Chapter 18
Tristan's POV
It's so painful for me to see Zyreena on how she closed her eyes in my arms. Every seconds and minutes, it felt nothing to me because the moment I saw her closed eyes, my world shut down as well.
"Kuya!" Rinig kong sigaw ni Atlas at nagkukumahog na nilapitan ako.
"I said don't close your eyes, you're still hard-headed, woman." Sabi ko at binuhat siya.
"Kuya! Dalhin na natin sa hospital!" Natatarantang sabi ni Atlas.
I have no choice even though we have rules, Zyreena's life is more important to us.
"Let's go. Ikaw na bahala kay Savannah." Seryosong sabi ko sa kaniya.
Tinanguan niya ako at nahuli ko ang mga mata niya na nilingon si Zyreena habang may namumuong luha roon.
"Mabuhay ka, Zyreena. Hindi mo pa sinasabi sa'kin kung sino ang gago na nagpaiyak sa'yo!"
Napailing na lang ako at nilagpasan sila. Binilisan ko ang aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa kotse. Kaagad kong pinaandar 'yon nang mabilis hanggang sa makarating ako sa pinakamalapit na hospital.
What happened should be reported to police especially to my uncle since this was not our case.
Binuhat ko kaagad si Zyreena na halatang namumutla na dahil sa pagkawala ng maraming dugo sa kaniya. Pagkabungad ko palang ay may sumalubong na sa'min.
Gulat ang mga naroon pero mabuti na lang ay naging professional sila at inasikaso kaagad kami. Dinala sa emergency room si Zyreena at natigilan ako nang makita ko ang aking kinaiinisan.
R's mother.
Hinayaan ko na dalhin nila si Zyreena at matapang akong humarap kay Tita Felicia.
Nakaawang ang kaniyang labi habang sinusundan ng kaniyang mga mata ang katawan ni Zyreena.
"W-What happened?" Gulat niyang tanong.
Sarkastiko akong natawan. "You should be happy, Tita. The woman that you want to disappear is now fighting for her life." Nagtagis ang aking bagang.
Matalim niya akong tinignan. "I'm not that heartless person, Tristan."
"Yeah, you're not. Pero kaya mong manira ng ibang tao. Not physically but mentally and emotionally. Is that how you want to succeed your plan?"
"If that's the only way to continue what we have been used to, I will." Walang emosyong sabi niya.
"I'm sorry to say this but you're pathetic. Bakit kailangan pagdaanan ni R ang pinagdaanan mo? Alam mo sa sarili mo kung ano ang naging resulta no'n, gusto mo rin ba na mangyari kay R 'yon?" Diretsang tanong ko at natahimik siya.
"I hope you're now satisfied, Tita Felicia. Kahit ganiyan ang ginawa mo, I still have respect with you. After all, you're R's mother." Iniwan ko siya at sumunod sa ER.
Ilang minuto palang ako nakaupo ay napatayo agad ako nang makita ko si Tita Felicia na nakapang-scrubs at huminto pa siya sa harapan ko.
"I will save her." Malamig niyang sabi.
"Why? Pwede naman ang iba."
"I'm the best option for this, Tristan. Your friend is in danger."
Napalunok ako at napayuko. "Save her. And she's not only my friend..." Tiningala ko siya at hindi maiwasang maging emosyonal. "...she's like a sister to me."
Natigilan siya pero sa huli ay tinanguan niya ako bago pumasok at nag-umpisa na ang operasyon.
Ilang oras akong nakaupo hanggang sa sumunod sina Atlas, even Zelenia's here.