Chapter 12

10 2 0
                                        

Chapter 12

Nag-ayos ako nang mabuti dahil ito ang unang beses kong lalabas kasama si Rhett.

I chose a mini dress with all the florals and a v-neckline type. Backless siya kaya halos tumaas ang aking balahibo dahil sa lamig.

Kailangan kong magtiis. Tiis ganda 'to, 'no.

Inilugay ko ang mahaba at dark color kong buhok na hanggang dibdib ko.

"Tapos ka na ba, Zyreena? Nandoon na sa baba si Rhett." Sigaw ni Nanay kaya nagmadali na ako.

Light make up lang since hindi ako mahilig sa ganoon at mas maganda kung natural pa rin tignan.

After no'ng nangyari, naging maayos din ang sa pagitan nina Nanay at Rhett pero hindi pa rin maiiwasan ang pagsusungit ni Madam.

Two inches lang ang suot kong sandals kaya keribels naman.

Kinuha ko ang aking purse bago bumaba ng hagdan. Naabutan ko pa si Nanay na sinisermunan si Rhett at pinaalalahanan niya ito.

"Twelve ng gabi kailangan nakauwi 'yan nang walang gasgas at hindi namamaga ang mata."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Bakit ako iiyak?

"Yes po, Madam." Malumanay na sagot ni Rhett kaya nang tumingala si Nanay sa pwesto ko ay naagaw nito ang atensyon ni Rhett.

"Kaya naman pala. Grabe naman kasi magpaganda."

Hindi ko alam kung nang-aasar ba si Nanay o pinapahiya lang ako sa harapan ni Rhett. Namula ako sa kaniyang sinabi at sinalubong ang mataimtim na tingin ni Rhett sa'kin.

"Oh siya, bantayan mo 'yang anak ko at delikado pa naman ngayon. Mag-enjoy kayo at mag-ingat, ha." Paalala niya kaya nang makalabas ay inalalayan ako ni Rhett.

"Sa daan ang tingin, huwag sa'kin." Pang-aasar ko kaya napailing na lang ito.

"Mukha ka kasin—"

"Ano kamo? Mukha ba akong daanan, Rhett?" Inis kong sabi kaya natatawang hinuli niya ang aking beywang.

"Patapusin mo muna kasi. Mukha kang asawa ko sa future." Nambola pa ito kaya inirapan ko siya.

"Saan mo naman 'yan natutunan? Ang corny, ha."

Inalalayan niya ako sa pagpasok ng kotse at sumunod din siya habang nagkakabit ako ng seatbelt.

"Wala bang effect?" Usisa niya.

"Duh, napaglumaan na 'yan, eh. Saang baul mo ba kinuha 'yon?" Kuryosong tanong ko.

"Fuck you, T." Rinig kong singhal niya pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin.

Tahimik naming tinungo ang daan papunta sa bahay ni Savannah. Nang malapit na ay saka ko lang nilingon si Rhett na naka-longsleeve na black polo at pants.

"Gwapo talaga." Mahinang sabi ko pero nakita ko kung paano ngumisi si Rhett.

"You looked stunning. Do you really need to show your cleavage?" Tanong niya kaya tinignan ko 'yon.

"Bakit? Panget ba?" Sabay ayos ng lower back bra na binili ko pa sa SM.

"Nope, I can see your cleavage now. It means, hindi lang puro foam." Sabay ngiti nang nakakaloko.

Hinampas ko siya. "Gusto mo lang lumamas, eh." Laban ko.

Nawala ang ngiti sa kaniyang labi kaya ako naman ang napangiti.

"Iyang bunganga mo talaga!" Sermon niya kaya mas lalo akong natuwa.

Nakarating kami sa venue at rinig na rinig ko ng ingay doon. Hindi na ako nagpahintay kay Rhett at nauna nang lumabas kaya sinalubong niya ako at sinakop ang aking beywang.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon