Chapter 25
"Thank you for coming here tonight. Sorry for the inconvenience a while ago." Paghingi ng paumanhin ng Mommy ni Atlas.
"Naku po, okay lang po 'yon. Sanay naman na po ako sa gano'ng klaseng tao."
"That's why I like you! Just call me Tita Tatiana or Tattie para cute like Blythie."
Napahawak ako sa'king batok. "Tita Tatiana na lang po. Hindi po ata akma sa'kin na sabihin 'yong isang option."
Natawa ito. "Mukha nga. Anyways, hope you have a great day. Keep safe and see you again." Makahulugang sabi niya at binalingan si Rhett.
"I have to go na. May early meeting pa ako tomorrow so I should get an enough rest. Ingatan mo si Zyreena, oki."
"No need to remind me, Tita. Ingat po kayo sa pag-uwi."
Nagpaalam na kami sa kaniya bago lapitan sina Atlas at Constance.
"Hey, A. We're going home na." Bungad ni Rhett habang nakahawak sa'king beywang.
Nginisihan siya ni Atlas bago mag fist bump. "Ingat, R. Keep her safe always."
Inirapan ko si Atlas nang magtama ang mata namin dahil parang ang imposible kasi ng sinasabi niya.
Kaya ko naman ang sarili ko kaya baka baliktad ang mangyari at ako ang mag-keep ng safety ni Rhett.
"Ready yourself, asshole. I already talked with Zelenia. Good thing she's stable now and she's coming for your life." Ngisi ko.
Hindi nakatakas sa'king paningin ang biglang pamumutla niya sabay lunok habang napahawak sa braso niya si Constance.
"And for her baby sister, mag-uusap daw kayo pagkauwi niya. You should talk to her dahil hindi na kayo bata para maglihim sa iba. Face them and conquer your fear." Huling sabi ko bago kami umalis ni Rhett.
Ipinalibot ko ang aking paningin sa buong venue para sana hanapin ang Mommy ni Rhett na si Tita Felicia but I can't see her, maybe she already went home.
"Nakauwi na si Mommy kung siya ang hinahanap mo." Sagot ni Rhett sa tanong ko sa'king isipan.
Habang naglalakad papunta sa parking lot ay hindi ko mapigilang tanungin siya.
"What happened? Bakit pakiramdam ko ay hindi na against sa'tin ang Mommy mo?" Nagtatakang tanong ko na ikinatawa niya.
"Kung may nagbabagong tao sa paglipas ng panahon, isa na roon ang Mommy ko. She's not a perfect mother but she's the right one for me as my mother because she knows me too well than the others."
Nang makasakay sa kotse ay hinarap ko siya.
"Does it mean that we're now okay for her? Is she agree?" Hindi ko mapigilang hindi maging masaya sa'king tanong.
"What do you think? Oh, before I forgot, are you involved with something dangerous, Zy?" Seryosong tanong niya na ikinagulat ko.
Duh, iba kasi ang topic namin tapos ang bilis ma-shift sa'kin.
Napalunok ako sabay iwas ng tingin. "Paano mo naman nasabi?"
"Well, I knew that my cousins are doing some deadly stuffs because we never keep something and we always tell about our secrets." Sabi niya habang nagmamaneho.
Shit! Did they tell to him? It's against our policy!
"H-How did you know?" Usisa ko at pasimpleng nilingon siya.
Mabuti na lang ay abala ito kaya hindi nagtama ang aming mga mata. Mas lalo kasing madadagdagan ang kaba ko.
"Minsan kasi ay nadudulas sila kapag may pinag-uusapan kami especially si A. Madalas naman ay ako mismo ang humanap ng sagot. I have a lot of connections, Zy." Makahulugang sabi niya sabay baling ng tingin sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/319125833-288-k276110.jpg)