Chapter 15
Dumating ang araw na gusto kong takasan dahil midterm na namin. Ang bilis ng panahon at ilang buwan na pala kaming magkakilala ni Rhett.
Sinagot ko siya months ago and so far wala naman kaming mabigat na problema. Normal na tampuhan at inisan lang.
"So, kumusta ang feeling na may boyfriend na med student?" Tanong ni Savannah habang nakaupo kami sa canteen at kumakain.
Bumagal ang aking pagnguya bago sinagot ang tanong niya. "Ganoon pa rin naman. Masyado lang sensitive sa dumi si Rhett."
Bigla akong namula dahil naalala ko ang huli naming ginawa nakaraan.
"Utot mo, Zyreena." Napaismid siya sa sinabi ko.
Napakibit-balikat na lang at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
Lumipas ang ilang linggo ay maraming nagbago kay Savannah. Unang araw nang makita ko siya after no'ng pagkawala ng kapatid niya ay hindi na ito palangiti hindi tulad noon.
Palagi rin siyang tulala at hindi makausap. Minsan nga ay kapag naiisip niya si Sabrinah ay bigla na lang siyang napapahagulgol.
Mabuti na lang ay medyo maayos na siya ngayon kahit alam ko na itinatago niya ang totoong sakit at paninisi sa kaniyang sarili.
Naramdaman kong siniko ako ni Savannah kaya nilingon ko siya. "Kanina ka pa tulala r'yan. Hindi mo napansin si Rhett na naglakad papunta roon."
Ngumuso siya sa isang direksyon kaya nagmamadaling inubos ko ang huling fries bago tumayo.
"Puntahan ko lang muna, ha." Paalam ko sa kaniya at tumango siya.
Binilisan ko ang aking lakad at nagbabakasakali na maabutan ko siya. Hinanap ko kaagad siya pagkaliko ko at kumunot ang aking noo nang makita siyang naglalakad palabas ng university.
Sinundan ko siya hanggang sa gate at nakita ko siyang naghihintay habang sumusulyap sa kaniyang phone.
Kinuha ko ang akin mula sa bulsa ang tiningnan kung may text or chat siya kaso wala naman akong natanggap.
Nakatayo lang ako habang hinihintay kong may mangyari. Maya-maya ay napatayo ako nang matuwid nang makita kong may huminto na itim na kotse sa harapan niya.
Bakit ba kasi naimbento pa ang tinted na salamin, eh!
Nakatagilid man si Rhett ay kitang-kita ko kung paano sumeryoso ang kaniyang mukha. Lumipas ang ilang minuto ay hindi man lang pumasok o gumalaw ito kaya nagtaka ako.
Lalapitan ko na sana nang biglang bumukas ang pinto at lumabas doon ang isang magandang babae. Napakurap ako lalo na nang makita ko kung paano lapitan at halikan sa pisngi si Rhett.
Para akong kakapusin sa hangin at napahawak sa'king dibdib. Feeling ko kasi ay may tumutusok doon at nakakaramdam ako ng sakit.
Hindi lumayo o umiwas si Rhett kaya naguluhan ako. Gusto ko man pigilan ito ay hindi ko magawa dahil nanigas ako sa'king kinatatayuan.
Pagkatapos no'n ay sumakay siya sa kotse kasunod no'ng babae at umalis na silang dalawa. Mabilis kong kinuha ang aking phone at tinawagan si Rhett.
Ngunit kahit ilang beses kong gawin 'yon ay hindi sumasagot ito at puro ring lang.
Ano 'yon, Rhett? Niloloko mo ba ako?
Wala akong gana nang mag-exam kami kaya alam kong bagsak ako. Paulit-ulit ko kasing naaalala ang nangyari kanina.
Oo, nagseselos ako.
It's normal since we're in a relationship and I love him. The more na mas lumalalim ang pagmamahal ko sa kaniya, mas madali akong nasasaktan kahit na sa maliliit na bagay.