Chapter 16

11 2 0
                                    

Chapter 16

Mag-isa lang ako ngayon habang namimili ng ireregalo kay Rhett. Naisipan ko pa ngang bumili ng isusuot kong semi formal na gown pero sabi niya ay siya na raw bahala.

Nasa SM ako at magkikita kami mamaya ni Savannah dahil sasamahan niya raw ako sa make over ko.

"Hi, Miss. Ask ko lang kung saan ang section ng mga relo ninyo." Sabi ko sa sales lady at itinuro niya 'yon sa'kin.

Nakapag-ipon naman ako kahit papaano at saka binibigyan din ako ng extra allowance ni Nanay.

"Ito po, Ma'am."

Nginitian ko siya at tumingin doon. Maraming magaganda kaya medyo nahihirapan pa ako. Ngunit may isang nakaagaw ng aking atensyon at leather type 'yon.

Kaagad kong tinawag ang sales lady kanina sabay turo no'n.

"Naku, Ma'am. Ang galing niyo naman po pumili." Masayang sabi niya kaya nahihiyang napangiti ako.

"Hindi naman. Sadyang 'yan lang ang nakaagaw ng atensyon ko." Namumulang sabi ko.

Inasikaso niya na 'yon at nagbayad sa counter. Ako na sana ang susunod nang may biglang dumating at pinauna siya dahil daw VIP customer nila ito.

"She's next. Treat us equally, okay?" Malumanay nitong sabi kaya nilingon ko siya.

Halos manigas ako sa'king kinatatayuan nang makilala ko siya.

"Ikaw na po muna, Ma'am." Tawag sa'kin pero naiwan ang aking paningin doon sa babae.

Habang hinihintay ang sukli ko ay pasimple kong kinausap 'yong sales lady.

"Kilala mo siya?" Halos pabulong 'yon.

Masigla siyang tumango. "Oo naman po. Si Ma'am Victoria Samonte po 'yan."

"Matagal na siya rito?"

"Opo. Matagal na po naming buyer si Ma'am at iisang brand lang palagi ang binibili niya. Palaging rolex po, para po siguro sa kasintahan niya." Mahabang sabi nito.

Mukhang matagal na nga nilang kilala ito kaya marami siyang nalalaman.

"Student pa lang ba siya?"

"Yes po. Mayaman lang po talaga ang family niya. Halos lahat po ng miyembro nila ay puro doctor kaya ganoon din po siya."

Doon ako halos mabingi dahil gusto niyang maging doctor pati na rin si Rhett.

Hindi naman siguro mali ang kutob ko, 'di ba? Sana naman mali 'to.

Tulala ako habang nakaupo sa food court at hinihintay na dumating si Savannah.

Ano kaya ang ginawa niya roon? At sino naman ang pagreregaluhan niya?

Hindi ako mapakali kakaisip doon kaya naabutan ako ni Savannah na litong-lito habang nakaupo lang.

"Uy, palagi kang ganiyan, ha. Nag-away ba kayo ni Rhett?" Usisa niya kaya napatikhim ako at umayos ng upo.

"Hindi, 'no! Marami lang akong iniisip. May balita ka ba kila Veena?"

"Ay, oo nga pala. Busy sila ngayon kasi ang daming requirements ng prof nila sa isang subject. Banas na banas na nga si Veena dahil wala na raw siyang bebe time." Natatawang sabi niya kaya napailing ako.

"Akala ko ba study first siya?"

"Nagbago nang mainlab kay Zack. Hulog na hulog, eh."

Sinamahan niya ako na magpaayos ng buhok. Nagpagupit ako hanggang balikat at pina-straight ko 'yon para hindi pangit tingnan. Sabay din kaming nagpa-manicure kaya kahit papaano ay nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko kanina.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon