Chapter 26

10 2 0
                                    

Chapter 26

"Tandaan mo, huling papasok ang pole dancer and that's you. Sasayaw pa rin naman ang iba pero ikaw ang highlight sa gabing ito. You need to get their attention para makakilos ang iba mong kasamahan."

Napatulala ako kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"A-Ahm...okay po."

"Ayaw ko sa lahat 'yong pumapalpak. Ayusin mo dahil sa'yo nakasalalay ang buhay ng ibang kababaihan dito. Kung kinakailangan mong maghubad ay gawin mo. Kung gusto nila magpahawak, hayaan mo sila."

Hindi ko lang masigawan ang babaeng 'to na hindi kami binuhay para paglaruan ng mga malilibog na lalaki.

I don't know why these kinds of club are still existing knowing na against siya sa morale and kagustuhan ng ibang kababaihan na nais lamang ay magtrabaho.

Napakuyom ako ng kamao at pinananood siya habang nakatingin sa labas at inoobserbahan ang ibang babae na ngayon ay sumasayaw na.

Huminga ako nang malalim at nakinood na lang din. Mula sa'king pwesto ay nakita ko si X na sumasayaw at alam kong kahit na anong pilit niyang itago ang emosyon niya ay nananatili ang galit at poot nito sa kaniyang puso.

Ang kaniyang mga mata pa lang ay ebidensya na. Kung ang iba ay hindi nakikita 'yon, iba ako.

Hindi rin naman nagtagal ang aking paghihintay nang marinig ko ang aking pekeng pangalan.

"Let's welcome the highlight in this evening, Ms. Fiona Grey Briones." Anunsiyo ng mcee.

Sinenyasan ako no'ng babae kaya huminga muna ako nang malalim sabay yuko habang nakapikit nang mariin bago iangat ang ulo at lumabas mula sa gitna.

Pagkalabas ko palang ay sigawan agad ang bumungad at nakatapat sa'kin ang ilaw.

Medyo nasisilaw man ay hinayaan ko na lang at hinintay ang hudyat ng tugtog.

Oh, yeah
Don't need permission
Made my decision to test my limits

Marahan akong naglakad at nilambutan ko ang bawat kilos ko habang pumupunta sa pole. Humawak ako roon at umikot sabay tingin sa nasa harapan.

'Cause it's my business
God as my witness
Start what I finished

Biglang pumasok sa'king isipan ang huling meeting namin kasama ang grupo nina X.

Don't need no hold up
Taking control of this kind of moment
I'm locked and loaded
Completely focused my mind is open

"Really? We'll just go to dance the whole night?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Major.

Tinanguan niya ako. "Yes, while doing your mission."

"Then what's my job?" Sabay sandal sa upuan.

"Once you see the man in this picture, you're going to attract him through sexy dance." Iniabot niya sa'min ang larawan ng lalaki.

Hindi naman masyadong matanda ito at kung tutuusin ay mukhang mas matanda ito ng ilang taon.

"Ako lang?" Usisa ko.

Matagal sumagot si Major kaya tiningala ko siya at bigla akong kinabahan dahil sa kakaibang ngisi niya sa'kin.

"You'll see later."

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon