Chapter 10
"How's kuya?" Bungad sa'kin ni Kennedy pagkababa ng hagdan.
"May lagnat pa rin pero napunasan ko na." Sabi ko kaya tumaas ang kaniyang kilay.
"It means naghubad siya?"
Halos mapasapo ako sa'king noo sa sinabi niya. "Hindi ko minanyak si Rhett."
Natawa siya. "I know, ang sarap niyo talagang asarin."
Balak ko sanang magtanong kung anong ibig sabihin niya pero nakaramdam ako ng gutom kaya kumain na lang kami.
Tinawagan ko si Nanay at sinabi kong baka late na ako makauwi dahil inaalagaan ko si Rhett. No'ng una ay gusto pa akong pauwiin pero nang malamang may sakit 'yong tao ay hinayaan niya na lang din.
Basta raw ay kailangan bago mag-alas nuebe ay nakauwi na ako.
Almost seven pm na kaya I still have two hours left para bantayan si Rhett.
"I have to go, Zyreena. Ikaw na bahala kay kuya." Paalam niya kaya tinanguan ko siya.
"Sige, mag-ingat ka sa pag-uwi, ha. Delikado pa naman ngayon." Paalala ko.
Naiwan kami ni Rhett sa condo niya kaya pinuntahan ko siya sa kaniyang room. Natagpuan ko siyang tulog kaya nilapitan ko siya at kinapa ang kaniyang noo.
Ang init pa rin.
Tumayo ako at muling binasa ang bimpo sabay piga para ilagay sa kaniyang noo. Matapos no'n ay napabuntong-hininga ako sabay tayo para lumapit sa glass wall.
Nakahalukipkip ako habang pinapanood ang city lights. Bigla kong naisip ang nangyari nakaraan na baka may kinalaman ang mga lalaking 'yon.
Hindi ko pa naitatanong kung saan parte 'yon na malapit sa university pero malakas ang kutob kong konektado sila.
Matatangkad at maangas ang kanilang dating base sa naaalala ko. Kung maririnig ko muli ang kanilang boses ay baka makilala ko kasi kapag mga ganito ay hindi agad-agad nawawala sa utak ko.
Kinuha ko ang aking phone at tinawagan si Atlas.
"Hello?"
"Kumusta?"
"Ayos lang, nasapak nga lang ni Juno bago dumating 'yong ibang prof."
Natawa ako. "Hindi kasi magaling umiwas, eh."
"Tsk, ang laking tao no'n. Paano ako makakaiwas kung isang hallway palang ay sakop na niya."
"Gaga ka!"
"So, bakit ka napatawag?" Usisa niya at mukhang alam na niya agad. "Hindi ka tumatawag nang walang kailangan."
"Did you heard about the news?"
"Anong news? About sa mga babae?"
"Yup,"
"Oh? Ano mayroon?"
Nilingon ko muna si Rhett at mahimbing itong natutulog bago magsalita muli.
"I think, I saw them." Mahina lang 'yon pero halos mapasigaw si Atlas.
Ang OA naman nito.
"What!? Anong nakita? Iyong nanggahasa at pumatay ba?"
Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko nakita pero malakas ang kutob ko. Alam mo naman ang kutob ko ay palaging tama, hindi ba?"
Narinig ko ang pagbuga niya sa hangin. "How? I mean, anong case?"
"Iyong malapit sa university. Umuulan that time tapos pauwi na ako pero nagpatila ako sa waiting shed. Kaso bigla silang lumabas mula sa gubat at alam kong may kakaiba, Atlas." Pgkukwento ko.