Chapter 17

16 2 0
                                    

Chapter 17

Walang nagsalita sa kanilang lahat habang nagmamaneho si Zack. Pero pare-parehas kaming nagulat nang may bumusina sa likuran namin.

Nilingon ni Zack 'yon mula sa side mirror habang nakasakay sa motor. "It's Rhett."

Maikli lamang 'yon pero grabe ang impact sa'kin. Biglang bumuhos ang malakas na ulan at balak pa atang makisabay sa pag-iyak ko.

"Shh, wala kang alam, Zyreena. Kasalanan 'yon ni Rhett." Paninisi niya habang inaalo ako.

"Oo nga. Hindi mo deserve ang manloloko na katulad niya." Galit na sabi ni Veena.

Palakas nang palakas ang ulan kaya halos wala na kaming makita. Pero biglang napahinto si Zack kaya kamuntikan na kaming mauntog.

"Ano nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Veena rito.

"Si Rhett..." Bitin niyang sabi habang nakatingin sa labas.

Tiningnan ko nang mabuti 'yon at nakita ko nga ito na nakatayo sa harapan habang nagpapaulan.

"Anong trip niya sa buhay? Gusto niya bang mamatay tayo!?" Singhal ni Veena.

"Mag U-turn ka na lang, Zack." Suhestiyon ni Savannah.

"That's the problem. It's a one way road." Namomoblemang sabi nito kaya napabuntong-hininga ako.

"Bababa ako." Matigas kong sabi at umalma kaagad ang dalawa.

"Hindi pwede! Ano? Kapag lumuhod 'yan sa harapan mo, patatawarin mo agad?" Inis na sabi ni Veena.

"Veena, that's her decision. Hayaan mo na siya para matapos na 'to. She's strong." Pagtatanggol sa'kin ni Savannah kaya nginitian ko siya.

Hinarap ko siya Veena na nakasimangot lang. "Trust me, Veena. Kahit ngayon lang."

Sa huli ay pumayag na lang siya at wala nang nagawa pa. Bumaba ako ng kotse at sinalubong ang malakas na ulan.

"Zyreena! Please, let me explain!" Hiyaw ni Rhett kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

Marahan akong lumapit sa kaniya at nakita ko siyang nakaluhod sa gitna ng kalsada.

"Zyreena! Pakinggan mo naman ako. Huwag naman ganito." Hagulgol niya.

Napapaiyak na rin ako habang palapit nang palapit sa kaniya. Nang makarating ay dahan-dahan itong tumingala hanggang sa nagmamadaling niyakap ang aking hita.

"Zyreena! H-Huwag mo akong iwan, please. Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang mahal ko."

Humigpit ang yakap niya at parang ayaw na niya akong bitawan.

"U-Umayos ka nga. Ano tingin mo sa'kin? Bato? Hindi nasasaktan, ganoon ba?"

Marahas itong umiling. "Hindi... hindi ganoon, Z-Zy."

Napapikit ako nang mariin at sinalubong ang mga mata niya. Wala na itong suot na salamin kaya kitang-kita ko ang namamaga niyang mga mata dahil sa pag-iyak.

"Explain. Once na matapos ka na, I'll decide."

"I didn't know about that. Hindi ko alam na itutuloy nila, Zy. Ilang beses na akong huminde at tumanggi. Nagsasabi ako ng totoo."

"Pero no'ng una? Pumayag ka ba?" Nasasaktang tanong ko.

Natahimik siya at parang nagmamakaawa ang mga mata niya sa'kin. "Oo, pero hindi pa kita nakikilala noon. Until I met you, I decided na ihinto ang gusto ni Mommy."

"Then why you didn't tell me!? Bakit mo ako ginawang tanga? Bakit mo itinago sa'kin!?" Sigaw ko at mabilis siyang tumayo sabay inilagay ang kaniyang palad sa magkabilang pisngi ko.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon