Kabanata 17
"Master galaw-galaw naman kasi mauunahan ka na oh!"
Ibinababa naman ni Rizen ang kutsilyong hawak at tumingin kay Nathan.
"Mananahimik ka o sasapakin kita?"
Seryosong banta ni Rizen. Para namang yelong natunaw si Nathan at unti-unti pang napaupo. Ang kulit ko kasi."Ayan manahik na na lang kasi dyan"
Saway sa kanya ni Princess Aya.Napangiwi naman si Princess Wade ng makitang sinusubuan ni Gail si Aiden ng grapes habang nagbabasa si Aiden.
Kinuha naman agad ni Prince Wade ang paa ni Prince Aiden at tinanggal sa pagkakapatong sa lamesa kaya napahulog tuloy ang paa nya sa lapag. Inis nyang tiniklop ang libro nya. Ang ganda pa madin ng tayo ni Prince Aiden nakataas pa ang paa habang nagbabasa.
"What the!"
Inis nyang sabi at tumingin kay Wade."Ay sorry di ko sadya"
Sabi naman ni Prince Wade. Sumeryoso naman ang muka ni Prince Aiden kaya napatigil sa pagtawa si Prince Wade at Prince Nathan sa gilid."Eh kung sapakin kaya kita tapos sabihin kong hindi ko sinasasya?" Ang kulit talaga nitong dalawang ito eh hindi yata titigil hanggat hindi nasasapak.
"Nakatakas si Reyna Vesin pero pinapahanap na sya ni Ama, ligtas na rin si Jaze..hinahanap-hanap pa rin nya ang mama nya" sabi ni Kuya naguusap kami ngayon.
"Kawawa naman si Jaze.."
Malungkot na sabi ni Princess Mia."Hindi natin sya pwedeng ibigay kay Reyna Vesin baka mapahamak si Jaze" sabi ko.
"Talagang hindi natin sya ibibigay iyon din ang sabi ni Ama, napakabata pa ni Jaze para mamulat sa kalupitan ng Bezon Kingdom kung sakaling mapunta sya doon, hindi maari" sabi naman ni Kuya Yros.
Dinalaw rin ako ni Ina at ni Sage. Kasunod naman ay si Haring Pietro na kanina pa rin inaasar si Ama.
"Magpagaling ka ha...nagdala ako ng pagkain para sa future anak ko.."
Pagpaparinig ni Haring Pietro kay Ama. Tinanggap ko naman ang pagkain na binigay nya. Sinamaan na lang sya ng tingin ni Ama."Ayos ka na ba anak?"
Tanong ni Ama ngumiti naman ako at tumango."Ako na bagong ama mo ngayon tawagin na lang ako papi-" hindi na natapos ni Haring Pietro ang sasabihin nya ng tambain sya ni Ama kaya lalo syang napatawa.
"Lumalaki na ang butas ng ilong mo Theodore...exit na ako" dali-daling sabi ni Haring Pietro at umalis bago pa sya matamba ulit ni Ama.
May bagong member sa groupo ni Wade at Nathan.
Magaling na ako at handa na akong tumulong sa paghahanap kay betsin. Alam kong hindi sya magtatago Bezon dahil iyon lang ang kahariang alam namin na pwede nyang puntahan. Hindi sya tanga para magtago sa dalawang palasyong iyon Lalo na't alam nya na doon namin sya unang hahanapin.
Nabawi na rin naman ni Haring Pietro ang kahiran nya na ang Yenzon sa tulong ni Ama dahil sa naman sa pakiusap ni Ina kay Ama kaya walang nagawa si Ama at tinulungan na lang din ang kaibigan nito. Nasa pangangalaga naman namin si Jaze.
Una naming pinuntahan ay ang bahay ng magulang ni Reyna Vesin ngunit wala doon si Reyna Vesin. Nalaman namin na may magulang pa pala si Reyna Vesin kay Ama dahil dito daw isinilang si Jaze.
"Simula ng makilala nya si Silas ay sila na ang laging magkasama nito, sobrang tagal ng panahon na simula ng makita ko ang anak ko, sobrang nagbago sya kaya hindi na ako magtataka kung magawa nya ang mga bagay na sinasabi nyo ngayon" sa ng Ina ni Reyna Vesin.
"Matagal na pong magkakilala si Reyna Vesin at si Haring Silas?"
Tanong naman ni Elie."Kaibigan ko noon ang mga magulang ni Silas, hindi kagandahan ang mga ugali nila kaya pinalayo ko noon si Vesin sa kanila ngunit nagalit saakin ang Ina ni Silas ng malaman iyon...tuluyan nilang nilason ang utak ng anak ko hanggang sa lumayas sya dito at hindi na bumalik.." mukang masakit nga ang nangyari sa kanila at lumuluha na din ang matandang Ina ni Reyna Vesin.
"Hindi na sya ang anak ko...ibang-iba na sya sa Vesin na pinalaki namin noon...iba na sya..."
"Sabi nyo po hindi pa bumabalik dito si Reyna Vesin so umalis po sya noong nakapanganak na nya si Jaze?" Tanong naman ni Gail.
"Hindi...mga nasa dese otso pa lamang ang edad nya ng umalis sya dito" Sabi ng ginang kaya nagulat kami ang sinabi saamin ni Ama na sinabi daw sa kanya ni Reyna Vesin na dito daw sa mga magulang ni Reyna Vesin pinanganak si Jaze.
Nagkatinginan naman kaming lahat.
Nagsinungaling si Reyna Vesin. Hindi sya dito nanganak kay Jaze pero bakit kailangan nyang magsinungaling kay Ama tungkol kung sa saan nya isinilang si Jaze.______________________________________
:)
YOU ARE READING
Reincarnated To The Body Of The Hated Princess
RomanceSi Ivelisse ay isa lamang simpleng babae na magisa na sa buhay at ang kasama na lang nyang natitira ay ang kanyang lola. Nabago ang lahat ng may makita syang lumang libro sa aparador ng lola nya at nagising na lamang siya na wala na sya sa kanyang t...