Chapter 20
"Bakit ba halos lahat ng target natin ay gusto sa mga abandonadong lugar?" Mahinang tanong ko habang umaakyat kami papunta sa itaas.
"Tanungin mo sila mamaya." Natatawang sabi ni X.
Napailing na lang ako at marahang humakbang para hindi makatunog kaagad ang mga bantay.
Marami kasi sila pero sigurado akong nangangalahati na sina Dark sa ibaba. Nagkatitigan pa kami ni X bago ako sumenyas na mauunang pumasok sa loob.
Ngunit iba ang bumungad sa'kin at kami ang nasupresa dahil sa nakita.
"Oh, you looked surprised." Kunwari pa itong napasinghap.
"You idiot! Alam mo ba ang ginagawa mo?" Iritadong sabi ni X kaya nalukot ang mukha ni Alexandro.
"Don't call me idiot! Sugurin niyo na 'yan!" Sigaw niya sa kaniyang mga tauhan.
Napaayos kaagad ako at sinalubong ang papalapit sa'kin. Umikot ako sabay sipa sa kaniyang mukha habang ang isa naman ay tinuhuran ko at sinuntok sa mukha. Kaso may humatak ng aking buhok kaya napasigaw ako sa sakit.
"Ahh! Tangina mo!"
Narinig ko ang tawa nito kaya sumabay ako sa kaniya at nilapitan siya hanggang sa tumama ang likuran nito sa pader nang ipitin ko siya roon. Pagkatapos ay iniuntog ko sa kaniya ang aking ulo sa noo niya kaya napadaing din ito.
Nang mapansin kong may papalapit sa'kin ay nakita ko ang mahabang kahoy kaya dali-dali ko 'yon kinuha at hinampas sa kaniya. Napahawak ito sa tainga niya kaya hinampas ko ang kaniyang tuhod hanggang sa mapaluhod at sinipa ang kaniyang dibdib.
Bigla akong napatingin kay X nang marinig ko ang hiyaw niya kaya kinuha ko ang kunai knife mula sa maliit na bag sa'king tuhod at inihagis sa lalaking nakahawak sa kaniyang beywang.
Tumama 'yon sa gilid ng ulo nito kaya kaagad itong bumagsak sa sahig. Tinanguan ako ni X kaya hinanap ng aking mata si Alexandro na tumatakbo pababa.
"Hindi ka makakatakas sa'kin!" Iritadong sabi ko.
Hinabol ko ito habang si X ay abala sa mga naiwang tauhan ni Alexandro. Binilisan ko ang aking pagtakbo at dumungaw pa ako sa ibaba kaya nakita ko siya na balisa habang tumatakbo palayo sa'kin.
Tinalon ko ang dalawang palapag kaya nang maaabutan ko na siya at kinuha ko ang isa ko pang kunai knife sabay hagis sa kaniya.
Muntik na itong tumama sa mukha niya at sobrang lapit lang nito sa kaniya kaya halos mamutla siya sa nangyari.
"Don't you dare, you idiot." Singhal ko.
Nang makalapit ay nanlaki ang aking mga mata dahil biglang sinuntok ako nito sa'king tiyan at hinila ang aking buhok.
"Mamatay ka na! Ang ayaw ko sa lahat ay tinatawag akong idiot!" Nanggigigil nitong sabi.
Napahawak ako sa'king buhok para mabawasan ang labis na paghatak niya roon. Hindi ko alam kung saan niya ako dinadala hanggang sa mapasinghap ako nang pahigain niya ako sa kung saan.
Narinig ko ang malakas na ingay kaya nang pumaibabaw sa'kin 'to ay tiningnan ko ang likuran ko at nakita ko ang automatic sawmill machine.
"Fuck!"
Napasinghap ako nang sakalin niya ako kaya pinagsisipa ko siya sa kaniyang likod kaso walang effect. Tinawanan niya lang ako at mas lalong hinigpitan ang pagsakal sa'kin.
"Mamatay ka na!" Halos mabaliw na ito.
Palakas nang palakas ang tunog kaya alam kong malapit na ako. Mas nilakasan ko pa ang pagsipa kaso gawa ata sa bakal ang likod nitong bwiset na lalaking 'to.
