Chapter 22

10 2 0
                                    

Chapter 22

"The fuck!" Gulat na sabi ni Rhett.

Hindi na ito nag-aksaya pa ng oras at dali-daling nilapitan ako. Kinuha niya ako mula sa guard sabay buhat.

"What the fuck was happened to you?" Nag-aalalang sabi niya habang nagmamadali sa paglalakad na halos takbo-lakad ang ginawa niya.

Sa halip na sagutin ay nginisihan ko lang siya at bago pa mawalan ng malay ay narinig ko ang boses ng aking kaibigan.

Paano ko nalaman? Simple lang.

"Doc, pinapatawag niyo raw po a—Ay putangina! Syreena!? Lintek! Ikaw ba talaga 'yan? Bakit may dugo!?!"

Gusto ko man siyang tawanan ay hindi ko magawa dahil nanghihina na talaga ako.

Nagising na lang ako at naramdaman ang sakit mula sa'king sikmura. Maging ang aking pisngi ay pakiramdam ko'y namamanhid dahil sa pagkakasampal sa'kin.

Hinanap ko ang aking phone kaso wala akong makita. Napahampas ako sa'king noo pero napadaing lang ako dahil sa sakit.

"Shit naman, oh."

"What are you doing?"

Napaigtad ako sa gulat dahil sa boses no'n na akala mo'y kulog kung mambulabog.

Nilingon ko ang pinagmulan no'n at nakita ko si Rhett na seryosong pinapanood ako habang nakahalukipkip suot ang kaniyang white coat.

"Ah, ikaw pala. Ano ginagawa mo rito?" Inosenteng tanong ko.

Kumunot ang kaniyang noo at marahan naglakad palapit sa'kin.

"I should be the one asking you that question. What made you go here? What did you do this time?" Sunod-sunod niyang tanong kaya napaiwas ako ng tingin.

Pinilit kong sumandal sa kabila ng sakit ng katawan bago sagutin 'yon. "It's not your concern anymore, Rhett."

"I'm your doctor, Ms. Chaves. I'm not doing this because I've known you, but because I'm a professional doctor." Malamig niyang sabi.

Parang may kirot sa'king puso nang diinan niya ang pagiging professional doctor niya. Ang dating sa'kin ay ginagawa niya lang 'yon dahil sa profession niya.

Awts, gege.

Bakit pa ba ako umaasa na may concern pa siya sa'kin?

I should get mad at him after what he did to me, but I'm matured so what's the point of having it kung wala rin naman patutunguhan.

Bumuntong-hininga ako at maingat na humiga.

"Magpapahinga na muna ako. Pwede mo na akong iwan at salamat sa paggamot sa'kin."

Patagilid akong nahiga at iniinda ang sakit na dulot no'n. Nakatalikod ako mula sa pwesto niya kaya hindi ko makita ang reaksyon nito.

Hindi siya naglikha ng anumang ingay at tanging pagbukas lamang ng pinto ang aking narinig.

Sa halip na dibdibin ang nangyari, itinulog ko na lang since nakakaramdam pa ako ng kaunting hilo.

Nang magising muli ay bumungad kaagad ang boses ni Veena.

"Kapag nagising talaga 'yang babae na 'yan, ikukulong ko 'yan sa bahay nila."

"G na G naman, Veena. Parang 'di ka naman nasanay kay Zyreena noon." Rinig kong sabi ni Jan Loyd.

"Gaga ka ba? Paano ako masasanay kung sa mismong harapan ko pa talaga nahimatay 'yan with matching dugo effects pa!" Nanggigigil na sabi ni Veena kaya patago akong napangiwi.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon