Kabanata 3
Sera/ Pien P.O.V
Unti-unting kong minulat ang mga mata ko. Hindi ko pa maigalaw ang katawan ko. Nanghihina pa rin ako. Akala ko mamatay na ako 'yung lason kasi parang sinasakop 'yung puso ko.
Dahan-dahan akong tumatayo para makaupo man lang pero wala talaga akong lakas.
"Princess Sera!"
Mabuti na lang at nakita agad ako ni Heldi. Tinulungan nya akong makaupo. Hindi ko muna ibinuka Ang bibig ko dahil wala talaga akong lakas para magsalita.
"A-ayos ka lang ba?, Gusto mo tawagin ko 'yung manggamot?" Umiling na lang ako. Umalis muna si Heldi para sabihin daw na gising na ako.
Maya-maya ay bumukas ang pinto at niluwa noon si Elie na agad na tumakbo at niyakap ako kasama nya ang Hari at Reyna ganon din ang Royalties.
"Ayos ka na ba?! May masakit ba sayo?!" Naluluha agad na tanong ni Elie kaya napahagikhik ako ng mahina at pilit na itinaas ang kamay para haplosin ang buhok nya.
"Nanginginig ka pa oh"
Sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
Napalingon naman ako kay Ama. Umiwas sya ng tingin ng magtama ang mga mata namin. Ayaw nya pa rin sakin."Don't do that again Sera, you almost died!" matigas na sabi ni Kuya Yros.
"Wag nyo muna syang pagsalitain, masyado pa syang mahina anak" Sabi ng Reyna na pinagpapasalamat ko ayaw ko munang makarinig ng sermon nila.
Kung may masamang mangyayari man na maari kong pigilan ay gagawin ko para kay Sera. Para kung makabalik man sya ay maayos na ang lagay nya sa pamilya nya kung makakabalik...sana.
"Wag ka munang magsalita, ito prutas kumain ka para magkalakas ka" sabi ni Gail. Tumango na lang ako at kinuha ang prutas na ibinigay nya. Nanghihina pa ako sa balat nito. Nagulat ako ng kuhain ni Rizen ito at sya na ang nagbalat.
"Salamat..."
Mahina kong sabi at sinubo ang prutas. Si Mia naman ay naghihiwa ng mansanas."Wag muna ulit gagawin ito, kahit galit ako sayo ay hindi ko gugustohing maglibing ng anak" seryosong sabi ng Hari. Napatulala naman ako. Kahit papaano pala ay may pagmamalasakit pa din sya sa anak nya. Kung ayaw nya akong mamatay bakit nya ako ipapadala sa lugar ni Ina.
Maya-maya pa ay umalis na ang Hari at Reyna mga Royalties na lang Ang nandito. Naglilikot pa sila. Si Nathan na tinatry 'yung mga gowns ko sa closet. Si Wade na pinipigalan si Nathan. Si Aeron na nagtry ng mga alahas ko. Si Aiden na binubuklat mga libro ko sa shelves.
"Huy tumigil nga kayo sa pangingialam ng gamit ni Sera, tsaka Nathan tigilan mo yan" pagsaway ni Mia sa kanila. Sila kasi ang pinakamalikot.
"Bagay ba?" Hindi pinansin ni Nathan ang pagsaway sa kanya ni Mia at lumapit pa talaga ito para tanongin
kong bagay ba sakanya 'yung scarf."Alam mo kung anong bagay sayo?"
Asar na tanong ni Kuya Yros. Nilapitan nya si Nathan at pinulupot sa leeg nya 'yung scarf kaya napaubo si Nathan."Nakikita mo 'yun? Doon kita ihuhulog at ibibitin kita kapag hindi ka tumigil" tinuro ni Kuya Yros 'yung terrace sa kwarto na. Napatawa naman sila. Umayos na lang ng tayo si Nathan at nakangusong umupo katabi si Aiden na binabasa na 'yung libro ko.
"Buti nga" parinig ni Wade na malapit ng mapaos sa kakasaway kay Nathan.
"Don't know that you had so many good books here, Can I barrow this?" Tanong ni Aiden saakin at tinaas ang libro na hawak nya. Tumango na lang ako at sinubo ang prutas na sinusubo saakin ni Rizen. Sya na daw kasi wala pa akong lakas. Maski nga ngumuya nahihirapan pa ako. Siguro naguguilty itong lalaking ito.
YOU ARE READING
Reincarnated To The Body Of The Hated Princess
RomanceSi Ivelisse ay isa lamang simpleng babae na magisa na sa buhay at ang kasama na lang nyang natitira ay ang kanyang lola. Nabago ang lahat ng may makita syang lumang libro sa aparador ng lola nya at nagising na lamang siya na wala na sya sa kanyang t...