Chapter 9

11 2 0
                                    

Chapter 9

Walang pasok ngayon kaya nakaupo lang ako sa sala habang kumakain ng binili ni Nanay na meryenda.

"Isang dalagita ang natagpuang patay malapit sa isang university. Pinaghihinalaan din na ginahasa ito bago patayin sa isang liblib na lugar."

Nabitin ang pagkagat ko nang marinig ko 'yon at mariing pinanood ang balita.

Malapit sa university?

Bigla kong naalala 'yong mga lalaki na huling nakita ko nakaraan. Napalunok ako at nag-focus doon hanggang sa tabihan ako ni Nanay.

"Naku naman, may bago na namang biktima." Naaawang sabi niya.

"Bago? Pang-ilan na po ba 'yan, 'Nay?" Usisa ko kaya nilingon niya ako.

"Last month pa nagsimula 'yan, Zyreena. Siguro higit na sa sampo ang case na may ganiyan." Sabi niya.

Palagi kasing nanonood si Nanay ng balita kaya hindi na ako magtataka kung palagi siyang updated.

"May suspek na raw po ba?"

Kumunot ang kaniyang noo. "Bakit? Kailan ka pa naging interesado about dito?"

Tinuloy ko ang aking pagkain. "Si Nanay naman, oh. Aba syempre, kailangan alam ko dahil mahirap na. Tignan mo, malapit sa university."

Tinignan niya 'yon at napasinghap. "Hala, jusko naman po. Mga walang puso ang mga lalaking gumawa niyan!" Galit niyang sabi.

Hinawakan ko siya sa braso para pakalmahin. "Kaya po ikaw, 'Nay. Mag-iingat ka po palagi lalo na kapag ginagabi ka sa pag-uwi."

Nagsalubong ang kaniyang kilay at hindi mapaniwalang tinignan ako. "Ako pa talaga ang sinasabihan mo niyan? Ikaw ang dapat mag-ingat!"

Natawa ako. "Syempre naman, may asim ka pa po Nanay, eh."

Halos malukot ang mukha ni Nanay at kinurot ako sa tagiliran.

"Jusko kang bata ka! Hindi ko alam kung saan ako ma i-stress, eh. Kung sa balita ba o sa'yo." Napahilot siya sa kaniyang sentido kaya nilambing ko.

Niyakap ko siya sa beywang at pilit na sumiksik doon kaya napataas siya ng braso bago ilapat 'yon sa'king buhok.

"Mag-iingat po ako, Nanay. Pangako ko po 'yan sa inyo." Sinserong sabi ko kaya natahimik siya.

Narinig ko ang pagbuga niya sa hangin bago haplusin ang aking buhok. "Kahit ganiyan ka at hindi na kita kayang ibalik sa sinapupunan ko, pagtiya-tiyagaan na lang kita. Anong magagawa ko? Siraulo ang anak ko at inunahan pa ako ng Tatay mo."

"Nanay naman, eh! Iyon ang destiny ni Tatay. Alangan naman pati ikaw mawala, hindi ko po kakayanin." Nalungkot ako.

Humigpit ang pagyakap ko sa kaniya. "Alam ko, Zyreena. Kaya nga sobrang proud ako dahil may matapang akong anak. Hindi ka katulad ko na sobrang hina."

"Nanay naman. Malakas ka po, strong ganoon. Nagawa po mong itaguyod ako kaya tignan mo, may Business Ad kang anak. Maganda na, sexy pa!" Pagmamalaki ko kaya natawa si Nanay.

"Syempre, kanino ka pa ba magmamana? Edi sa'kin!"

"Kaya nga po, eh. Hindi nga lang sintalino nina Veena."

Humiwalay siya sa'kin at matalim akong tinignan. "Sinasabi mo bang bobo ang pamilya natin?"

"Wala po akong sinabi, 'Nay. Hindi lang ka-level nina Veena, kumbaga nasa ibaba ako. At saka ako lang po, bakit niyo dinadamay ang sarili mo?"

Hindi ako pinansin ni Nanay at iniwan ako sala kaya natawa ako. Happy pill ko talaga 'tong si Nanay.

Tahimik akong naglalakad papunta sa school nang biglang may tumutok sa tagiliran ko. Hindi ko alam kung bakit itinaas ko ang aking dalawang kamay pero siguro dala na rin 'yon ng takot.

Caused And CuredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon