Chapter 8

15 2 0
                                        

Chapter 8

Tinakbo namin ni Tristan ang daan papunta sa hideout kaya hingal na hingal ako nang makarating kami sa harapan no'n.

"Sabihin mo nga sa'kin kung bakit ako nag-skirt?" Naiinis na sabi ko.

Natawa siya sabay punas ng pawis. "Wala kang available na pants?"

Inirapan ko siya. "Wala ka talagang kwenta."

Mula sa labas palang ay rinig ko na agad ang boses ng pesteng Juno na 'yon.

"Huwag ka muna lalabas. Delikado na kapag nakilala ka nila, Zyreena. Sa kabila ka na dumaan." Utos niya kaya tinanguan ko siya.

May daanan kasi roon na tanging kami lang ang nakakaalam kapag may emergency tulad nito.

Tahimik akong pumunta roon at bubungad agad sa'kin ang bakanteng silid. Marahan akong naglakad palabas para puntahan si Atlas nang may biglang umatake sa'kin.

Hinuli ko agad ang kamay niya sabay hatak palapit at balak sanang isalubong ang aking kamao nang bigla siyang magsalita.

"Pucha! Talo na naman ako." Reklamo ni Zelenia kaya binitawan ko kaagad siya.

"Gaga ka kasi. Mapapansin ka kaagad ng kalaban mo kung sa harap ka susugod." Sermon ko. "Where's Atlas?" Tanong ko.

"Nasa kabilang kwarto. He knows that they're here. He tried to help Hunter but we didn't allowed him." Kwento niya at pinuntahan ko si Atlas.

Naabutan ko itong nakasandal sa kama at nakapikit. Mukhang pinapakinggan niya ang ingay mula sa baba.

"Atlas," Tawag ko sa kaniya.

Marahan siyang dumilat bago ako lingunin kaya nilapitan ko siya at tinabihan.

"Ang bobo mo naman. Nagpasuntok ka talaga?" Gulat siya sa'king tanong kaya tinawanan ko siya.

"Really? Akala ko naman nag-aalala ka sa'kin." Napangiwi siya.

"Ano ba ang nangyari?" Usisa ko. "Nandoon sila sa baba at mukhang target ka nila this school year." Pagsasabi ko ng totoo.

Ganoon kasi palagi ang ginagawa nina Juno. Once na may nangielam sa kanila, they will mark that person as their target for the whole school year.

Syempre hindi ko maiwasan na kabahan at mag-alala kasi iba ang grupo nila. Kapag sinabi nila na ganito ang gagawin, ganoon talaga ang gagawin nila. Wala silang awa at puro violence lang ang nasa utak nila.

"Nakita ko kasing pinagtitripan nila 'yong kapatid ni Zelenia. No'ng una ay si Zelenia ang sumugod pero nang patulan nila pati 'yong babae, biglang nandilim ang paningin ko sa mga hinayupak na 'yon." Pagkukwento niya.

"Kaya nga dapat kasalanan ko, eh." Paninisi ni Zelenia sa sarili niya. "It should be me, not him."

Napahilot sa sentido si Atlas. "Sarili kong kagustuhan 'yon, Zelenia. Babae kayo at lalaki ako. Marami sila kaya alam kong hindi mo kakayanin 'yon kahit barumbado ka pa." May halong pang-aasar pa 'yon kaya binato siya ni Zelenia ng alarm clock.

Iyon kasi ang malapit sa kaniya. "Gago ka."

"Tumigil na nga kayo. So anong plano mo? Alangan naman buong year kang magtago at isuksok 'yang sarili mo rito?" Diretsang sabi ko kaya napatingala siya.

"Edi haharapin ko sila. Lugi lang ako kasi hawak nila sina Zelenia. Kung wala 'yon, baka bugbog sarado sila sa'kin." Pagyayabang pa niya kaya binatukan ko siya.

"Siraulo ka rin, 'no? Kahit bugbugin mo, ganito pa rin ang ending. Alam mo naman na makikitid ang utak no'ng mga 'yon, mana sa amo nila." Napaismid ako.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon