa bibig.

"Iyang bunganga mo talaga! My sister is here, just to inform you."

Nilingon ko ang kapatid niya at nag peace sign. "Joke lang 'yon. Baka mabawasan ako ng ganda points sa family mo."

Kumain na lang kami at nakapagpalit na rin ako ng damit. Gusto ko nga sanang umangal kasi ang sikip ng bra na binili ng kapatid ni Rhett.

34A ang size ko at mukhang 32A ang pinabili ng hinayupak.

"Are you okay? You don't look fine to me." Napansin ni Kennedy 'yon kaya kinapalan ko na ang aking mukha.

"Bakit 32A ang binili mong cup size?" Diretsang tanong ko na ikinasamid ni Rhett.

Dinaluhan agad siya ng kapatid niya at patuloy sa pag-ubo ang katabi niya. Inirapan ko siya nang umangat ang kaniyang ulo at nagtama ang aming mga mata.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon