Chapter 29

6 2 0
                                        

Chapter 29


"Then let's end this freaking show."

Nang humakbang ito ay siya namang paglitaw ni Trigger mula sa gilid. Hingal na hingal ito at may dugo't pasa na rin sa katawan at mukha niya.

"Ang tagal kong hinintay 'to. Hindi ko alam na sila lang pala ang susi para makaganti sa'yo."

Nilingon ko si Mama na umiiyak habang pinapanood kami kaya pinilit kong ngitian siya.

"Tatanga-tanga rin mga kaibigan ko, eh. Babaril na lang, 'di ka pa napatay. Ang tibay mo rin, 'no?"

"Kanino pa ba magmamana ang mga manyakis mong kaibigan? Sa'yo lang din naman." Nakangising sabi ko.

Napansin ko ang tahimik na pagkilos ni Trigger habang tinutulungan sila Mama na makatakas kaya inubos ko pa ang ilang minuto sa pakikipagplastikan kay Juluis.

Hindi ko napansing nakatutok na pala sa'kin ang baril na hawak niya at pinaputukan ako sa'king kabilang hita.

Napaluhod muli ako dahil sa sakit kaya nanghihina kong tiningala si Juluis na tuluyan ng nakalapit sa'kin.

Gamit ang baril, iniangat niya ang aking baba para titigan ako nang malapitan.

"Maganda ka sana, eh. Kaso sinira mo ang buhay na nakasanayan ko! Pati nga magulang ko ipinagtabuyan ako. Alam mo ba kung gaano kasakit na sabihan na wala silang anak na katulad ko?" Natatawa niyang sabi habang may luhang lumalandas sa kaniyang pisngi.

"It's not my fault, Juluis. You just can't accept na kasalanan mo lahat 'yon. Kung hindi sana naging makati 'yang itlog m—" Putol kong sabi nang sampalin niya ako gamit ang baril na hawak niya.

Napadaing ako sabay dura na may dugo. Pasimple kong tiningnan sila Trigger at napansin kong naitakas na niya si Mama. Si Rhett na lang ang tinutulungan niya kaso napansin ako ni Juluis.

Marahas itong lumingon sa kaniyang likuran at nagulantang sa nangyari.

"Fuck! Fuck you all!" Galit niyang sigaw at mabilis na hinila ang aking buhok patayo.

Naalerto naman ang dalawa habang inaalalayan ni Trigger si Rhett. Napalingon silang dalawa at nanlaki ang kanilang mga mata.

"N-No! N-Not Zyreena! Ano ba ang gusto mo? Pera? Ibibigay ko sa'yo huwag mo lang siya sasaktan!" Natatarantang sabi ni Rhett.

"Tanga! Wala akong interes sa pera mo! Sa babaeng 'to?—Itinutok niya ang baril sa'king baba—Meron ang interes!"

"Talo ka na, Juluis! Ibalik mo na sa'min si Zyreena at sisiguraduhin kong kaunti lang ang ikakaso sa'yo." Pakikipag-usap ni Trigger pero hindi siya pinakinggan nito.

"Not interested, Fuckers! This is her end." Sabay tawa.

Nang itutuloy niya ang kaniyang plano, napansin ko ang laser ni Raven at halatang pinaalam niya muna sa'kin bago gawin ang dapat niyang gawin.

Napapikit ako nang matamaan si Juluis sa dibdib at nabitawan ang baril na hawak niya.

Kaagad akong lumayo at doon naman lumabas si Rogue na may dalang bomba.

"Sorry, I'm late. I have to deactivate this shit!" Seryosong sabi niya at natigilan nang makita ang sitwasyon namin.

Lalapit na sana ako sa kanila nang sumigaw si Rogue sa tunay kong pangalan.

"Zyreena!" Kasabay din no'n ang hiyawan nila Rhett na pinilit tumakbo palapit sa'kin.

Parang bumagal ang oras nang lahat sila ay tumakbo sa kinaroroonan ko.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon