Chapter 14

7 2 0
                                    

Chapter 14

Maaga akong pumasok dahil may kailangan kaming ipasa ni Savannah. Sa pagkakaalam ko ay bukas na ng six ang office ni Ms. Rosario—professor namin sa isang subject.

"Nasaan na si Savannah?" Tanong sa'kin ni Daniel kaya napailing na lang ako.

"Alam mo naman..."

Parang natauhan ito kaya walang umimik sa'min hanggang sa ihatid nila ako sa room.

"Kitakits na lang mamaya, Syreena." Paalam ni Veena kaya napatango ako.

Inayos ko ang papers na pina-print namin nakaraan at inilagay sa isang folder. Nang matapos ay tumayo na ako para pumunta sa kabilang building dahil nandoon ang office ng prof ko.

"Hay, ang aga-aga sira na agad ang araw ko." Maarteng sabi ni Brina nang magkasalubong kami.

"Dapat hindi ka kasi pumasok para hindi masira ang araw mo." Diretsang sabi ko kaya tumalim ang tingin niya sa'kin.

Tinarayan niya ako at humalukipkip sabay lapit sa'kin.

"Ano ba nakita sa'yo ni Bryce?" Muli niyang ginawa ang pag-examine sa'kin mula ulo hanggang paa kaya medyo uminit ang ulo ko.

"Kung anong wala sa'yo." Mayabang kong sabi.

Halos umusok ang magkabilang tainga niya dahil sa mga sinabi ko. "You're not his type! You don't even have a class and hindi ka pasok sa standard ni Tita Felicia! Kaya kapag malaman 'to ni Tita, paniguradong hindi niya hahayaan na mapabilang ka sa kanila."

Napabuntong-hininga ako. "Okay lang. At least ako, hindi pinagsisiksikan ang sarili sa kanila. Kung hindi ako gusto ng family niya, edi hindi. Hindi naman sila ang boyfriend ko."

Nanlaki ang mga mata niya. "What!? Anong boyfriend?"

Napangisi ako. "Rhett is my boyfriend now. Kaya kung ako sa'yo, ititigil ko na 'to. Wala rin namang kabuluhan. I pity you, Brina."

"How dare you! Ilang years ko nang gusto si Bryce! His mom knows me and yet you, na saglitan lang niya nakilala ay boyfriend mo na agad?" Puno ng pait ang boses niya.

Hindi ko naman maitatanggi na maganda talaga si Brina, sa ugali lang talaga nagkaproblema. At hindi ko rin naman kasalanan kung ako ang nagustuhan at hindi siya.

Although I understand her reaction kasi years niya na palang gusto si Rhett and yet there's no improvement.

"I'm sorry, Brina. Hindi mo naman mapipilit ang isang tao na gustuhin ka, eh. Lahat ng bagay na kapag pinilit, nagiging temporary lang. Pero may ibang bagay na kahit anong gawin mo, kapag ayaw talaga ay hindi mangyayari."

"Sino ka para pangaralan ako? For sure you're after his money! Hindi ako makakapayag. Hindi pupwede! Never!" Sigaw niya at binangga pa ako bago tumakbo.

Hindi naman nakaligtas sa'kin ang pagtulo ng kaniyang luha kaya nalungkot ako para sa kaniya.

Oo, naiinis ako sa kaniya pero ayaw kong ipaubaya sa kaniya si Rhett dahil gusto niya ito.

Napailing na lang ako at tinungo ang office ni Ms. Rosario. Naabutan kong nakabukas nang kaunti ang pinto ng silid niya kaya kumunot ang aking noo.

Baka nasa loob na siya.

Tumingin pa ako sa paligid hanggang sa mapansin ko ang isang babae na mukhang hindi mapakali. Balak ko sanang lapitan nang makita kong huminto ito sa isang grupo ng babae at may inabot dito.

Napangisi ang tumanggap no'n at hindi ko masyadong maaninag kung ano 'yon kaya hinayaan ko na lang.

Pagkapasok ko ay wala si Ms. Rosario kaya napalinga ako sa buong kwarto at namangha dahil ang linis din pala niya sa kaniyang gamit at silid.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon