Kabanata 12

3.1K 111 1
                                    

Kabanata 12

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin saakin kung sino si Silasty. Hindi ko muna ito sasabihin sa iba kasi baka mali ang hinala ko.

"May nararamdaman ako"
Biglang sabi ni Nathan. Magkasama kasi kaming lahat ngayon pilit naming pinapaamin yung babae pero tikom talaga ang bibig nya.

"Anong nararamdaman mo?"
Tanong ni Aya at lumapit sa kanya.
Seryoso ang muka ni Nathan.

"Nakakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya dyan muna kayo ilalabas ko lang 'to" napailing na lang ako at naniniwala na ako na hindi na talaga kayang magseryoso ni Nathan.

"Kaya pala ang baho"
Pahabol na banat ni Prince Wade Kay Nathan.

"Syempre katabi mo si Aiden eh"
Sabi naman ni Aeron kaya sinamaan sya ng tingin ni Aiden na kanina pa tahimik na nagbabasa.

"Seryoso pinaguusapan natin dito"
Saway sa kanila ni Rizen.

"Sabi ni Reyna Hera, hindi lang yung babae ang may kasalanan may naguutos sa kanya at Ang tanging paraan lamang para malaman kung sino talaga ang may gawa is paaminin 'yung babae" sabi ni Sage.

"Ayaw nya nga eh papatayin daw pamilya nya pagnagsalita sya" sabi ni Princess Elie.

"Edi alamin natin kung sino 'yung pamilya tinutukoy nya para madala sa mas ligtas na lugar at kung maassure na natin na ligtas na pamilya nya baka magsalita na sya" suhestyon ni Gail. Tama sya kaya sumangayon kami.

"That's a smart idea, sana hindi lang tayo maunahan" sabi naman ni Sage.

Kumilos na kami agad at nagpunta sa pamilya 'nong babae ngayon naiintindihan ko na. Ang Lolo at Lola at dalawang bata ang nandito bakas din ang takot sa mga muka nila ng mkita kami. Naiintindihan ko na kung bakit ayaw nyang magsalita.

"Wag po kayong magalala hindi po namin kayo sasaktan" magalang kong sabi at lumapit sa kanila.

"Nandito po kami para itakas kayo, nanganganib ang buhay nyo, dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar" sabi naman ni Princess Mia.

"P-pero ang anak ko? Hindi pa sya bumabalik dito, hindi kami aalis kapag hindi namin sya kasama" Sabi ng ginang bakas din ang pagaalala sa muka nya.

"Nasa ligtas din po syang lugar kapag naitakas na po namin kayo dito magkakasam na po kayo" sabi ko naman. Nagkatinginan muna si Lolo at Lola at tumingin doon sa dalawang batang umiiyak bago tumango.

Sinakay namin sila sa kabayo at nasa akin ang isang batang babae 'kay Rizen naman ay yung batang babae.
Pinagsuot namin nila ng kapa at sinuot ang hood sa mga ulo nito.

"Dalhin natin sila sa Sairin Kingdom mas ligtas doon kesa sa Hera Kingdom" Sambit ni Rizen. Sumangayon naman kami lahat at pinatakbo ng mabilis ang kabayo.

Nagmadali na kami at nagulat kami ng may humarang saamin. Nakakabayo din sila at nakasuot ng mga itim. May takip sa mga muka nila.

"Ibigay nyo na samin ang mga iyan para hindi na kayo masaktan!" Sigaw 'nong isa. Hindi pamilyar ang boses niya kaya hindi ko masiguro kung taga palasyo ba ito.

"Hindi kami tanga para ibigay sila sainyo!" seryosong sabi naman ni Gail. Katabi nya si Aya na naghahanda na rin ng kanyang Pana ngunit patago.

"Idadamay na rin namin kayong patayin, alam nyo masyado na kayong maraming nalalaman, masyado na kayong maraming nahahalungkat kaya bago nyo malaman lahat ng 'yun ay papatayin na rin naman kayo kaya ibigay nyo na ang mga iyan saamin!"

Napalingon ako kila Kuya Yros. Seryoso lang sila na akala mo'y hindi nasisindak sa sinabi. Si Elie at Aya naman ay natatakot na ngayon.

"Sabog ka ba!? Hindi kami tanga para ibigay sila sa inyo!" Maangas na sabi ni Nathan. Ramdam ko rin ang takot na nasa mga bata. Matotrauma sila pagnagkataon at kawawa naman sila.

Magsalita na sana 'yung leader ng magulat kami ng may tumamang Pana sapol sa noo nito kaya aalarma ang mga kasamahan nito at doon na kami kumuha ng tyempo para tumakbo. Nakita namin si Sage nasa harap na namin nakasakay rin sa kabayo. Sya 'yung pumunta 'don sa leader.

"Ho! Sage bro I love you!"
Sigaw naman ni Nathan kaya natawa ang iba.

______________________________________

love you daw Sage sabi ni Nathan baka sila rin sa huli hahahaha

Reincarnated To The Body Of The Hated PrincessWhere stories live. Discover now