Kabanata 1

11.3K 220 8
                                    


Disclaimer:

This is a work of fiction. Names,
Characters, businesses, places,
events, locales and incident are
either the products of author's
imagination or use in a fictitious
manner. Any resemblance to actual
persons, leaving or dead, or even
events is purely coincidental.

This story may contains sensitive or
mature themes that are not suitable
for children.

And please be advised that this story may have typos, wrong spelled words.

READ AT YOUR OWN RISK



Kabanata 1

"Ikaw prinsesa Sera ng Hera Kingdom ay pinarurusahan ng hukumang ito sa pagkakasala na pakikianib sa kalaban at pagmamalipusta ng mga taong walang sala" iyan ang basa ko sa librong binabasa ko.

"Kinasusuklaman kita!, kung alam ko lang kung alam ko lang na ikaw ang magbibigay ng kamalasan sa kahirang ito ay hindi na sana kita kinuha sa sa puder ng masama mong ina!" Basa kong sinabi ng Hari sa kanyang anak na si Princess Sera na syang kontrabida dito sa binabasa kong libro.

"Wala kayong alam sa nararamdaman ko, bakit pa pilit nyong sinasabing umanib ako kay ina!?, Tulad mo ay kinasusuklaman ko rin sya dahil binigay nya ako sa walang pusong kagaya mo! buong buhay ko ay hindi nyo man lang ako tinaponan ng maski kaunting pagmamahal, anak nyo rin ako pero hindi ko naranasang sumaya man lang sa puder mo....lumaki ako dito, kasama ka pero hindi ko maramdaman...kung ito talaga ang parusang ginusto ninyo para saaakinn ay malugod kung tatanggapin...pagod narin naman ako"

Habang pahaba ng pahaba ang binabasa ko ay unti-unti ring nawala ang galit ko sa kontrabidang prinsesa dahil alam ko ang sakit na nararamdaman nya. Mabigat.

Nakita ko itong libro sa aparador ni Lola at kakaiba ang balat nito parang masyadong maganda kesa sa ibang libro na nakikita ko. Kakaiba din at hindi pamilyar ang sumulat nito

Bellissima

Iyon ang lagda ng author dito sa libro. May mga alikabok na rin ito ng makita ko pero binasa ko pa rin at nalilibang naman ako.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Narinig naman ako ng kalabog sa kwarto kaya napabangon ako. Nakapikit pa rin ako habang kinakapa ang kulungan ng aso ko dahil baka nagugutom na ito sa tabi ng aking kama ngunit wala akong makapa kaya tumayo ako.

Nadapa naman ako ng may masagi akong bangko. Wala namang bangko sa kwarto ko. Minulat ko ang mga mata ko at nagulat ako sa nakita ko.

Napakalaking kwarto, maganda, may malaking kama. Hindi ito ang kwarto ko.

"N-nasan ako?"
tanong ko habang minamasid pa rin ang buong kwarto.

Pumasok ako sa banyo at nagulat ako ng makitang magparehas kami ng muka pero mas maganda itong nasa harap ko ngayon. Pinagsasampal ko pa ang sarili ko para magising sa panaginip na ito pero walang nangyayari.

"Prinsesa Sera gising ka na pala"
Nagulat ako ng may babaeng lumapit saakin.

"A-anong itinawag mo sakin?"
tanong ko dahil baka namali lang ako ng rinig.

"Prinsesa Sera po Seraphine po ang pangalan nyo bakit po umaakto kayo ng ganyan?" Takang sabi nya kaya lalong nanlaki ang mga mata ko.

S-sera??...Nasa katawan ako ni Sera?..paano?

"Nako prinsesa magbihis na po kayo magalit nanaman ang Hari kapag nahuli kayo" napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

Binihisan nila ako ng Isang magarbong damit na medyo mabigat para saakin dahil hindi ako sanay magsuot ng ganito.

"Greetings to Princess Sera"
Sabi ng kawal ng ideklara ang pagdating ko.

Binuksan nila ang malaking pinto at bumungad saakin at mahabang hapag kainan na puro pagkain. Sa dulo ng hapag ay nakaupo ang Hari sa katabi naman nito ay ang Reyna parehas nila akong tinitigan ng masama.

"M-magandang araw po" sabi ko na lang at naupo sa upuang malayo sa kanila.

Napansin ko rin na nandito rin ang mga Royalties. Ganon din ang titig na binibigay nila saakin kaya napayuko ako.

"Nabalitaan ko ang ginawa mong pananakit sa prinsesa ng Fira Kingdom hindi ko na matiis ang kasamaan ng ugali ko kaya ipapadala kita sa lugar ng iyong Ina" matigas na sabi ng Hari.

Nabasa ko sa libro na masama ang Ina ni Sera at mapapahamak sya kapag dinala sya doon dahil maari syang gamiting kasangkapan ng Ina sa binabalak nitong kasamaan.

"Paumanhin po ngunit ayaw ko pong pumunta sa lugar nya dito lang po ako sa inyo, ayaw ko na pong bumalik doon kapalit po ay pinapangako ko na hindi na ako gagawa ng ano mang gulo dito sa loob at labas ng kaharian"
sabi ko at halata namang nagulat sila dahil kung ang totoong Sera ito ay sigawan nya lang Ang Hari.

"Stop with your bullsh*t acting Sera I had enough! I will throw back to that sh*t woman! doon ka bagay dahil parehas kayo!" galit na sigaw ng kapatid ni Sera na si Prince Yros ang susunod na hari ng Hera Kingdom.

"Anak huminahon ka, wag mo syang sigawan, maniwala ka ngayon sa kapatid mo.." sabi ng Reyna ngunit wala pa rin itong emosyon na humarao saakin.

"She's not my sister anymore mom, What if this is another plan of hers?!"
Pagdududa nya.

Naiintihan ko ang galit nya dahil sinaktan ni Sera si Princess Mia. Ito ang female lead dito at Ang Isa sa male lead ay si Prince Rizen at ang Kuya nya.

"Anak...pagkatiwalaan nyo muna sya Ngayon kapag ginawa nya pa ulit ang mga masasang gawain nya ay ako mismo ang magdadala sa kanya sa lugar na iyon" seryosong sabi ng Reyna. Malambing sya pagdating sa tunay nyang mga anak pero pagdating sakain ay sobrang tigas nya lalo na ang Hari.

"But she hurt Mia!"
Sigaw naman ni Prince Rizen na tumingin saakin ng napakasama. Ito Ang lalaking iniibig ni Sera at ito rin ang dahilan ng laging kapahamakan nya.

Nakita ko naman si Princess Mia na nakayuko lamang. Alam kong ayaw nya ang nangyayari at Wala syang balak isumbong ang pananakit ni Sera sa kanya ngunit nasaksihan ito ni Princess Gail na matalik nyang kaibigan kaya agad itong sinumbong.

Tumayo ako at nagbow sa kanilang lahat. Narinig ko naman ang labis na pagkagulat nila.

"Humihingi ako ng tawad sa mga nagawa lalo na sayo Princess Mia nangangako ako hindi na ako gagawa ng gulo, wag nyo lang akong ibalik sa kanya" hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Kusa nalang tumulo ito ng hindi ko nalalaman.

Nakita kong napaiwas ng tingin ang Hari ng makita ang pagtulo ng luha ko.

"I won't let you pass after what you did to Mia, Mark my word" matigas na sabi ni Prince Rizen at binangga pa ang balikat ko bago umalis.

Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ang umagahan na iyon. Napakabigat ng tingin nila saakin para silang liyon na aatakihin ako.

Naiintindihan ko ang totong Sera. Marahil ay gusto nya lang din na mahalin sya dahil galing sya sa mapait na nakaraan sa lugar ng kanyang ina. Akala nya ay magiging masaya sya ng makuha sya ng kanyang ama ngunit mas matindi pa pala.

____________________________________

:)

Reincarnated To The Body Of The Hated PrincessWhere stories live. Discover now