Kabanata 11
Bumama kami at nagbukas naman ng lampara si Qin ng may makapa sya sa gilid. Muntik pa akong makaapak ng bubog. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. May mga sapot na rin ng gagamba mukang luma ang mga gamit.
"Sa tagal ko na rito ngayon ko lang nalaman na may ganitong lugar pala dito sa palasyo" bulong ni Wade.
Tumingin ako doon sa mga libro. Mukang luma na rin 'yung mga libro. Kumuha ako ng Isa at binuklat ito.
"Mga mapa ito ng Hera Kingdom ah"
Sabay ko kaya lumapit sila saakin.
Nakita ko sa libro ang buong mapa ng Hera Kingdom."This books are the map of all Kingdom" sabi ni Rizen at tinuro ang iba pang mga libro. Bakit may mga mapa dito ng mga kaharian.
"Looks like there's someone been here before us" Seryosong sabi ni Rizen ng makita ang Isang lampara din na nakapatong sa lamesa. Mainit-init pa ito kaya hindi namin mahawakan Ang bugbog nito. Mukang may nakapunta na dito bukod samin. Alam kaya ito ni Ama na may ganitong lugar dito.
"Mukang dito sya naghihide-out" sabi naman ni Wade at pinakita samin ang mapa ng Sairin Kingdom na may mga Marka. Sairin Kingdom ay ang kaharian nila Rizen.
"Lahat ng may markang ay ang mga lugar ng may kaso ng mga nawawala"
Nabigla naman ako sa sinabi ni Rizen. Kung ganon ay talagang pinagplanoha ito."Atleast ngayon kumpirmado na natin na nandito sa palasyo ang taksil"
Lumabas kami sa lugar na iyon at sinabi kay ama ang mga nakita namin. Agad naman silang sumama saakin pati na rin ang grupo nila Kuya At Aiden.
"Hindi ko alam na may ganitong lugar dito sa palasyo" sabi ni Ama at nilibot ang tingin.
"Sandali!"
Lumakad ako papalapit sa mga libro."Wala na yung mga mapa na nasa libro!, Wala na rin yung mapa ng Sairin Kingdom na may mga Marka"
Sabi ko. Siguro ay naipuslit na ito para hindi makita ng iba. Malas nya kasi nakita namin."Ang bilis naman nya, kaalis lang natin" sabi naman ni Wade.
"Heneral Kin, ipasara ang lahat pwedeng labasan, huwag magpapasok at magpapalabas, tiponin ang lahat sa may bulwagan" seryosong sabi ni Ama na agad na sinunod ni Heneral Kin.
Nagtungo kaming lahat sa bulwagan.
Maraming mga dama at kawal ang nagtipon. Mga opisyal kahit ang mga may katungkulan ay tinipon lahat."Walang gagalaw sa lahat mga pwesto nyo, May mga pinagkakatiwalaan akong mga tauhan dito at sila ang tigingin sa mga silid ninyo, May nakita kaming sekretong kwarto at may nakita silang mga mapa ng mga kaharian na may mga Marka kung saan naganap ang mga kaso ng pagkawala ng maraming mamayan, kung sa inyo ang matagpuan ang mga bagay na iyon ay may kaakibat na matinding parusa, halughugin nyo ang lahat ng kwarto, mga sulok, Wala kayong ititira" seryosong sabi ni Ama at agad na sumunod ang mga pinagkakatiwalaan nyang mga tauhan.
Maya-maya pa ay bumalik na si Heneral Kin kasunod ang mga kawal nya hawak nya ang mga libro at mapa.
"Saan nyo ito nagtagpuan?"
Tanong ni Ama."Sa kwarto po ng Isang dama"
Sabay turo ni Heneral Kin doon sa Isang dama na biglang napaupo at napaiyak."M-maawa po kayo sa'kin, Wala po akong kasalanan, napagutosan lang po ako.." nakaluhod na umiiyak na sabi ng Babae.
"Sinong nagutos sayo?"
Malamig na tanong ni Ama ngunit umiling lang ang babae."Hindi!, Hindi ko pwedeng sabihin dahil kapag sinabi ko ako ang papatayin nila" bakas sa muka nya ang pagkatakot.
Nila?
"Dakpin sya"
Utos ni Ama na agad naman nilang ginawa. Sumisigaw pa ang babae. Nagmamakaawa.Nahuli namin ang Isa ngunit alam kong marami pa ito. Nakita ko ang mariin na titig ni Reyna Vesin doon sa babae siguro ay nagagalit din ito sa ginawa nya.
Sinabi namin lahat kay Sage 'yung nangayari para sya na ang magsabi kay Ina.
"Wag kayong magalala makarating lahat sa kanya" sabi nya.
"Maraming salamat sa tulong mo"
Pagpapasalamat ni Princess Mia.
Umalis na rin si Sage para sabihin kay Ina ang nangyari.Masasabi kong simula 'nong nahuli 'yung dama ay medyo tumahimik muna ang lagay sa lahat ng palasyo. Wala ng nababalita na nawawala.
"Saan ka pupunta Heldi?"
Taka kong tanong kay Heldi ng makita kong papasok sya sa kwarto ng Reyna."A-ahh may inuutos po kasi sakin ang Reyna" sabi naman nya kaya tumango na lang ako at nagkunwaring naglakad na paalis pero ng marinig ko ang pagsara ng pinto ay sumilip ako.
Wala namang tao sa kwarto ng Reyna. May nakita pa akong papel na nakalagay sa Isang lamesa. Kulay puting sulat ito.Silasty
Iyon ang pangalan na nakasulat. Bubuksan ko na sana ng makita ko ang Reyna. Taka syang tumingin saakin.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ng Isang Reyna, Prinsesa? Dapat bang ugalin ng Isang prinsesa Ang pumasok sa kwarto ng Reyna lalo na kung walang pahintulot nito?" Seryosong nyang sabi kaya napayuko ako bilang pagbati.
"P-pasensya na po, hinahanap ko lang po kasi si Heldi sabi po kasi nya may inutos daw po kayo sa kanya" pagpapalusot ko kahit alam kung kaalis lang ni Heldi Mula sa kwarto nya.
Kung may inutos talaga ang Reyna kay Heldi bakit sinabi ni Heldi na may inutos sa kanya ang reyna kahit na wala naman ang Reyna sa loob ng kwarto nito ng makita kong lumabas sya. Kararating lang ng Reyna ngayon.
Nagsisinungaling ba si Heldi sakin."Inutusan ko nga syang pumunta sa Hari para dalahin ang pinapabigay kong pagkain" sabi naman nya kaya kumunot ang noo ko.
Wala namang dalang pagkain si Heldi kanina. Parehas silang nagsisinungaling. May kutob na rin ako pero baka magkakamali lamang ako. Mahirap na..
"A-ahh ganon po ba pasensya na po talaga" nagbow ulit ako at lumabas na ng kwarto nya.
Halata namang parehas silang nagsisinungaling ni Heldi. Pumasok si si Heldi sa kwarto ng Reyna ngunit wala noong oras na iyon ang Reyna. Pumasok naman ang Reyna sa loob noong umalis na si Heldi. Ano bang meron. Napaisip din ako kung para saan ang sulat. Ang lahat ng sulat na dumadating dito sa palasyo ay dapat ibibigay kay Ama dahil sya nga ang Hari sa kanya manggagaling ang lahat ng desisyon ngunit bakit may sulat ng Reyna galing sa may pangalan na Silasty...
______________________________________
:)
YOU ARE READING
Reincarnated To The Body Of The Hated Princess
RomanceSi Ivelisse ay isa lamang simpleng babae na magisa na sa buhay at ang kasama na lang nyang natitira ay ang kanyang lola. Nabago ang lahat ng may makita syang lumang libro sa aparador ng lola nya at nagising na lamang siya na wala na sya sa kanyang t...