Chapter 1

20 2 0
                                    

Chapter 1

"Anak, ayus-ayusin mo ang buhay mo at baka isama kita sa libingan ng tatay mo." Pagbabanta ni Nanay habang inaabot sa'kin ang baon ko.

"Nanay naman, eh. Masyado ka namang matipid sa buhay." Laban ko kaya sa halip na mapangiti ay sumimangot ito.

"Kahit kailan talaga, Zyreena. Tatahiin ko na talaga 'yang bibig mo."

Umakto tuloy ako habang izini-zipper ang aking bibig para manahimik.

"Oh siya, umalis ka na at mag-aral nang mabuti. Huwag ka ng pupunta sa kung saan, ha." Sabi ni Nanay kaya napa-thumbs up na lang ako.

Alam ko naman kasi na hindi 'yon mangyayari lalo na't sobrang tigas pa naman ng aking ulo.

"Gago! Late ka na naman." Reklamo ni Daniel sabay kamot sa anit niya.

"Edi hindi ko kayo papahiramin ng bago kong mga ballpen." Ipinakita ko ang iba't-ibang kulay no'n kaya kitang-kita ko kung paano manlaki ang kanilang mga mata.

"Pahingi naman, Syreena." Inilahad ni Veena ang palad niya kaya inirapan ko siya.

"Hangga't hindi mo naitatama ang bigkas sa name ko ay hindi kita papahiramin!"

Itinago ko ang aking hawak papasok sa bag at nakahalukipkip silang tinignan.

"Ihhh! Alam mo na ngang bulol ako, ipipilit mo pa." Nagdabog si Veena kaya napasimangot ako.

"Bahala ka r'yan. College na tayo pero ganiyan pa rin kayo. Nasaan na ba si Jan Loyd?"

"Cruz?" Sabay nilang sabi kaya binatukan ko sila.

"Mga gaga! Cruz naman talaga ang surname no'n. Hindi lang mukhang John Lloyd Cruz, pinaglumaan na ata." Biro ko kaya nagtawanan kami at naabutan namin ang hindi maipintang mukha ng hinahanap namin.

"Oh, bakit ganiyan mukha mo?" Tanong ni Veena.

"Rinig na rinig ko kaya kayo. Nakakahiya naman sa mga pangalan ninyo."

Napanguso siya kaya inakbayan ko siya. "Hayaan mo na sila. Pasok na tayo lalo na't orientation pala ngayon." Sabi ko.

"Shet na malagket, namula si papa cruz." Pang-aasar ni Daniel kaya tinanggal tuloy ni Jan Loyd ang braso ko sa kaniya.

"Ang lalakas talaga ng mga trip ninyo." Inis na sabi niya sabay iwas sa'min kaya sumunod kami sa kaniya.

First day of classes ngayon at nasa college na rin kaya iba-iba na ang course na kinuha namin.

Kinuha kasi nilang tatlo ay BSN or Bachelor of Science in Nursing. Ganiyan lang ang mga 'yan pero matatalino ang mga tropa ko. Ako lang ata ang naligaw since Business Ad ang napili ko.

Nandito kami ngayon sa main quadrangle dahil dito ang venue para sa'ming orientation as freshmen.

Humiwalay na ako sa kanila dahil by course raw ang upo. Wala naman akong kakilala kaya naghanap na lang ako ng bakanteng upuan malapit sa pwesto ko sabay upo roon.

Habang naghihintay ay inilabas ko ang aking salamin pati ang suklay para ayusin ang aking buhok.

Ang ganda ko talaga!

Nag-wink pa ako pero parang may kulang kaya kinuha ko ang aking liptint sabay lagay no'n sa'king nakangusong labi.

"Excuse Miss," Malalim 'yon at mula sa lalaki kaya ganoon ang aking itsura nang harapin ko siya.

Halos mapanganga ako dahil sa'king nasa harapan, mabuti na lang ay humangin at napuwing ako.

Duh, mas pipiliin ko pang mapuwing kaysa mahuli niyang humahanga sa kaniya.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon