Chapter 5
Masama ang aking pakiramdam nang pumasok ako. Hindi naman ako pwedeng lumiban sa klase dahil may quiz kami at strict ang prof namin.
Napaubo ako kaya mabilis kong tinakpan 'yon para maiwasang makahawa sa mga kaklase ko.
"Oh? Namumutla ka ata, Zyreena?" Rinig kong sabi ni Savannah kaya marahan ko siyang nilingon.
"Hindi 'no, wala lang akong liptint. Alam mo naman, liptint is life." Sabay tawa kaya kumunot ang kaniyang noo.
"Hindi, eh. Namumutla ka talag-" Putol niyang sabi nang nanlaki ang aming mga mata.
Paano ba naman kasi, may biglang dumaan sa pagitan namin na kung ano.
Mabilis akong lumingon sa prof namin na nanlilisik ang mata habang may bahid pa ng chalk ang kamay niya.
"Kanina pa ako salita nang salita rito tapos kayo ganoon din ang ginagawa ninyo. Bastusan lang, Ms. Chaves and Laxamana?" Sarkastikong sabi niya kaya napapahiyang napayuko ako.
"Sorry po, Ma'am." Sabi ko at ganoon din si Savannah.
"Para matuwa ako sa inyo, dalhin niyo 'tong mga notebook at pupunta na ako sa next class ko." Utos niya kaya hindi na kami umangal pa.
Nagkatinginan pa kami ni Savannah at sa huli ay nagtawanan na lang.
Hinati namin 'yon sabay buhat pagkatapos magpaalam ng prof namin. Sinundan namin siya pababa at mukhang sa ibang department pa kami balak isama nito.
Pinagpawisan tuloy ako dahil sa pagod kaya nang tignan ko ang aking kasama ay nagtaka agad ako.
"Hindi ka pinagpapawisan?"
"Hindi. Ang lamig ng hangin ngayon, Zyreena. Alam mo namang maulan ang panahon." Sabi niya nang lingunin ako.
Natahimik ako at pinakiramdaman ang sarili dahil para akong babagsak dahil sa nanlalambot kong tuhod.
Napailing na lang ako lalo na't napansin kong huminto ang aming prof sa isang silid.
Dito na ata kami.
Hindi ko napansin kung saan kami napadpad kasi abala ang utak ko kakalipad kung saan.
"Goodmorning class." Narinig kong sambit ng prof namin.
Nasa bukana si Savannah dahil nauna siya sa'kin. "Ma'am, paano po ito?" Tukoy niya sa dala naming mga notebook.
Nang makalapit sa kasama ko ay napatingin ako sa loob at natigilan nang mapansin kong med students pala ito.
Hindi ko mapigilang hanapin si Rhett at nagbabakasakaling nandito siya sa room na ito. Napakurap ako nang magtama ang aming mga mata at tinaasan niya pa ako ng kilay kaya natahimik ako.
Wala ata ako sa mood makipaglokohan sa kaniya ngayon.
Umiwas na lang ako ng tingin at hindi naman ako nahihiya dahil sa sinabi ko no'ng nasa kotse niya kami.
Inilapag namin sa gilid ang dala namin at pagkatayo ay para akong babagsak kaya napaigtad sa gulat si Ma'am at Savannah.
"Hala, okay ka lang ba talaga, Zyreena?" Nag-aalalang tanong niya kaya napatango ako.
"Ms. Chaves, go to clinic first. Kanina ko pa napapansin na malamya ka ngayon." Sambit ng prof ko.
Napabuntong-hininga na lang ako at aalis na sana kami nang marinig ko ang boses ni Rhett.
"Ma'am, pwede ko po bang samahan sila sa clinic?" Tanong niya.
"Good thing that you've asked. You may now go and bumalik ka after mo maihatid sila. We have a quiz." Striktong sabi nito.
