Kabanata 4
Magaling na ako at bumalik na rin ang lakas ko. Bumibisita rin saakin Minsan si Qin. Naiinis lang ako dahil laging nasa kwarto ko si Rizen. Ginagawa nyang tambayan 'yung kwarto ko.
Ngayon ay ginugulo nya ako sa paggawa ng pabango ibibigay ko ito kay Qin pasasalamat dahil nagdala sya lagi ng prutas para saakin.
"It does not have smell"
Sabi naman ni Rizen habang inaamoy 'yung Sakura."Wala talaga yang amoy"
Mahinang sabi ko at nagpatuloy sa paggawa ng pabango."Then why does it smells so good in your perfume?" Takang tanong nya at nagspray pa ng perfume na Sakura flavor.
"Kasi Wala pa syang ibang artificial na nilagay Wala talaga 'yang amoy pag Sakura lang" paliwanag ko para naman syang batang tumango. Teka kailan pa kami naging ganito kacivil magusap. Hays ewan.
"It does smell good, para kanino naman ito?" Tanong nya at ipinakita saakin ang Isang bote.
"Para kay Qin"
Sumeryoso naman sya at binaba ang bote."Mabaho pala.."
Sabi nya kaya napatawa ako ng mahina."May Isa pa dyang bote para sayo 'yun" sabi ko naman kaya napalingon sya saakin. Tinuro nya ang katabi noong binaba nyang bote kaya tumango ako. Panlalaki naman ang amoy noon. Nagulat ako ng kulang na lang ay iligo nya 'yung pabango.
"I'm also taking this one" sabi nya at tinuro ang Isang bote ng amoy sweet vanilla Ang flavor. Paborto ko iyon.
Maybe ibibigay nya kay Mia."Oo naman, ibibigay mo ba kay Mia yan?" Tanong ko. Napakunot ang noo nya at sinuri pa ang muka ko.
"No, I will spray it to my bedroom.."
Sabi nya kaya napakunot ang noo ko."Bakit?"
Taka kong tanong. Lumapit naman sya saakin kaya nakaramdam ako ng pagkailang ng tumitig sya saakin."Because I want my bedroom to smell just like you...I'm kinda addicted to your smell and it makes me fall asleep fast so thanks for this" nakatulala lang ako habang sya naman ay kanina pa nakaalis. Kumurap ako ng tatlong beses at hinawakan ang pisnge kong namumula. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa.
"Dad no, hindi namin isasama si Sera"
Matigas na sabi ni Kuya Yros. Balak kasi akong isama ng Hari sa kanila papuntang Yenzon malapit ito sa Bezon Kingdom kaya alam kong mapanganib."Isama nyo sya hindi pwedeng habang buhay lang syang magtatago dito, kailangan nyang matuto"
Seryoso ring sabi ng Hari. Napalunok na lang ako dahil nakakatakot talaga silang dalawa. Si Jazen naman ay inosente lang na nakatingin sa kanila. Hindi ito madalas nagsasalita kaya laging tahimik."Sagabal lang sya! ayokong pumalpak 'yung plano namin dahil sa kanya!"
dinuro pa ako ni kuya kaya napayuko ako. Edi wag mo akong isama mas gugustohin ko pang nandito."Anak makikipagusap lang kayo sa Hari ng Yenzon walang mangyayaring masama, my decision is final you will all leave in midnight be ready and tell this to others" seryosong sabi ni Ama at umalis na kasama si Heneral Qin. Napasabunot naman si Kuya sa buhok nya at padabog na umalis din. Pch.
Sumapit ang midnight at naghanda na ako. Sinampay ko ang Pana sa likodan ko. Iyon lang kasi ang binigay ni Kuya.
"Bakit nandito yan?"
Tanong ni Aiden at tinuro ako. Nandito na kaming lahat sa labas."Dad's order, Ikaw wag kang lalayo saamin, sa likod ka lang, wag kang gagawa ng kahit ano, maging alerto ko sa lahat at wag kang makulit" Ang dami pang sinabi ni Kuya.
Maya-maya pa ay may pamilyar akong naamoy napalingon ako at nakita ko Rizen. Amoy ko ang ginawa kong pabango. Tumingin sya saakin at tinaasan ako ng kilay kaya palihim akong umirap.
YOU ARE READING
Reincarnated To The Body Of The Hated Princess
RomantikSi Ivelisse ay isa lamang simpleng babae na magisa na sa buhay at ang kasama na lang nyang natitira ay ang kanyang lola. Nabago ang lahat ng may makita syang lumang libro sa aparador ng lola nya at nagising na lamang siya na wala na sya sa kanyang t...