Chapter 11

9 2 0
                                    

Chapter 11

Our campus event started as we prepared the stage's design and also treated the band that would be the performer for this day.

"Hey guys, sure bang okay lang kayo? Maya-maya pa naman magbubukas itong field para sa music concert." Rinig kong sabi ni Savannah.

Kami kasi ang nakatoka para i-entertain ang banda na nakuha ng mga kaklase ko.

"We're good. Actually it's so fun here, this is our first time performing inside the school." Sabi no'ng isang lalaki na matangkad at mukhang friendly ito.

"I agree. Especially you're here, it gives me more inspiration." Sabay kindat sa kaibigan ko. "I'm Skyler." Pakilala niya at pansin ko ang kaniyang dimple na bumagay sa kaniya.

"Ihh, ako si Savannah." Kinikilig nitong sabi kaya napairap ako.

"Ako naman! I'm Terenz, you future bebe." Makapal ang kilay nito at maputi rin tulad ng katabi ko.

"Hey, you two, baka mamaya ay mag-away na naman kayo." Suway no'ng unang nagsalita sa kanila.

"Papansin ka naman, El." Umasim ang itsura ni Skyler kaya napangisi ito.

Dumako naman ang tingin ko sa katabi nila na kanina pa tahimik. Paniguradong mapapanis ang laway niya kung hindi man lang siya magsasalita.

"Someone caught your attention, Miss? He's Bleimon, ganiyan talaga 'yan ever since na makasama namin." Sabi ni Terenz kaya napatango ako.

"This is my friend, Zyreena. Kaso hindi na available, eh. Ako, free na free, baka gusto niyong i-mine? Free shipping pa." Humagikgik pa siya kaya naiirita akong nilingon siya.

Siniko ko pa nga siya. "Umayos ka nga, ang harot mo, ha."

Sinamaan niya lang ako ng tingin bago bumalik ang paningin sa bandang kausap niya. Hindi na lang ako umimik dahil hindi ko na rin naman siya mapipigilan sa gusto niya.

Nagpaalam ako sa kanila na may gagawin kaya umalis muna ako roon. Habang naglalakad ay nakita ko kaagad si Rhett na nakatalikod sa'kin at mukhang may katawagan.

Marahan ko siyang nilapitan at hindi sinasadyang mapakinggan ang usapan nila. "No, Mom. I declined and I have no plans. I'll continue on dating her, walang makakapigil sa gusto ko."

Halata sa boses niya ang pagpipigil at nakita kong inayos niya nang maigi ang kaniyang salamin sabay hilot sa sentido niya.

"Hey," Sabi ko at napaigtad ito sa gulat kaya medyo natawa ako.

"You, huwag mo nga akong ginugulat nang ganoon." Reklamo niya kaya napangiti ako sabay yakap sa kaniyang braso.

Kitang-kita ko ang paglaki ng kaniyang mga mata kaya mas lalo akong nasiyahan sa reaksyon niya.

"Kinikilig na naman po si Mr. Celeste." Pang-aasar ko.

Napatikhim siya. "Hindi 'no." Pagtanggi niya.

Hindi naman masakit since namumula pa rin siya kaya alam kong nahihiya lang siyang aminin ang totoo.

"Sus, eh bakit namumula 'yang tainga mo?" Sabay nguso roon.

Kaagad niyang tinakpan ang isang tainga niya kaso nakikita ko pa rin ang kabila kaya natataranta siya kung ano ang uunahin. Yakap ko kasi ang isang braso niya kaya hindi niya magawang itago 'yon sa'kin.

"Stop it," Suway niya.

"Okay, fine." Natatawang sabi ko.

Natahimik kaming dalawa bago niya basagin 'yon. "What time mag-start ang music concert ninyo?" Usisa niya.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon